"Heh!"
"Baka ako ang gusto mong sumubo sa'yo, Juls?" Gatong pa ni Hansel!
"Heh! Ewan ko sa inyo! Kapag ako talaga nagka-boyfriend, who you kayong lahat sa akin!"
"Kung magkakaboyfriend!" Asar pa ni Elvin kay Juls kaya naman binato ni Juls ng buto si Elvin.
Nagkakatahan sa loob ang mga kaibigan namin ni Alcinous pero kami ay nandito sa balcony ng house nila. Natapos na kami sa pagligpit ng mga pinagkain namin at ngayon ay kantahan na lang sana pero hinila ako ni Alcinous dito sa labas.
Nakasandal ako sa dibdib ni Alcinous at kitang-kita namin ang langit na napapalamutian ng mga stars. The stars seem to blink from afar, but scientifically, they are just balls of hot gas. They are mesmerizing; however, we cannot reach them. Just like a rose full of thorns, it is beautiful, but you are afraid to hold it because it might prick you and make you bleed.
Before, I wasn’t afraid of Alcinous. Back then, para lang damo si Alcinous. Damo lang siya sa nakapagandang garden pero ngayon nasa kanya na ang atensyon ko. Wala na akong paki sa ibang bulaklak na magaganda dahil nasa kanya na ang atensyon ko. Out of all the grass and flowers in the garden, my heart chose him. And I'm afraid that I'm the thorn in Alcinous' life.
Kasi no'ng wala naman ako, maayos lang siya. Marami siyang kaibigan, gusto siya ng lahat kahit na mahirap siya. Pero nang dumating ako, tingin ko, ako ang naging problema. Bigla kasing sumulpot ang mama niya out of nowhere at muntik pang masira ang relasyon nila ng papa niya dahil sa akin.
Hindi ko alam kung hanggang kailan itong nararamdaman namin ni Alcinous. Pero ngayon ang iniisip ko, takot akong mawala siya. Takot ako na kagaya ng bituin ay malusaw siya at mawala sa buhay ko. Mas lalo akong kinakabahan at nag-aalala kasi nais niyang pumasok sa PMA. Magiging LDR kami, magiging busy kami sa buhay namin.
Ang malalim kong pag-iisip ay naputol nang yakapin ako ni Alcinous nang mahigpit.
"Nilalamig ka ba? Gusto mo nang umuwi?"
Umiling ako at humawak sa braso niyang nakayakap sa akin.
"I'm just thinking..."
"Of what?"
"Sa buhay mo rati. Sa buhay mo nang hindi pa tayo nagkakilala at sa future na rin."
"Dei,"
"Alcinous,"
I shouldn't be thinking about this right now because it's his birthday. We're supposed to be celebrating and enjoying, but here I am being dramatic.
"Wala ka sa nakaraan ko, Dei, pero alam ko naman na ikaw ang gusto kong makasama sa future ko."
"It's so maaga pa para sabihin mo iyan. What if mag-break tayo?" ani ko sabay sulyap sa kanya.
Umasim ang mukha niya. "Why are we talking about this, Dei? We're not breaking up. Hindi ko iyan hahayaan."
"We cannot tell. Papasok ka sa PMA, maiiwan ako rito sa labas."
"We will work things for us. Kapag nakapasok ako sa PMA, we will still communicate, cub. Let's not talk about breaking up, okay? Kinakabahan ako sa mga sinasabi mo."
Ngumuso ako. "Sorry,"
"It's fine. I know na natatakot ka lang din siguro."
Tumayo ako at saka kumandong kay Alcinous. Yumakap na rin ako sa kanya.
"You said it yourself, we're not breaking up kahit na pumasok ka sa PMA."
"Hmm, walang maghihiwalay."
BINABASA MO ANG
Boundaries #1: Crossing Boundaries ??
General FictionBL Deimos is a prince living in his princess's dream. He had everything at his disposal. Wealth. Loving family. And look! Yet all those things seemed futile when he found himself in the province. *** Deimos Aldejar is one of a million spoiled brats...
CHAPTER 31
Magsimula sa umpisa
