抖阴社区

SC2 ; Bonus (Again)

3.1K 93 76
                                        

AN: At dahil namiss ko ang story na 'to, gumawa ulit ako ng special chapter. Pero ang totoo, pinilit lang talaga ako ni Bearchunity at SeulgomBaechu eh? Hahahaha. Damay mo na si seulchii HAHAHAHA.

• • •

"AYESHA Kang! Nagmana ka talaga sa Tatay mo!" Inis na inis na sabi ni Irene na rinig na rinig ko habang nag-aayos ako ng kotse dito sa labas. Napakunot na naman ang noo ko, bakit nadamay na naman ako? "Tigilan mo nga 'yan, ang isip bata mo." Sabi pa ni Irene kaya napailing ako. Napailing nalang ako habang nagpatuloy ako sa pag-aayos ng kotse namin. Grabe naman kasi 'yang si Babylove, hyper masyado. Para bang ako lagi ang naaalala nya sa mga bagay na nakikita nya. "Nako, sinasabi ko sayo, puputulan talaga kita!" Muntik ko nang mabuga ang tubig na iniinom ko ng sabihin ni Irene 'yan. Unang una, nashookt ako dahil ganun na ba kabrutal ang Babylove 'ko? Pangalawa, ano ang mapuputol nya sa anak namin?

Wala na akong narinig na ingay kaya naman sigurado akong tapos na ang sermon ni Irene na mas mahaba pa sa pasensya nya. I mean, napakashort tempered ng Baby love ko. Ang bilis nyang magalit, ewan ko ba kung anong nangyayari dyan. Rinig ko ang tunog ng tsinelas nya kaya naman napatingin ako sa main door, nandito kasi ako sa may garahe, may sira kasi 'yung sasakyan namin, ayaw magstart. Kita ko na para syang may hinahanap. Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy ako sa paggawa ng kotse.

"Yaya, nakita nyo ba si Seulgi?" Napakunot ang noo ko at napatingin ulit sa kanya, nakita ko na nakatingin na din sya sa akin dahil malamang sa malamang ay naituro na ako ni Yaya Arielle.

Nanlambot na naman ako nang makita ko na naman ang mga mata nya at mukha nyang maamo. Oh shit, ganito nalang ako palagi pag nakikita ko sya.

"Bakit mo inaaway si Ayesha, Baby love?" I asked her nang makalapit sya sa akin, may dala dala syang tray na may lamang sandwich at pineapple juice. "Aga aga, nakabusangot ang mukha mo, pero don't worry, maganda ka pa din." I chuckled. Nakita ko naman na napangiti sya kaya napa-yes ako sa isip-isip ko. Achievement 'yun, ah. Napangiti ko sya in just a second. Tumayo ako at nilapitan sya, ang ganda ganda nya talaga kahit na simple lang ang suot nya.

"Silly." She mumbled, pero nakita ko naman ang pisngi nya na mamula mula at ang labi nya na malapit nang ngumiti. "Kumain ka muna, kanina ka pa nandyan." Sabi nya sa akin, "Tsaka paano, yung anak mo, manang mana sa'yo. Isip bata na, batugan pa! Nako!" Napahawak naman ako sa dibdib ko nang sabihin nya 'yun. Aray ha, sakit naman 'nun.

"Grabe naman, Baby love." Nakabusangot na sabi 'ko, "Ganun ba talaga ang tingin mo sa akin?"

She rolled her eyes, "Oo."

"So mean, Baby love." Nakasimangot na sabi ko, babalik na sana ako sa pagkakaupo ko kanina para ipagpatuloy ang ginagawa ko- nang bigla nyang hawakan ang pisngi ko at halikan ako. Nanlaki ang mga mata ko habang nakadikit ang labi 'ko sa labi nya. Ewan ko ba, napapikit nalang ako habang dinadamdam ang malambot nyang labi. Ang bilis ng tibok ng puso 'ko... pati 'yung tyan ko, parang may mga hayop na nagrarambulan.

Nang humiwalay na sya sa akin, ewan ko ba pero may naramdaman akong kakaiba- bitin. Oo, nabitin ako. Gusto ko pa syang halikan pero... mamaya nalang siguro, baka masapak na ako, eh.

"I love you, namiss 'ko yung labi mo." Sabi nya sa akin, yung boses nya na malamig pero mararamdaman mo 'yung sincerity. Napangiti nalang din ako.

"I love you too." Napatawa ako, "At please lang... wag mong putulan ng daliri ang anak natin, maawa ka sa kanya." Natatawang sabi ko kaya naman napatawa sya at napairap.

Ideal | seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon