抖阴社区

Chapter 44: Devil's End Game

5.7K 153 1
                                    

Devils End Game

~~~~

Clementine POV

Napadpad kami ni Vixie sa tapat ng rebulto na nakatayo sa gitna ng city.

"Nakikita mo ba ang rebulto na yan Clementine?"tanong ni Vixie sa akin habang may nakatutok na kutsilyo sa leeg ko.

"Yan ang rebulto ng iyong ama. Hindi ko alam kung bakit may ganyan pa jan sa kabila ng siya ay isang halimaw."

"Tama na please."umiiyak kong sabi.

"Puro iyak nalang ba ang kaya mo?"tanong ni Vixie at tinulak ako palayo sa kanya. Napa upo ako sa sahig.

"Kanina pa ako nakikipag laro sa mga bampirang walang kwenta, bakit hindi ko subukang makipag laro sa halimaw na gaya mo?"tanong niya at inihagis sa dereksyon ko ang isang spada niya.

"Ang sabi, isang magiting na Gredator ang iyong ama. Nakikipag laban at magaling sa labanan, bakit hindi ko subukan ang angking galing ng kanyang anak."nahihibang niyang sabi at kinuha ang isa niyang spada.

"Tumayo ka jan Clementine, lumaban ka para sa buhay mong walang katuturan." Pagkasabi niya non ay agad niya akong sinugod. Mabilis kong kinuha ang spadang malapit sa akin at umilig sa tira niya.

"Ayokong makapanakit, ayokong makipag laban. Vixie tama na, itigil na natin ito." Agad siyang sumugod sa dereksyon ko buti nalamang ay naiharang ko ang spada sa harap ko dahilan para mag cross ang mga hawak naming spada.

"Hindi ako titigil hanggat hindi kita napapatay." Sabi niya at sinipa ako sa tyan dahilan para bumagsak ako, tinutukan niya ako ng spada sa ulo pero mabilis ko siyang na sipa sa kanyang sikmura.

"Vixie wala ka namang mapapala kung mapapatay mo ako, ang gusto ko lang naman ay mamuhay ng tahimik at mapayapa."

"Pwes sa impyerno mo gawin ang bagay na yan." Muli niya akong sinugod ngunit patuloy lang ako sa pag ilag.

Umikot siya sa ere at akmang sasaksakin ako ng spada ng ihagis ko sa dereksyon niya ang spadang hawak ko, natamaan ang spadang hawak niya dahilan para mahulog iyon, mabilis kong kinuha ang dalawang spada at ng maka lapag siya sa lupa ay agad ko siyang tinutukan ng spada sa leeg.

"Ayokong makapanakit, ayokong saktan ka kaya please tama na."sabi ko. Ngumiti siya sa akin.

"Titigil na ako."sabi niya. Kaya naman inalis ko na agad ang pagkaka tutok ng spada sa kanya.

"Pag patay ka na!" Sigaw niya at nanlaki ang mga mata ko ng ilabas niya ang isang maliit na kutsilyo at isaksak sa akin.

Ramdam ko ang pag baon ng kutsilyo sa aking tyan.

"Mamatay ka na." nanlalaki ang mga mata niya habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"CLEMENTINE!"dahan dahan kong nilingon ang tumawag sa pangalan ko at mula sa gilid ko nakita ko si Fin na nanlalaki ang mga matang naka tingin sa akin. Humiwalay si Vixie at muli akong sinaksak sa pangalawang pagkakataon. Ramdam ko ang panghihina ng buong katawan ko at ang sakit ng pagkaka saksak sa akin ni Vixie.

"Clementine..." Nanghihinang sabi ni Fin at binalingan si Vixie ng tingin. Isang tingin na ano mang oras ay mapapatay niya si Vixie.

Humiwalay sa akin si Vixie at tumawa.
Napa luhod ako sa kanyang harapan at dahan dahan kong tinignan ang kamay kong may dugo.

"HINDI!"sigaw ni Fin tumingin ako kay Fin na ngayun ay nag liliyab sa galit, agad niyang ginamit ang kapangyarihan niya, nilagyan nya ng ugat ng puno sa katawan si Vixie at pinalutang sa ere. Nakita ko kung paano niya pag hahagisan ng fireball ang dereksyon ni Vixie.

Nanlabo ang paningin ko pero nakita ko ang pagdating nila Liana at Creed.

"Fin!" Sigaw ni Leona na kararating lang.

Nakita kong hawak hawak ni Creed si Lit na may sugat na ngayun, lumapit sa akin si Liana at inalalayan ako.

Muli kong pinag masdan si Fin na galit na galit na hinahagisanng fireball si Vixie.

"MABULOK KA SA EMPYERNO NGAYUN!"sigaw ni Fin at pabagsak na binitawan si Vixie sa lupa. Nakita ko pa ang pag lagapak ni Vixie sa lupa, kung isang tao si Vixie ay malamang sa malamang siya ay durog durog na dahil sa pinsalang ginawa ni Fin sa kanya.

Unti unting kumalma si Fin at lumingon sa akin, agad siyang tumakbo palapit sa akin at inagaw ako mula kay Liana.

"Clementine..." Tumulo ang luha niya at hinawakan ang pisngi ko. Ngumiti lang ako sa kanya at pinunasan ang luhang kumawala sa kanyang mga mata.

"M....magiging.... maayus din ang..... Lahat." naka ngiting sabi ko at hinawakan ang pisngi niya.

"Wag mong ipipikit ang mga mata mo naiintindihan mo ba? Uuwi na tayo, uuwi na tayo sa vampire high." Sabi niya. Tumango tango ako.

"Clementine naiintindihan mo ba? Wag na wag mong ipipikit ang mga mata mo kung hindi magagalit ako." Sabi niya kaya natawa ako.

"Napaka gwapo mo kahit ganyan ka." Sabi ko at hinaplos ang pisngi niya.

Unti unting nanlabo ang paningin ko ngunit nagawa ko pang tignan ang dereksyon kung nasaan itinapon ni Fin si Vixie. Mula sa kinahihigaan ko nakita kong bumangon si Vixie at may hawak na spada.

"Mamatay ka na!"sabay sabay ang lahat na napalingon kay Vixie. Ibinato niya ang hawak niyang spada sa gawi ni Fin dahilan para manlaki ang mga mata ko. Buong lakas kong itinulak si Fin at sinalo ang spada.

Naramdaman ko ang sakit ng pagkaka baon ng spada sa likod ko, nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Fin habang naka tingin sa akin.

"Ahhhhhh!" Dahan dahan kong nilingon si Vixie na ngayun ay sinasaksak ni Von ng spada.

muli kong binalik ang paningin ko kay Fin na naka tingin parin sa akin at di makapaniwala sa mga nakita niya. Hinawakan ko ang kamay ni Fin at ngumiti

Kung pwede lang tumigil ang oras para makapag paalam gagawin ko.

Biglang natigil ang pag  ihip ng malamig na hangin, tumigil din ang pag bagsak ng mga dahan sa lapag at ang mga kasamahan namin ay tumigil din. Para silang naging mannequin. Nilingon ko si Fin na tanging siya lang ang nakakagalaw.
~~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon