抖阴社区

Ideal 03

4.1K 123 49
                                        

——

Seulgi

MASAMA ang tingin sa akin ni Wendy ng ikwento ko sa kanya ang napagusapan namin ni Irene kanina. Napangiti naman ako na parang nagsosorry. Bumaba ang tingin ko sa ballpen na hawak nya. Napalunok nalang ako ng makita ’kong mahigpit ang hawak nya sa ballpen.

Jusko, Paano kung bigla nyang isaksak sakin yan?!

“Putahamnida naman, Seulgi! Bakit sinabi mong girlfriend kita?!” Napapikit ako ng sigawan na naman ako ni Wendy for the fourth time.

Hindi ko naman kasalanan! Nasabi ko nalang bigla. Paano, Naaano ako sa titig ni Irene! Parang… Err… Naiilang? Paano, Nakatitig talaga sya sa akin habang iniintay ang sagot ‘ko! Malamang hindi na ako makakapagisip ng matino.

Nakatingin lang ako sa kanya ng tanungin nya sakin yun, Nasa akin talaga ang buong atensyon nya kaya naman napalunok ako. Anong gagawin ko?!

“Uh…” Hindi ako makapagisip ng matino lalo na ng matingin ako sa mga mata nya. Ngayon ko lang napansin na Hazelnut pala ang mata nya! Ang ganda. Feeling ‘ko, Mawawala ako sa sarili ko pag tumitig pa ako sa mga mata nya.

Ay wait, Ano ba tong…

Pinagsasasabi ko?

Hindi pa naman ako nababaliw, ah! “Ano? Kaaano ano mo?” Omg, Yung boses nya. Bipolar talaga ang babaeng to! Kanina lang, Ang cold ng boses nya, Ngayon naman, Ang sweet sweet na!

Ugh… Hindi tuloy ako makapagisip ng maayos!

“G-girlfriend 'ko. T-tama! Girlfriend ko. Hehe.” Halatang hindi totoo, Shet! Help me.

Mukha namang naniwala sya kaya nakahinga na ako ng maluwag lalo na nung hindi na nya ako pinansin.

Ngayon, Ang problema 'ko nalang kung paano sasabihin kay Wendy tong kaulolan na nagawa 'ko.

”Kung ikaw din yung nandoon, Hindi ka din makakapagisip ng matino! Titigan ka ba naman habang nagiisip ka ng idadahilan! Duh!” Sabi ko naman. Inirapan nya lang ako habang pinapaikot ikot ang ballpen sa daliri nya.

Ideal | seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon