抖阴社区

Chapter 18: Two of us

7.3K 244 4
                                    

Two Of Us

~~~~

Fin POV

Dinala ko sa isang kweba si Clementine ng mawalan siya ng malay.
Hindi parin naaalis sa utak ko kung pano huminto ang oras kanina.

Hindi ako ang may gawa non at mas lalong hindi ko kayang pahintuin ang oras, walang nilalang ang kayang mag pahinto ng oras.

Napa tingin ako kay Clementine na wala paring malay.

Saka bakit bilang nawalan ng malay tong si Clementine? At dumugo din yung ilong niya gaya nong dati.

Iniling ko ang ulo ko saka tumingin sa ibang dereksyon.

Imposibleng nag kataong tumigil ang oras non, sigurado akong may isang nilalang na nag patigil ng oras na iyon.

Nakakapag taka lang dahil ako at si Clementine lang ang hindi tumigil nong oras na iyon.

"Fin." Napa lingon ako sa gawi ni Clementine na gising na pala.

"Oh, kumusta pakiramdam mo?"tanong ko at lumapit sa kanya.

"Medyo ayus na, nasan tayo?"tanong niya.

"Nasa kweba."sagot ko. Bumangon siya at tumingin sa paligid.

"Nasan yung mga kapatid mo?"tanong nya kaya umiwas ako ng tingin.

"Iniwan natin."simpleng sagot ko.

"Ano? Bakit natin iniwan?"tanong niya, tumayo ako at tinignan sya.

"Humiwalay tayo ng daan para mas mapabilis ang pag punta natin sa finish part at para matapos na to."sabi ko saka inayus ang sarili ko.

"Ayusin mo na sarili mo, aalis na tayo dito."sabi ko. Tumayo siya at muntik pang matumba kaya agad ko siyang inalalayan. Napa lingon naman sya sa akin na nanlalaki ang mga mata at halatang nagulat.

Damn, her eyes.

"A-ayus ka lang?"tanong ko. Tumango tango siya saka dahan dahang tumayo ng maayus.

Dahan dahan ko siyang binitawan pero parang mahina parin sya dahil muntik na naman syang matumba.

Agad ko siyang hinawakan sa bewang dahilan para magulat nanaman siya, inilagay ko ang isang kamay niya sa bewang ko at inakbayan siya.

"Kailangan nating maka alis dito, papunta na dito ang ilang kalaban."sabi ko at nag simula kaming mag lakad palabas sa kweba.

Ng makalabas kami sa kweba ay halos mapa mura ako ng makita ang ilang mga Wolf Vampire na nag aabang sa amin kasama ang ilang pure vampire.

"Fin." Gulat na sabi ni Clementine, hinila ko siya palapit sa katawan ko saka nag labas ng apoy sa kamay.

Mukhang natinag naman ang mga nasa harap namin sa ginawa ko.

"Sugod!" Sabay sabay nilang sabi. Agad akong pumikit at ginamit ang kapangyarihan kong kontrolin ang hangin, ngayun ay nakalutang kami ni Clementine sa ere habang ang mga kalaban namin ay nasa baba habang naka tingala sa amin.

"Fin, masyado silang marami para kalabanin mo lahat."sabi niya. Nilingon ko siya at ngumiti.

"Mangako ka sakin, na di ka lalabas sa kweba hanggat hindi kita pinupuntahan."sabi ko kaya kumunot ang nuo niya. Agad kong ginamit ang teleportation ko papunta sa loob ng kweba.

"Fin anong gagawin mo?"tanong niya, hindi ko siya sinagot. Inilapag ko siya sa isang malaking bato saka siya tinignan ng seryoso sa mga mata.

"Jan ka lang, wag kang aalis jan kung ayaw mong halikan kita." Pananakot ko saka siya iniwan at nag teleport palabas ng kweba.

Agad kong kinalaban ang wolf vampire hanggang sa manghina sila. Napa pikit ako ng bigla akong kalmutin ng isa sa kanila.

"Fin!" Napa lingon ako sa bukana ng kweba.

"Fuck!" Mura ko ng makita si Clementine. Agad kong pinatulog ang wolf vampire na kumalmot sa braso ko.

"Bitawan niyo ko!" Napa lingon ako kay Clementine na hawak hawak ng dalawang lalaking bampira.

"Fuck! Let her go!" Sigaw ko at nag bato ng apoy sa dereksyon nila.

Agad akong ng teleport papunta sa likod ng isa sa kanila at pinatulog sya saka ko sinapak ang isang natitirang naka hawak sa braso ni Clementine at pinatulog din iyon.

Napa lingon ako sa harap namin at agad na sinipa ang papasugod sa dereksyon namin. Agad ko iyong pinatulog at sunod na binalingan ng atensyon ang nasa itaas na bampira.

Agad akong lumipad pataas at pinatulog din iyon.

Nang hihina akong bumagsak pababa at napa lunok ng makitang may bumabangon pang ilang wolf vampire.

"Clementine mag tago ka!" Sigaw ko pero parang wala siyang naririnig dahil naka tingin lang siya don sa bumabangon na wolf vampire.

Lumingon siya sa akin at agad na tumakbo papunta sa gawi ko saka ako niyakap.

"Fuck! I said mag tago ka, diba sinabi kong wag kang lalabas?!"sigaw ko sa kanya umiiyak lang siya.

Napa lingon ako sa harap namin na bumabangon ang lahat ng wolf vampire. Napa lunok ako dahil nag tratransform sila into wolf at wala na akong energy para kalabanin sila.

"Clementine, umalis ka na."sabi ko sa mababang tono.

"Ayoko, dito lang ako." Umiiyak niyang sabi, inis ko siyang hinarap at tinignan ang mga mata niya.

She's crying.

"umalis ka na hindi ka ba maka intindi?!"sigaw ko sa kanya at hinawakan ang mukha niya. Yumuko lang sya habang umiiyak saka nag salita.

"Sana.... Sana tumigil ang oras... Sana tumigil ang lahat." Natigilan ako sa sinabi niya habang naka pikit. Unti unti kong inangat ang paningin para tignan ang paligid at nakita ko kung pano huminto ang mga dahong nalalaglag sa puno, ang pag tigil ng hangin at ang pag tigil ng mga kalaban namin.

huminto ang oras.... Napa hinto niya ang oras....

"Ikaw.... Ikaw yung nag papahinto ng oras?" Gulat kong tanong kaya napa tingin siya sa akin at kitang kita ko kung pano siya magulat sa sinabi ko. Inilibot niya ang paningin sa buong paligid at dahan dahang tumingin sa akin.

"H-hindi ako yan." nanlalaking mga mata niyang sabi.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram:rediousinpaper

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon