AN: To tell you the truth…
• • •
NAPANGUSO ako na parang pato sa harap ni Wendy, "Feeling ko talaga may chance na ako para kay Irene kahit papaano. Kasi naman, may epekto din ako sa kanya kahit papaano. Kinikilig at namumula sya pag nilalandi ko sya. Pero paano ako makakaamin sa kanya kung alam nya na girlfriend kita?" I asked Wendy.
Wendy smiled, "Alam ko naman na mahuhulog din ang loob nya sayo." She teased.
Ngumiti naman ako na parang nagyayabang. "Know right? Im so lovable kaya and adorable kaya naman mahuhulog talaga sya sa akin." Mayabang na sabi ko kaya naman napairap sya.
"Shut up, Kang." Sabi nya. "Ang yabang mo talagang bwisit ka."
"I know right." Parang ewan na sabi ko at tumawa pa.
Tinapik naman nya ang balikat ko, "Don't worry. Ako na ang magsasabi sa kanya." She promised.
Lumaki naman ang mata ko dahil sa gulat, "Really?!" I squealed.
"Yeah, yeah." Sabi nya at ngumiti. "Basta… just promise me one thing."
Tumaas ang kilay ko, "Sure. What is it?"
"Alagaan mo sya. Kung masasaktan man sya ng dahil sayo, dapat hindi mo intensyon. Protect her. Pinagkakatiwala ko sya sayo." Ngumiti sya, "Gusto kong alagaan mo sya. Ayokong masasaktan sya dahil may pinagsamahan kami at masakit sakin pa nakita ko sya na umiiyak. So, alagaan mo sya ha?" Sabi nya sa akin.
I nodded, "I will."
"Oh and one more thing," Sabi pa nya.
Tumingin ako sa kanya. "Ano 'yun?"
"Be happy." She said then beamed a smile.
• • •
Wendy
TUMINGIN ako kay Irene na nakaupo sa bench kung saan sya madalas tumambay at bumuntong hininga.
Wala pa din syang pinagbabago. Mahilig pa din syang magbasa ng mga libro.
Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa kanya at umupo sa tabi nya. Napatingin sya sa akin at halata ang pagkagulat sa mga mata nya dahil hindi nya inaasahan na lalapitan ko sya. Matagal na din kasi ng huli kaming magkausap na kaming dalawa lang. Kasi tuwing sumasama ako sa barkada, madalas na sila Jisoo lang din ang kausap ko o yung iba pero sya? Hindi. Aaminin ko na awkward pa din kami kahit na sinasabi nyang napatawad na nya ako.
"Uhm, hi." I said then smiled. "I have to tell you something."
Kumunot ang noo nya pero sumagot din, "Ano 'yun? Tungkol saan?"
"About Seulgi." Mahinang sabi ko at yumuko. Nilalaro ko ang mga daliri ko.
Nagangat ako ng tingin para makita ag reaksyon nya at nakita ko na nagulat sya ng banggitin ko si Seulgi.
"W-what about Seulgi?" She asked me. Bigla syang nautal kaya malungkot na napangiti ako. I knew it.
"Alam ko na may gusto ka sa kanya."
Nanlaki ang mga mata nya at para bang may bumara sa lalamunan nya dahil nahirapan syang magsalita. Pero maya maya din ay nagsalita sya, "N-no! I mean, bakit mo naman naisip yan? Wala akong gusto sa kanya." Plain na sabi nya na para bang wala syang pakeelam sa pinaguusapan namin.
Kung hindi nila kilala si Irene, malamang maniniwala sila. Pero ibahin nyo ako, alam ko ang totoo nyang nararamdaman. At wala syang matatago sa akin.
"Wala ka pa ding pinagbabago." Sabi ko at ngumiti ng tipid. "Magaling ka pa ding magdeny at magtago ng feelings." Natatawang sabi ko kaya napatingin sya sa mga mata ko. I just smiled at her, "Pero hindi mo ako maloloko."
"Si Kang Seulgi? Magugustuhan ko? Hindi, Wendy. Tsaka bakit mo ba pinupush 'yan? I mean, bakit parang tinutulak mo ko kay Seulgi? Diba maggirlfriend kayo?" Kasi gusto kong maging masaya kayong dalawa.
"That's why Im here." I said then smiled, "To tell you the truth."
"Truth?" She asked me.
"Yeah." Sabi ko at huminga ng malalim bago ulit magsalita, "Hindi talaga kami magsyota ni Seulgi."
Nanlaki ang mga mata nya. "W-what?"
"Ginawa lang namin ang pagpapanggap na iyon dahil iyon lang ang naisip nya na sabihin sayo nung tinanong mo sya kaya naman pinanindigan na namin." I said then gave her a warm smile, "Kaya wag mo ng pigilan ang sarili mo na mafall sa kanya dahil pwedeng pwede namang maging kayo."
"Why are you doing this?" Tanong nya habang nakatingin sa mga mata ko.
"I just want you to be happy. I just want Seulgi to be happy. Gusto ko na maging masaya na kayo pareho dahil alam ko naman na mutual ang feelings nyo." Mahinang sabi ko at ngumiti, "Im doing this for the both of you. Because I love you both."
She gave me a smile. Yung ngiti na minsan lang nya ibigay sa isang tao. Madalas kasi ay bipolar sya at laging nakasimangot. Pero pag nginitian ka nya, ibig sabihin, napasaya mo talaga sya.
At naging masaya sya ng sinabi ko na hindi talaga kami ni Seulgi.
She's really inlove with Seulgi. Sana nga ay maging masaya na sila.
"Thank you."
"You're always welcome." I said then gave her my sweetest smile. "Sana alagaan mo sya at alam kong aalagaan ka nya." May tiwala ako kay Seulgi na hindi ka nya sasaktan.
"Paano ba 'yan? Mauna na ako." Ngumiti pa ako sa kanya at tumayo, "Wag kang magalala, kahit na bipolar ka, mahal na mahal ka pa din ni Seulgi. Inlababo yun sayo." Nakangiting sabi ko kaya napangiti din sya.
Sorry, Seulgi. Binuking kita.
"Bye. See you around." Nakangiting sabi ko at ganun din naman sya.
Pagkatalikod na pagkatalikod ko, nandun 'yung pain. Pero syempre, nandun din yung part na masaya.
Masaya ako dahil magiging masaya na si Seulgi at Irene. Sana lang ay wala ng humadlang sa kanila. Kahit na mahangin at may pagkatanga iyong si Seulgi, totoo syang magmahal. At kahit na bipolar si Irene, alam kong mamahalin nya ng higit pa sa sarili nya si Seulgi.
Kahit na sa ganitong paraan, mapasaya ko si Seulgi.
Pagpaparaya.
Mahirap nga sigurong gawin 'yan lalo na pag ayaw mo talagang i let go ang taong mahal mo. Pero siguro, ayokong maging selfish kaya nagpaubaya na ako. Isa pa, alam ko naman na mahal nila ang isa't isa kaya sino ba naman ako para humadlang pa?
At mula dati pa, lagi nalang nagpaparaya para sa akin si Seulgi.
Kaya naman ngayon, ayoko ng magpakaselfish. Hahayaan ko naman syang maging masaya.
Kahit na ako pa ang masaktan.
Sana lang talaga at maging masaya sila para hindi naman masayang ang pagpaparaya ko.
Kung hindi pa obvious, nagparaya ako para maging masaya silang dalawa. Hindi ko na hahadlangan ang pagiibigan nila dahil alam ko naman na gusto nila ang isa't isa. At isa pa, pag nalaman ni Seulgi na mahal ko pa rin si Irene, malamang ay magpaparaya na naman sya at 'yun ang ayokong mangyari.
Marami na syang sinakripisyo para sa akin. At ayoko na pati hanggang dito, magpaparaya pa rin sya sa akin.
Hell yeah, Im still inlove with Irene.
But I gave up.
Because of Seulgi. Because of my bestfriend.
Kahit manlang sa ganitong paraan, makabawi ako sa lahat ng sinakripisyo nya para sa akin.
• • •
Palakpakan natin si Wannietot. Sniffs. Im so proud of you.

BINABASA MO ANG
Ideal | seulrene
Fanfiction?She's not my ideal girl, But I fell.? Irene x Seulgi. /?Baechuism. Thank you @papercupids for the cover ?