抖阴社区

Chapter 16: Avalon

7.3K 257 3
                                    

Avalon

~~~

Clementine POV

"Malapit na tayo sa dulo ng Dark forest."sabi ni Van at napa lingon sa amin.

"Fin kaya mo pa ba? Nang hihina na ang apoy mo." Sabi ni Liana kaya napa tingin ako kay Fin na nasa likod ko.

Tama si Liana, nang hihina na ang apoy ni Fin at nanlalanta na ang katawan niya. Halatang pagod na si Fin.

"Mag lakad na nga lang kayo."inis na sabi ni Fin. Kaya nag katinginan ang mga mag kakapatid saka nag lakad.

Nag pahuli ako sa kanila saka pumantay kay Fin.

"Ano nanamang kaartehan mo?"tanong ni Fin sa akin.

"Mahina na ang katawan mo, pag pinilit mo pa baka mawalan ka ng malay."sabi ko. Inirapan niya lang ako at nag lakad ng tahimik.

Napa lingon ako sa kaliwa ko at may nakitang kahoy, kinuha ko yun saka lumapit kay Liana.

"Liana, kaya mo bang mag cast ng spell para magkaruon ng foam na may gas to?"tanong ko. Tumingin siya sa hawak ko saka iniwasiwas ang kamay niya. Tumingin ako sa hawak ko at ngumiti.

"Thank you."sabi ko saka bumalik sa tabi ni Fin.

"Woi Fin, pahingi ng apoy ah."sabi ko at idinikit ang hawak ko sa kamay niya.

"Fuck! Pag napaso ka--"

"Yan, oh patayin mo na yang apoy mo."sabi ko at tumingin sa mukha niya. Unti unting nawala yung kunot sa nuo niya saka unti unting namatay ang apoy sa katawan niya. Ngumiti lang ako at tumingin sa daanan.

Nabigla ako ng parang ma a-out of balance si Fin. Agad kong hinigit ang bewang niya dahilan para mapa tingin siya sa akin.

"Wala ka na talagang energy."sabi ko at inalalayan siya. Inilagay ko ang isang kamay niya sa balikat ko saka ko nilagay ang isang kamay ko sa bewang niya.

"Akin na yan." Sabi niya at biglang kinuha yung kahoy na may Apoy sa isan kamay ko.
Mas lalo niya pa akong inilapit sa katawan niya kaya napa lunok ako.

Patuloy lang kami sa pag lalakad hanggang sa may maaninag na kaminh liwanag.

Ng malapit na kami sa liwanag na iyon ay tinapo na ni Fin ang hawak niyang kahoy saka tumingin sa harap.

"nasa Avalon tayo."sabi ni Creed at tumingin sa gawi namin. Natigilan siya ng makita ang posisyon namin.

"Diba may kahinaan si Fin sa avalon?"tanong ni Liana at tumingin din sa gawi namin, at gaya ng ni Creed ay natigilan din siya ng makita kami.

"Hindi natin mapapakinabangan si Fin dito."sabi naman ni Von at lumingon din sa gawi namin. Natigilan din sya ng makita kaming dalawa ni Fin.

"Ano, inaalalayan ko lang siya."sabi ko at tumingin kay Fin na walang pake alam sa mga kapatid niya.

"may mga pagkain oh!" Napalingon kami sa Gawi ni Van na naka turo sa isang mesa na puno ng pagkain.

"Wag!"awat ni Leona kay Van.

"Bakit?"tanong ni Van.

"Patibong yan."sabi nya saka nilabas ang wand.

"Magento." Bigkas niya saka kami napalibutan ng isang water shield. Kumunot ang nuo ko ng makita ang ilang Studyante ng Vampire High na lumapit sa mesa ng pagkain at kumain. Maya maya lang ay nawalan sila ng malay.

Napalunok si Van sa nakita.

"okay na saking magutom."sabi ni Van. Nawala ang shield at nag simulang mag lakad si Leona kaya sinundan namin siya.

"Yung Map Von." Sabi ni Creed kaya naman binigay ni Von sa kanya ang map at tinignan.

"Nasa kaliwa natin ang Vollia Falls. Sa kanan ang Semester Savanna at sa harap natin ang red Dessert."sabi ni Creed at lumingin kay Liana.

"Saan tayo dadaan?"tanong ni Creed.

"Sa Vollia Falls malamang."sagot ni Liana.

"teka sandali Wag."agad kong tutul kaya napa tingin sila sa akin.

"Ano kasi, pag sa Vollia Falls tayo dumaan babalik tayo sa unang pwesto natin. pag sa Semester Savanna naman makakaharap natin ang mga Gorblyod pero malapit yun sa Red Forest."Sabi ko.

"Saan tayo dadaan?"tanong ni Von.

"Sa Semester Savanna."sabay naming sagot ni Fin kaya nag katinginan kami.

"eh sabi mo may Gorblyod don?"sabi ni Van.

"Eh di patayin ang mga gorblyod."sabi ni Fin.

"Pano mapapatay yun eh di naman nagana powers mo. Nasa Avalon parin tayo at sa Avalon lang hindi gumagana ang powers mo. Sakop ng Avalon ang Semester Savanna."sabi ni Creed.

"Ughm, eh di mag plano tayo?" Singit ni Leona kaya napa tingin kaming lahat sa kanya.

"Kami ng bahala ni Liana sa Mother Gorbloyd, kayo Von at Van bahala sa Baby Gorbloyd at ikaw Creed, protector ka nila Fin at Clementine."sabi ni Leona kaya tumango tango kami.

"Okay, lets go."sabi ni Liana at nag simulang mag lakad papasok sa Semester Savanna.

Lumingon ako kay Fin na walang emosyon ang mukha na inaalalayan ko. Lumingon siya sa akin at nag tama ang mga paningin namin. Bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla siyang ngumiti.

Shit! Pangalawang beses na!

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon