抖阴社区

Ideal 24

3.7K 94 56
                                        

AN: Naadik ako sa style ni Taylor Swift. Kain na kayo.

• • •

PAULIT ULIT na nagrereplay sa utak ko ang sinabi nya.

I wouldn't mind falling for you.

At shit, sobra akong kinikilig. Handa naman akong magintay sa kanya at hinding hindi ako magsasawa.

Ang iniisip ko ngayon ay kung saan 'ko sya dadalhin sa date namin. Sayang lang talaga at wala dito si Wendy. Sya kasi ang tinatanong ko pag usapang ganito na.

Buti nalang at nandito si Lisa na medyo matino pang kausap. Kinalabit ko sya dahil kasama ko silang dalawa ni Jisoo.

"Lisa, saan ko magandang dalhin si Irene?" Tanong ko.

Tumingin naman sya sa akin, "Hmm." Nagisip pa sya. "Kahit saan. Si Irene unnie naman kasi, kahit na saan mo syang dalhin, ayos lang sa kanya. Bipolar sya at harsh pero hindi sya materialistic. Maappreciate nya ang lahat ng bagay na ibigay mo sa kanya lalo na pag importante sa kanya 'yung nagbigay." Sabi nya at ngumiti. Matino talagang kausap itong si Lisa. Buti naman.

"Pwede mo ba akong bigyan ng examples kung saan sya magandang dalhin? Gusto ko 'yung magiging memorable." Sabi ko pa.

"Memorable ba kamo? Dalhin mo sya sa bundok tapos iwan mo. Memorable sa kanya 'yun. At pagtapos nun, hindi ka na nya kakausapin." Natatawang singit ni Jisoo.

Sinamaan ko sya ng tingin, "Bwisit ka."

"You're welcome." She teased then winked.

I just glared at her and she just chuckled. Lakas talaga ng Jichu chikin na 'to.

"Hmm, para sayo ba unnie, saan ang memorable na place sa inyo?" Finally, sumagot na din si Lisa. Mabanas ako ng girlfriend nya, eh.

"Classroom?" Hindi ko sure ha. Kasi dun lang naman kami madalas magkasama ni Irene. Tsaka pala 'dun sa tambayan namin sa likod ng school.

Napabungisngis si Jisoo, "Classroom? Seriously?" Nangaasar ba talaga to o ano? Sarap bangasan, eh. Lakas mang trip amputa.

"Hindi naman kasi kami madalas lumabas ni Irene." Napakamot ako sa ulo ko.

"Edi dun nalang sa likod ng school. 'Yung madalas nyong tambayan." Sabi ni Lisa. "Pagandahin mo nalang at syempre, isurprise mo sya. Effort-an mo para mas lalo syang mahulog sayo." Lisa said then chuckled.

"Sus, sa bigat ni Irene unnie, hindi 'yun masasalo." Singit na naman ni Jisoo. Yung totoo? Ang epal nya talaga.

Hmm, effort? Diba iyon yung nilalapagan ng eroplano? Ay noo mo pala 'yun.

• • •

NAPAPANGITI nalang ako habang nagsusulat ng letter ko para kay Irene. Pinlano ko kasi na sulatan sya ng mga letters na matutuwa sya. At syempre, totoo ang lahat ng 'yun. Hindi keme keme lang. Magaling man akong manloko, hindi ko naman sya kayang paglaruan. Sabi nga nila, darating at darating 'yung taong makakapagpatino sayo. Yung taong magpaparealize sayo na may silbi ka pala. Yung taong mamahalin mo talaga at lahat gagawin mo para sa kanya.

Dati talaga, ang buhay ko— sobrang gulo. I mean, puro flings lang ako. Mga kalandian na hindi naman nagtatagal. Lilipas din. Nung makilala ko si Krystal, nagustuhan ko talaga sya dahil sya talaga ang ideal girl ko. Pero siguro, talagang may mga tao na kahit anong pagkagusto mo— hindi pwedeng maging sayo. At ganun nga siguro talaga. Nung una, hindi ko matanggap. Iniisip ko na ano ba ang mali sa akin para hindi nya ako mahalin? Pero nung makilala ko si Irene, sobrang daming nagbago.

