"Pa-importante." Pasiring naman na bulong ni Vyjane pero narinig ko pa rin iyon!
Masama kong binalingan si Vyjane and was about to say something nang maunahan ako ni Alcinous.
"Hindi siya sanay sa lugar at bago pa lang si Dei dito sa Monti Alegri. Lalo na rito sa amin, kaya sinundo ko. At ako naman sumundo sa kanya. Walang kaso iyon sa akin."
Unti-unting gumuhit ang ngisi sa aking labi dahil sa sinabi ni Alcinous.
See that, bitch?
Sumama lalo ang mukha mg dalawang babae sa akin. Though hindi kami nagkakamabutihan nina Rizie at Vyjane. Hindi naman no'n naaapektuhan ang aming group project. Achievers din kasi ang dalawa at ayaw papatalo kaya ginagalingan din nila. Pareho kami rito na gusto ng malaking grado!
"Kuya, meryenda muna kayo!"
Habang nagre-review kami sa mga video namin. Bigla namang dumating ang babaeng kapatid ni Alcinous dala ang isang plato.
Nilapitan kaagad ni Alcinous ang kapatid.
"Salamat, Zayla. Kayo ni Aldous kumain na? Si Papa?" ani Alcinous sa kapatid.
Maganda ang kapatid ni Alcinous! She's a bit tan, but she looked truly gorgeous with her straight hair framing her small face!
"Tapos na kami, Kuya. Kayo kanina pa rito kaya sinabi ni Papa na dalhan na kayo rito sa labas."
"Salamat, Zayla."
"Walang anuman, Kuya! Saka maglalaro kami rito ni Aldous mamaya, ha. Kapag tapos na kayo. Nanuburyo na si Aldous sa loob, Kuya."
"Oo, at patapos na kami."
Malapad ang naging ngiti ni Zayla kay Alcinous bago ito kumaripas papasok sa bahay nila. Sinundan ko ng tingin si Zayla at nakita ko mula sa nakabukas na bintana ang isang kapatid ni Alcinous na lalaki na si Aldous.
"Dei,"
Naputol ang titig ko doon sa bintana at napatingin kay Alcinous.
"What?"
"Meryenda muna."
Binaba ko ang aking mata sa plato na nasa gitna. Nakapalibot kami sa plato at kumakain na ang iba. Tinitigan ko ito ng mabuti.
"Malinis iyan. Banana cue. Kumakin ka ba n'yan?"
Lumunok ako. It looks so delicious with the melted sugar coating the banana! But I'm nervous-I've never tried this before.
Tumango lang ako kay Alcinous.
Kinuha niya ang isang tinidor at saka nagtusok ng isa doon bago inabot sa akin.
Tinanggap ko ito at kakagat na sana nang hawakan ni Alcinous ang aking braso.
"Mainit. Hipan mo na."
"A-ahh, yes."
Hinipan ko iyon kagaya ng sabi ni Alcinous bago kumagat sa saging. Kahit na nahihirapan ako dahil doon sa sugar na kumakapit sa aking ngipin. Masarap pa rin! Sobra! Nakalimang slice nga ako nang saging kahit first time ko kumain no'n.
Bumalik din ang kapatid ni Alcinous dala naman ang pitsel ng juice at baso. But this time nakasunod na kay Zayla si Aldous. What a cute boy!
Nagsalin sila ng juice sa kani-kanilang baso at ako naman ay sinalinan ni Elvin.
Pinakilala sa amin ni Alcinous ang kanyang mga kapatid. Si Aldous parang nahihiya at nagtatago lang sa likod ni Zayla.
"Ang gaganda at gwapo n'yo!"
BINABASA MO ANG
Boundaries #1: Crossing Boundaries ??
General FictionBL Deimos is a prince living in his princess's dream. He had everything at his disposal. Wealth. Loving family. And look! Yet all those things seemed futile when he found himself in the province. *** Deimos Aldejar is one of a million spoiled brats...
CHAPTER 9
Magsimula sa umpisa
