AN: Good moaning, yeah.
• • •
Seulgi
NAKANGITI akong tumabi kay Irene na nagbabasa lang ng libro habang sitting pretty sa upuan nya.
Sinulyapan nya lang ako pagtapos ay binalik ulit ang tingin sa libro nya. Aba, himala. Hindi ako inirapan?
Alam kong alam na nya ang totoo. Na hindi kami magsyota ni Wendy. Nakwento kasi sa akin ni Wendy na nasabi na nya kay Irene ang totoo. Medyo weird nga lang dahil parang ang lungkot ni Wendy nung sinasabi nya 'yun. Tapos nagpaalam pa sya sa akin.
"Oy! Wannietot!" I called Wendy when I saw her sitting on the bench.
"Oh? Seulangot?" Ganti naman nya at ngumiti pa pero bakit hindi umabot sa mga mata nya ang ngiti nya?
May nangyari ba?
"Nasabi mo na?" Tanong ko nalang dahil kilala ko naman si Wendy. Kahit na tanungin ko sya kung anong problema nya, hindi nya sasabihin sa akin. Masyado syang malihim.
"Yeah," She smiled slightly. "At alagaan mo sya ah? Pag nagkasakitan kayo, nako nako, paguuntugin ko kayo."
Nakangiting sabi nya kaya napangiti na din ako."Seulgi."
"Yes?"
"I have something to tell you."
Kumunot naman ang noo ko, "Ano yun?"
"Pupunta ako ng ibang bansa."
Nanlaki ang mga mata ko, "Huh?! Paano ang pagaaral mo dito?"
Gulat na tanong ko. Hindi ko inaasahan ang sasabihin nya."Uhm. Magtatransfer ako sa ibang bansa. Isang taon lang naman."
"Bakit naman?" Naiiyak na tanong ko. "Iiwan mo na ako?"
Napatawa sya ng mahina, "Gago ka, Seulgi. Hindi tayo magsyota, wag ka ngang ganyan makapagreact."
"Bestfriend mo ako! Bakit naman kasi ganito?"
Ngumiti sya sa akin ng malungkot, "Hahanapin ko lang ang sarili ko."
"Huh? Hahanapin mo ang sarili mo? Magulat ka kapag nakasalubong mo 'yan." Sabi ko at nakatanggap ako ng batok sa kanya.
Napapout naman ako. Aalis na nga sya, brutal pa din sya.
"I mean… nasaktan kasi ako kaya lalayo muna ako para makapagisip isip. Para makamove on. Kasi kung patuloy lang ako na nandito at magpapakamasokista, hindi ako makakamove on." Sabi nya kaya kumunot ang noo ko.
"Bakit? Sino ba ang nanakit sayo? Tsaka hindi kita magets! Sino ba 'yung mahal mo? Ikaw ha! Naglilihim ka na sa akin." Sabi ko naman.
Ngumiti sya ng mapait, "Hindi kasi lahat ng bagay, pwedeng sabihin, Seulgi. Minsan, pag sinabi mo ang nararamdaman mo, magiging komplikado lang ang lahat kaya mas pipiliin mo nalang na manahimik."
Makahulugang sabi nya."Hindi mo pwedeng sabihin sa akin ang problema mo?" Malungkot na tanong ko. "Akala ko ba, magbestfriend tayo?"
"Yeah, magbestfriend tayo, Seulgi. Sasabihin ko din naman sa iyo pag handa na ako. Pag maayos na ang lahat." She said then gave me a weak smile, "Isa pa, kaya nga nandyan si Irene, eh. Para sya muna ang makakasama mo habang wala ako. Babalik naman ako pag maayos na ang lahat." Mahinang sabi nya. "Darating talaga ang araw na kailangan mong umalis para sa ikakaayos ng lahat."
Hindi ko man sya naintindihan ay nagsalita ako, "Basta babalikan mo ako ha?"
"Yeah." She smiled. "Wag mo muna akong isipin. Basta, ang isipin mo, kung paano magiging kayo ni Irene. Tapos pagbalik ko, tsaka mo nalang ako kwentuhan. Okay?" Nakangiting sabi nya.
Tumango naman ako at niyakap sya, "Magiingat ka."
"I will. Kayo din."
Hindi ko na muna masyadong iniisip 'yun dahil sabi nga ni Wendy, babalik naman sya. Sinabi pa nya na wag daw akong malulungkot at ang isipin ko daw ay kung paano magiging kami ni Irene. Sana lang talaga masabi nya sa akin balang araw ang problema nya kapag handa na sya. Hindi na sya pumapasok ngayon. Sinabi ko pa na ihahatid namin sya ng barkada sa airport pero tumanggi na sya. Ayaw daw nya dahil baka magiyakan pa kami dun. Alam na din ng barkada ang tungkol sa pagalis nya at nalungkot din sila. Sinabi ko nalang na nagpromise si Wendy na babalik sya. At si Wendy? Never syang hindi tumupad sa mga promise nya sa akin.
"Hi, babe." Panlalandi ko kay Irene habang nakangiti pa.
"Hi."
Lumaki ang mga mata ko, "Aba! Himala. Hindi ka ata bad mood ngayon?" Sus, Seulgi. Maya maya lang ay masungit ulit 'yan. Bipolar 'yan, eh.
"Hindi pa naman. Pero maya maya lang, pag matagal ko ng nakita yang mukha mo, mababadtrip na ako."
Napafacepalm naman ako. Hindi na ata mawawala sa kanya ang pagkaharsh nya.
"Sus. Ang sabihin mo, pag matagal mong nakita tong maganda kong mukha, maiinlove ka lalo." Sabi ko at ngumisi pa.
"Nung nagpasabog siguro ng kayabangan, gising na gising ka at nakanganga pa. Iba din ang klase ng kahanginan mo." Poker face na sabi nya at binalik ang tingin sa libro nya.
I smiled, "At nung nagpasabog siguro ng kagandahan, sinalo mo lahat." Nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi ko masabi ng diretso sa kanya na maganda sya. Atleast ngayon, nasabi ko na.
Sobrang ganda nya.
Napaiwas sya ng tingin at pinaypayan ang mukha nya gamit ang kamay nya kaya naman napakunot ang noo ko. Naiinitan ba sya?
"Mainit ba?" I asked her. Paano naman kasi, panay ang paypay nya sa mukha nya at ang pula pula na nya din.
"H-hindi." Umiwas sya ng tingin.
"Naiilang ka ba sa akin?"
"N-no."
Umusod ako papalapit sa kanya at halatang kinabahan na naman sya. Hindi naman ganito si Irene dati. Bakit parang kinakabahan sya tuwing lumalapit ako sa kanya?
"Irene…"
"B-bakit?"
"Do I make you feel uncomfortable?" Bulong ko sa tenga nya kaya naramdaman ko ang paglalim ng paghinga nya.
Si Irene kasi, matapang na babae. Pag tinignan mo sya, wala syang ekspresyon at para bang wala syang gana sa buhay nya. Minsan lang sya ngumiti at minsan lang din magpakita ng nararamdaman nya. Madalas ay pag tinignan ka nya, matatakot ka nalang dahil para ka nyang sasakmalin. Napakabipolar pa nya. Pag tinignan mo sya, parang wala syang kinatatakutan. Pero sa totoo lang, napakasensitive nya.
At wala man sa kanya ang mga katangian na hanap ko sa iisang babae- wala na akong pakeelam.
Kasi kung tutuusin, mas better pa sya sa ideal girl ko. Unique sya.
Mabait sya sa sarili nyang paraan. Ipaparamdam nya sayo na may care sya sayo kahit na hindi man nya sabihin iyon sa iyo ng harap harapan.
Kaya nga nahulog ako sa kanya. Kasi kakaiba sya sa lahat. She's one of a kind.
And I know that she's the right girl for me.
"Irene." Tawag ko sa kanya ng isa pang beses.
Humarap sya sa akin, "Bakit?" Ang lamig na naman ng mga mata nya. Bipolar.
"I love you." Nakangiting sabi ko at ang hindi ko inaasahan ay napangiti din sya.
• • •
Omg guys. Napanood nyo na ba yung idol drama operation team episode 1? Shit huhuhu. Naiyak ako dahil sa pagarte ni Seulgi. Napakatalented nya talagang nilalang. Grabe huhuhu. Nadala ako sa pagarte nya dahil umiyak talaga sya. Aww. Tapos natawa naman ako sa part ni Moonbyul at Somi. Aww, such a cuties. 😍

BINABASA MO ANG
Ideal | seulrene
Fanfiction?She's not my ideal girl, But I fell.? Irene x Seulgi. /?Baechuism. Thank you @papercupids for the cover ?