Dati talaga, mahalaga sa akin ang standards ko sa isang tao. As in, mahalaga. Pero nung narealize kong gusto ko na talaga si Irene, tinanggap ko na din. Narealize ko na hindi pala porket ideal mo ang isang tao— kayo na ang nakatadhana para sa isa't isa. Kasi si Irene, hindi man sya ang ideal girl ko, patuloy ko pa din syang minamahal. Araw araw, kahit na napakabipolar nya, mahal ko pa din sya. Ganun nga siguro pag tinamaan ka na. Wala ka ng pakeelam sa mga flaws at imperfections nya, basta mahal mo sya. At ganun ako. Mahal na mahal ko sya kahit ang harsh nya. Mahal ko sya kahit minsan lang sya sweet. I love her and I really do.

"Hoy, Kang Seulgi! Bakit ngumingiti ka dyan? Mukha kang tanga." Muntik na akong atakihin ng biglang may magsalita. Napalingon ako at nakita kong si Irene kaya naman nagmamadali kong nilagay sa bag ko ang notebook na pinaglalagyan ko ng mga letters ko. Tsaka ko nalang iyon isasalin na sa magandang papel pag natapos na. Sana lang talaga maging maayos 'to. Paghahandaan ko talaga to. At isusurprise ko sya.

"Nakakagulat ka naman!" Sabi ko pero sinamaan nya lang ako ng tingin kaya naman natahimik ako. Oo na. Ako na ang under. Mararanasan nyo din to pag bipolar ang nililigawan nyo.

"Ano ba kasi 'yang sinusulat mo?" Tanong nya.

"Mga notes ko." Palusot ko naman ng hindi tumitingin sa mga mata nya. Hello? Oras na matingin ako sa maganda nyang mata, baka mapaamin ako ng wala sa oras.

"Weh? Ikaw? Nagsusulat ng notes? Tingin mo maniniwala ako?" Poker face na sabi nya. "Ulol mo, Kang. Wala kang maloloko dito." Araw araw talaga, bless na bless ako dahil sa mga mura nya. Punyeta. Halikan ko to, eh.

"Alam mo kasi, babe. Kaya ko gustong magaral ng mabuti, para pag nagkaanak tayo, matuturuan ko sya ng maayos." Sabi ko naman at kumindat pa.

"Magkaanak tayo? You wish, Kang." Umirap pa sya. "Wala ka ngang ano eh."

"Aba, matakot ka pag nagkaganun ako." Natatawang sabi ko. [AN: Pero nabasa ko na may ganung case talaga. Yung babae may ano.]

"Bwisit." She rolled her eyes. "Bakit mo ba kasi tinatago?"

"Hindi kasi lahat ng bagay ay pwedeng sabihin." Sabi ko naman. Naaalala ko si Wendy, ganyan ang sinabi nya sa akin nung nagpaalam sya na aalis sya.

"Bahala ka kung ayaw mong sabihin." Sabi nya at tinaliman ako ng tingin, "Basta siguraduhin mo lang na hindi ka nagchecheat sa akin." Sabi nya at inirapan ako. Ang taray nya talaga. Pero nakakatuwa sya pag ganito sya. Nagseselos sya. Ang cute ko talaga.

"Bakit naman ako magchecheat sayo?" Natatawang tanong ko habang umiiling iling pa. "Im not that kind of person." Sabi ko at tinignan sya sa mga mata. Nakatawa man ako habang sinasabi to, sana lang ay makita nya sa mga mata ko na sincere ako. "Lalo na at mahal na mahal kita? Wala sa bokabularyo ko na manloko pa."

• • •

Hoy, kumain na kayo!

Ideal | seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon