抖阴社区

Ideal 34

3.6K 88 17
                                        

AN: Chengxiao and Eunseo are so qt 💁💕

Minsan nakakagago si 抖阴社区. Yung tipong tapos na 'to dapat, tapos binura pa? Nakakainis. Nagulat nalang ako na nawala yung nakasulat para sa chapter na 'to. Kailangan ko pa tuloy ulitin. Kajirits.

• • •

INABOT sa akin ni Irene ang susuotin 'ko. Paano naman, bibili kami ng french fries sa McDo dahil iyon ang malapit na bilihan ng ganun dito. Oo, kami pa talaga ang bibili. Sinabi 'ko sa kanya na pwede namang magpadeliver nalang kami pero ayaw nya. Mas maganda na daw na maglakad kami para daw mabawasan ang taba sa utak 'ko. Hindi 'ko alam kung compliment ba 'yun o insulto.

"Couple sweater, huh?" Nakangising tanong 'ko at sinuot ang binigay nyang sweater. Ipapatong 'ko lang naman 'yun sa sando na suot 'ko.

"Hmm." Tumango sya, "Para malaman ng iba na akin ka na." Sabi nya at nagtaas pa ng kilay.

Napatawa naman ako, "Sayo lang naman talaga ako. Tsaka ako nga ang mas madaming kaagaw sa'yo." Oo, ang dami 'kong kaagaw kay Irene. Nakakabwisit na nga, eh. Ang daming nagtatanong sa akin ng number nya dahil kami ang nakikita nila na magkasama. Hindi nila alam na ako ang mahal ng babaeng pinagpapantasyahan nila. Mga bwisit sila. Paguuntugin 'ko sila, eh.

Bigla naman syang umupo sa lap 'ko at ang kamay 'ko naman ay pumulupot sa bewang nya. Ang gaan gaan nya lang talaga.

"Selos ka naman?" Natatawang sabi nya, "Sayo lang din ako, no." Napangiti naman ako sa sinabi nya. Sinabi sa akin ni Irene na hindi sya nagpapaangkin sa iba. Pero eto sya ngayon, sinasabing akin lang sya.

Hinimas 'ko naman ang bewang nya, "I know." I giggled.

• • •

MAGKAHAWAK kamay kaming naglalakad ni Irene papuntang McDo. Malapit lang naman, eh. At oo, pinanindigan nya ang sinabi nyang maglalakad kami. Sabagay, hayaan nyo na, ayos lang naman sa akin na maglakad basta si Irene ang kasama 'ko. Kanina pa nga kami pinagtitinginan ng mga tao dahil nakacouple sweater kami at magkaholding hands pa kami. Pero eto namang si Irene, parang walang pakeelam. Tuloy lang ang lakad nya.

"Baby love." Tawag 'ko sa kanya.

"Hmm?"

"Pinagtitinginan nila tayo." Sabi 'ko sa kanya.

"Ah." Napafacepalm ako sa sinabi nya. Napakatino talaga. Bwisit.

"Ang tino ng sagot mo, ah." Sabi ko sa kanya.

Tumingin naman sya sa akin, "Wala naman kasi akong pake. Sayo lang naman big deal ang lahat. Pati ata pagtae ng aso, pinapansin mo." Sabi nya sa akin kaya napapout ako. Nakakainis kasi tama sya. "Tsaka wag ka ng magtaka. Sa ganda 'kong to, mapapatingin talaga sila." She said then smirked. Oh, naramdaman nyo 'yun? Humangin bigla, no? Babagyo kaya?

"Humangin bigla." Sabi 'ko kaya napatawa sya. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang ako naman ay patingin tingin sa paligid. Napahinto ako ng makakita ako ng bilihan ng cotton candy. Huminto ako kaya naman napahinto din sya at kunot noong tumingin sa akin. Ang sungit talaga.

"What?" Kunot noong tanong nya. "Bakit ka tumigil sa paglalakad?"

"Baby love, bili mo ako ng cotton candy!" Sabi 'ko at nagpapacute pa.

Tinignan nya ako na para bang weird ako sa paningin nya. "Seriously? Cotton candy? Eh puro hangin lang 'yan, eh." Umirap pa sya. Ang laki ng galit nya sa cotton candy, ah?

"Come on, Baby love. Don't be a hater. Bili mo na ako." Pagpapacute 'ko pa.
Alam 'ko namang hindi nya ako matitiis. Mahal na mahal kaya ako nyan. Oo na. Ako na ang mayabang. Pero proud lang ako no.

She sighed. "Fine, fine. Para kang bata." Sabi nya sa akin at hinatak na ang kamay 'ko papunta dun sa lalaking nagtitinda ng cotton candy.

• • •

PINUNASAN 'ko naman ang bibig ni Irene na meron pang ketchup sa gilid. May pasabi sabi pa sya na para akong bata. Eh sya nga tong parang bata kumain. Puro sauce pa ang bibig. Kahit na ang cute nya tignan pag ganun ang itsura nya, pinupunasan 'ko pa din ang bibig nya dahil ayokong magmukha syang ewan.

"Alam 'ko naman na nagkecrave ka sa fries pero hindi mo naman kailangan na magmukhang patay gutom." Sabi 'ko kaya sinamaan nya ako ng tingin. Nakuha naman ako ng tingin kaya tumahimik nalang ako. Sabi 'ko nga, shut up nalang ako.

"Mas mukha kang patay gutom." Ganti naman nya sa akin at umirap pa. Napapout naman ako. Ako na naman. Eh sya nga 'yung mukhang construction worker kung kumain ngayon. Masyado naman ata syang nagcrave sa fries ngayon? Hmm.

"Naaalala mo pa ba 'yung muntik na tayong magkiss dahil sa french fries?" Tanong 'ko sa kanya.

Napangiti naman sya at tumingin sa akin, "Oo naman. Yun pa ba ang makakalimutan 'ko?"

"Ah, Irene! Ang sarap talaga ng french fries." Sabi 'ko kay Irene habang nandito kami sa tambayan. As usual.

"Halata nga." Sabi nya sa akin. "Tsaka bakit ba ganyan ka kumain? Ayaw mong gamitan ng kamay mo. Mukha kang sira." Pangaral nya sa akin.

"Walang basagan ng trip, Miss." I chuckled.

"Ewan 'ko sayo," She rolled her eyes. "Penge nga." Sabi nya sa akin kaya naman nilapit 'ko sa kanya ang french fries na nilalapang 'ko. Nagulat nalang ako ng ilapit nya ang mukha nya sa mukha 'ko at kinagat ang dulo ng french fries na nakasubo sa bunganga 'ko. Pakiramdam 'ko, tumigil ang paghinga 'ko. Natigilan ako habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa kanya. Para kaming nagpepeppero game. Paano, unti unting lumalapit ang mukha nya sa akin habang kagat kagat ang dulo ng fries na nasa bunganga 'ko.

Mamamatay na ata ako.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ’ko. Feeling ko, aatakihin na ako— nakahinga lang ako ng maluwag nung lumayo na sya sa akin habang ngumunguya. Nangingiti pa sya habang nakatingin sa akin. Malamang ay pinagtatawanan nya ako dahil gulat na gulat ang mukha ‘ko.

"Ang sarap pala talaga." Sabi nya habang nakatingin sa akin sabay ngisi. Namula naman ako at napaiwas ng tingin.

Woah, that was so close.

"Binitin mo ako nun. Akala 'ko, mamahalikan na kita." Pagdadrama 'ko pa. At oo, umasa ako nun na mahahalikan 'ko sya.
Bwisit lang kasi paasa sya.

Napatawa naman sya. "Umasa ka naman." She smirked, "Tsaka wag ka ngang maarte."

"Paanong hindi ako magiinarte? Eh paasa ka. Ang lapit lapit na ng mukha mo nun sa akin, no. Kung hindi ka lang lumayo, malamang nahalikan na kita—" Hindi 'ko na natapos ang sinasabi 'ko dahil puta, hinalikan nya ako.
Saglit lang pero natulala talaga ako.
Hindi naman namin first time na magkiss pero aaminin 'ko na malakas pa din ang epekto ng mga halik nya sa akin.

"Yan. Edi natigilan ka." Natatawang sabi nya at tumingin sa labi 'ko, "Wag ka ng magreklamo about dun. Besides, pwedeng pwede mo naman akong halikan anytime." She said then winked.

Napayuko naman ako. Oh ano, Seulgi? Edi natameme ka.

• • •

Hmm. Masyadong PDA, Brader. Naaalala ko yung magsyota na naglalandian sa harap ng bahay namin. Alis sila, eh. 😂

Sooooo. Papasok na ako mamaya 😂 Magiging busy na naman akes. Matatapos na talaga to, promise. Magugulat nalang kayo, tapos na to. 😂

Ideal | seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon