Devil's Game
~~~
Fin POV
"Mag laro tayo." Sinubukan ko pang habulin si Vixie habang hawak niya si Clementine ngunit bigla silang nawala. Shit!
"Tangina." Mura ko at inagaw sa isang tao ang hawak niyang spada saka hinarap sila Liana.
"Mag hiwa-hiwalay tayong lahat! Hanapin niyo si Vixie at siguraduhin niyong patay na siya!"sigaw ko at lumipad saka tinanaw ang buong lugar pero wala akong makitang Vixie.
May mangyare lang talagang masama kay Clementine sinisigurado kong mababaon sa hukay ang katawan ng Vixie na yan.
Sinimulan kong mag hanap sa buong sulok ng lugar para lang mahanap si Vixie ngunit wala akong makitang bakas niya.
Shit!
Leona POV
"Kayong lahat! Kung ayaw niyong madamay sa gulo ng mga bampira mag siuwi na kayo at isarado lahat ng bintana at pinto niyo! Sa oras na may makita pa kaming taong pagala gala sa labas sisiguraduhin kong mauubos ang dugo niyo!" Sigaw ko dahilan para magka gulo ang mga tao at dali daling nag siuwian sa kanilang mga bahay.
"Kayong lahat!" Napa tingin ako kay Von na nag salita. Naka harap siya sa mga studyante ng Vampire High.
"Naalala niyo ang laro natin nong National Vampire? Group yourself lahat ng half Vampire at Half Wolf sasama sa akin, ang mga Half Vampire at Half monster sasama kay Van at ang mga half witch sasama kay Liana kayong mga Half elementalist kay Leona kayo sumama at kayong mga pure vampire kila Lit at Creed kayo sasama. Go move!" Sigaw ni Von.
Nag sipuntahan ang mga half vampire at half elementalist sa likod ko. Tumingin ako kay Liana na kinakausap ang mga sasama sa kanya.
"Mapapadali ang pag hahanap pag nag hiwa-hiwalay tayo, gaya ng sinabi ni Fin. Patayin niyo si Vixie at protektahan si Clementine naiintindihan ba?!"sigaw ni Creed.
"Yes!" Sabay sabay na sabi nilang lahat.
"In a count of, 1,2,3!"
"Tara na!" Sigaw ko at pinamunuan ang pag hahanap sa west side.
Clementine POV
"Ano bang kailangan mo? Hindi ka naman magiging masaya pag napatay mo ko!" sigaw ko kay Vixie. Natawa siya at tinutukan ako ng spada sa leeg.
"Kapag namatay ka, ako na ang pinaka masayang nilalang sa buong mundo." Parang baliw niyang sabi.
"Bakit ba gustong gusto mong mamatay ako?"tanong ko.
Tumingin siya sa akin at binaba ang hawak niyang spada, dinala niya ako sa isang abandonadong plaza.
Ngayun ay naka tali ang buong katawan ko sa isang lumang ferris wheel."Bakit nga ba?"balik niyang tanong at umaktong nag iisip siya.
"Ah tama, kasi dapat lang sayo na mamatay."sabi niya at sinampal ako ng napaka lakas.
"Ng dahil sa mga ninuno mo naubos kaming mga Zonde, ng dahil sa mga kagaya mong Gredator ako nalang ang natitirang Zonde sa buong mundo!" Sigaw niya at tumawa.
"i remember nong bata pa ako, my mother teach me to fight para maprotektahan ang sarili ko sa mga Gredator na gaya mo. And here, i protecting my self."sabi niya.
"Kung ano man ang nagawa ng ninuno ko sa iyo ay labas ako--"
"Ay ikaw ang mag babayad."putol nya sa sasabihin ko at ngumisi.
"Hindi mo alam kung gaano kahirap hanapin ang Gredator na gaya mo, naging kabit pa ako ng Vaughn na yun para lang mahanap ka."sabi niya at sinampal ulit ako.
"Ang sabi ng lolo ko... Wag na wag kang mananakit ng kapwa mo dahil masama yon." Sabi ko.
"And so? Mag kaiba tayo ng nakalakihan dear, pero alam mo kung anong pinagkapareho natin?"Tanong niya at ngumisi.
"Parehas tayong halimaw. "Pagkasabi niya non ay nag labas sya ng isang maliit na kutsilyo at sinugatan ang pisngi ko.
"Ahhhhhh!" Tanging pag sigaw nalamang ang aking magawa ngayung oras na ito. Naka ngisi siya habang tinitignang umagos ang dugo ko.
"Hala nasugatan ka, masakit?"tanong niya at natawa.
"Dagdagan pa natin."pagkasabi niya non ay sinimulan niya akong sugatan sa braso ko pababa sa siko ko.
"Tama na please." Umiiyak kong sabi ngunit para siyang bingi na walang naririnig. Tawa siya ng tawa habang naririnig niya ang pag sigaw ko sa sakit.
"Clementine!" Napa tingin ako sa tumawag sa pangalan ko at nakita si Creed kasama ang ilang studyante ng Vampire high. Pinalibutan nila kami at tinutukan ng pana, spada at iba pang kagamitan si Vixie.
"Lumayo ka!" Sigaw ni Creed kay Vixie. Ngumiti lang si Vixie at itinaas ang dalawang mga kamay na para bang sumusuko na siya. Nabitawan niya din ang hawak niyang kutsilyo.
Lumapit sa akin si Lit at kinalagan ako, agad niya akong niyakap ng makawala ako.
"May sugat ka."sabi ni Lit. Ngumiti lang ako ng pilit at tumingin sa dereksyon nila Creed at Vixie.
"May ipapakita ako sayo."sabi ni Vixie at tinapunan ng buhangin si Creed sa mukha saka nag laho ng parang bula. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Vixie na naka hawak sa kamay ko saka niya sinaksak si Lit at sa isang iglap napunta nanaman kami sa ibang lugar.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireVaughn Series 1 FIN FLYNN VAUGHN |COMPLETE| She's a Half human and a half Vampire, but she didn't know about it. She only know that she's a pure human. He's a Half Vampire and a Half Elementalist. He can't control his power, he can't control his exp...