抖阴社区

Chapter 21: End Game

7.3K 210 3
                                    

End Game

~~~

Clementine POV

Matapos ang awkward moment sa Messafara Falls ay nag patuloy na kami sa pag lalakad.

Malapit na kami sa finish line kaya mas lalo naming binibilisan dahil baka maunahan kami ng ibang grupo.

"Ayun na ang light." Napa tingin kami sa harap namin at nakita ang light. Nasa gitna iyon ng apat na daan kaya napa ngiti kami.

Agad kaming nag patuloy sa pag lalakad ng mapatigil sila Von at Van.

"Patay." Bulong ni Von habang naka tingin sa harap.

"Gorbloyd." Sabi ni Liana

"Nandito din ang iba't ibang grupo ng kalaban natin." Dagdag ni Leona. Napatingin ako sa harap at nakita ang apat na daan na may nakatayong mga studyante ng Vampire High. Sa unang daan nandoon ang mga Wolf Vampire, sa pangalawang daan nandoon ang Pure Vampire. Sa pangatlong daan nandoon ang mga Witch vampire at sa pang apat na daan nandoon ang mga monster Vampire. Nasa harap naman namin at naka palibot sa Finish Spot ang mga gorbloyd  hindi ordinaryong Gorbloyd dahil malalaki silang lahat.

Mga Mother gorbloyd.

"Pag nag sanib pwersa ang apat na yan malamang lugi tayo." Sabi ni Creed.

"Subukan lang nila kung ayaw nilang mawala sa vampire high." Sabi naman ni Leona.

"As if naman kontrolado natin ang Vampire high." Angal ni Liana kaya napa irap si Leona.

May humigit sa aking bewang kaya nagulat ako. Tinignan ko si Fin na naka tingin pala sa akin.

"Dito ka lang sa tabi ko kahit na anong mangyare."sabi niya at nilapit ang mukha niya sa tenga ko.

"At please lang.... Kung magagawa mo ulit pahintuin ang oras gawin mo basta wag kang mag papahalata dahil hindi ka nila naiintindihan."bulong niya dahilan para kumunot ang nuo ko.

Tinignan niya ako at ngumiti sa akin dahilan kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko.

Muli niyang binaling sa harap ang paningin kaya binalik ko din sa harap ang paningin ko at nakitang mag hahanda na ang mga kapatid ni Fin.

"Anong plano?"tanong ni Von.

"Sa lugar na kinatatayuan nating lahat, hindi gagana ang wand naming mga witch." sabi ni Liana.

"Kami namang mga Wolf Vampire, pwedeng mag transform pero hindi gaanong katagal. Nasa paligid natin ang mga kryptonite natin. Kanya kanyang kryptonite."sabi naman ni Von.

"Ang mga Pure Vampire naman sa pag kakaalam ko hindi sila basta basta susugod sa mga gorbloyd dahil ang puntirya nila ay tayo." Dagdag ni Creed.

"pero pwede silang makita ng mga gorbloyd kung mag iingay ang dereksyon nila."sabi ni Van.

"Exactly. Ang mga Monster Vampire naman kaya nilang sugurin ang mga Gorbloyd ng hindi na hihirapan."sabi ni Creed.

"So ang unang gagalaw ay ang Monster Vampire para sugurin ang mga gorbloyd at pag namatay na ang mga gorbloyd sure akong kikilos na silang lahat para mag unahan sa finish spot."sabi ni Creed kaya napa tango tango kami.

"ang plano, hihintayin nating umatake ang mga Monster Vampire sa mga gorbloyd, kapag umatake na ang mga monster vampire dahan dahan tayong pupuslit papunta sa finish spot." Sabi ni Creed.

"Hindi pwede."sabi ko kaya napa tingin sila sa akin.

"Ano kasi malay niyo pumalpak diba?"tanong ko kaya kumunot ang nuo nila.

"Sa tingin ko kasi ang mga wolf vampire ang unang aatake sa gorbloyd."sabi ko saka tumingin sa dereksyon ng mga wolf vampire.

"Tignan niyo sila, sobrang agresibo nila."sabi ni Fin kaya napa tingin silang lahat sa dereksyon ng wolf vampire.

"Kapag kumilos ang mga wolf vampire susunod na gagalaw ang Vampires, sure akong lilipad sila or mag tratransform bilang paniki. Tapos eeksena ang mga Monster vampire makiki sali sila sa pag patay ng mga Gorbloyd habang ang mga witch vampire naman ay pupunta sa dereksyon natin para kalabanin tayo."sabi ko kaya binalik nila ang paningin sa akin.

"Gaano ka kasigurado sa sagot mo?"tanong ni Leona.
Napa lunok ako.

"10%?"tanong ko. Natawa siya.

"100% baby." Singit ni Fin at hinawakan ang kamay ko.

"Ang plano, makiki gulo nalang tayo kasama ang mga kalaban natin."sabi ni Fin kaya kumunot ang nuo nilang lahat.

"Nababaliw ka ba? Mapapahamak tayo sa gagawin natin."sabi ni Von.

"ayoko pang mamatay men." Sabi ni Van.

"Hindi tayo mamamatay, remember hindi pwedeng pumatay sa laro. Tuturuan natin ng leksyon ang mga yan." Sabi ni Fin at hinigpitan ang pagkaka hawak sa kamay ko.

"Sure din akong... papanig sa atin ang oras at maipapanalo natin ang laro."sabi ni Fin at tumingin sa akin.

Agad dumaloy ang kaba sa buong katawan ko sa sinabi niya.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon