AN: Yaz naman. Dahil saturday ngayon ay nakapagsulat ako. Grabe talaga. Ang busy ko na kahit first week pa lang namin. Madalang na akong magupdate dahil nga busy na ako pero tatry ko pa din at pag may time, magsusulat ako para dito o sa iba 'ko pang stories.
Hindi ko naman sila kayang paghiwalayin ng matagal, ihh.
• • •
NAPATITIG ako sa kanya ng sabihin nya ang mga salitang 'yun.
Bumalik ka na sa akin, please. Miss na miss na kita.
"I-irene." Gulat na sabi 'ko. Masyado akong nagulat sa mga sinabi nya. Bakit ganito sya? Hindi sya 'yung Irene na kilala 'ko. Hindi sya nagpeplease sa ibang tao. Hindi sya magmamakaawa. Hindi sya ganito. At higit sa lahat, hindi sya umiiyak. Ngayon 'ko lang sya nakitang umiyak at pinipiga ang puso 'ko sa nakikita 'ko.
"I miss you." She whispered, "Lumayo ka sa akin. Hindi mo tinupad ang pangako mo."
Hindi mo tinupad ang pangako mo.
Im sorry, Irene. Dahil nagpasya akong layuan ka. Tama ka. Hindi 'ko natupad ang pangako 'ko sayo.
"Irene babe!" Masayang sabi ko sa kanya ng makita 'ko syang naglalakad palabas ng gate. "Uuwi ka na?"
Tinignan nya ako. 'Yan na naman ang malamig nyang mata. Sobrang lamig tuwing tumitingin sa akin.
"Halata ba?""Hatid na kita." I said then giggled.
"Wag na." Sabi nya agad. "Wala ka namang kotse, bibwisitin mo lang ako, eh." Sabi naman nya kaya napapout ako. Ang sama sama nya talaga.
"Bilis na. Maglalakad ka lang ba? Baka mapahamak ka," Sabi ko naman at kinuha ang bag nya. "Samahan na kita sa paglalakad." Sabi ko at wala na din naman syang nagawa dahil nasa akin na ang bag nya.
"Irene." Tawag ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin.
"Irene." Tawag ko ulit.
"Oh?"
"Pag umalis ba ako sa tabi mo, matutuwa ka?" Tanong 'ko sa kanya. Naisip ko kasi, paano kung ayaw nya na pala na kinukulit 'ko sya?
Nililigawan 'ko sya pero paano kung ayaw na nya at ayaw lang nya sabihin sa akin?
Tinignan nya ako, "Ayoko."
Kumunot ang noo 'ko. "Ayaw mo?"
"Ayokong umalis ka sa tabi 'ko."
Unti unti na akong napangiti sa sinabi nya, "Hindi ako aalis. Promise."
Pero eto ako ngayon, nilalayuan sya. Iniiwan syang magisa.
Hindi ako makapaniwala na namimiss nya din ako.
Na apektado talaga sya sa paglayo 'ko sa kanya. Kung tutuusin, hindi pa naman ganun katagal simula ng iwanan 'ko sya. Monday pa lang ngayon at nung sabado 'ko sinabi na lalayuan 'ko muna sya. Kahapon, todo lang ako ng pagiyak sa bahay. Nagmumukmok ako sa loob ng kwarto 'ko."Im sorry."
"Ako dapat ang magsorry," She said seriously. "Kasi hinayaan kitang lumayo. At nasaktan kita."
Hindi ako nagsalita at yumuko nalang ako. Bakit ganito si Irene? Naninibago ako.
Naramdaman 'ko ang paglapit nya kaya naman nagangat ako ng tingin. Nakita ko na nasa harap 'ko na sya. Hindi kagaya ng dati na walang emosyon ang mga mata nya at para bang walang kabuhay buhay ang mga ito, may emosyon na ang mga ito ng tumingin ako sa mga mata nya— malungkot sya.

BINABASA MO ANG
Ideal | seulrene
Fanfiction?She's not my ideal girl, But I fell.? Irene x Seulgi. /?Baechuism. Thank you @papercupids for the cover ?