抖阴社区

Chapter 33: Pag iwas

5.6K 135 1
                                    

Pag iwas.

~~~

Clementine POV

Naka tingin lamang ako sa labas ng aming room, hinihintay ang pag dating ni Fin.
Wala pa kasi siya at anong oras na baka mamaya ay mahuli siya sa klase namin.

"Clemente." Napalingon ako sa gilid ko ng tawagin ako ni Van.
Umupo siya sa tabi ko at pinag masdan ang labas.

"Kanina ka pa naka tingin sa labas, hinihintay mo si Fin?"tanong niya at tumingin sa akin. Tumango tango ako.

"Balita ko kasama siya ni Daddy, nag uusap siguro sila matapos ang nangyare sa dinner." Sabi niya at sumandal sa upuan.

"Tatlong araw na siyang wala." Wala sa sarili kong sabi.

"Miss mo?"tanong niya. Tumingin ako sa kanya at tumango.

"Ewan ko ba sa lalaking yon, bigla bigla nalang siyang nawawala."sabi niya saka tumingin sa harap.

"Sya nga pala. Sorry sa nasakasihan mo sa dinner ha." Umiling ako.

"Wala yon."sabi ko at huminga ng malalim.

"Tingin mo pinapagalitan si Fin ng papa niyo?"tanong ko.

"Hindi, sa aming anim si Fin ang paborito niya."sabi ni Van kaya napa tingin ako sa kanya.

Walang bahid ng pagka inggit sa kanya. Proud pa nga ata siya sa sinabi niya eh.

"Nag kita na ba kayo ni Fin?"tanong niya.

"Hindi pa."sabi ko at huminga ng malalim. "Simula ng ihatid nya ko sa room namin matapos ang dinner."sabi ko.

"ang lalaking yon. Kakausapin ko siya pag nakita ko siya."sabi niya at ngumiti.

Napa tingin siya sa likod ko kaya napa lingon ako sa likod ko at mula sa kina uupuan ko nakita ko si Fin. Sobrang na miss ko siya.

ngunit walang emosyon ang kanyang mukha. ni hindi niya nga ako tinignan eh. Deretso lang siya sa pag pasok ng room at pumunta sa upuan niya. Sinundan namin ni Van ng tingin si Fin hanggang sa maka upo siya sa upuan niya. Nanatili ang paningin ko kay Fin na hindi parin tumitingin sa akin.

May mali ba?

Tumingin sa akin si Van.
"Kakausapin ko lang siya."sabi niya kaya tumango ako at binalik ang paningin kay Fin. Nakita kong lumapit si Van kay Fin pero hindi ito pinansin ni Fin. Naka tingin lamang ito sa board at parang walang naririnig.

Sumikip ang puso ko at nakaramdam ng lungkot sa ginagawa ni Fin.
Ano bang nangyare? Bakit biglang lumamig si Fin? Tatlong araw ko siyang hindi nakita at sobrang miss ko na siya pero ngayung nakita ko siya kakaibang pakiramdam naman ang ibibigay niya.

Tumayo ako at naisipang lumabas nalang sa room. Agad na bumagsak ang luha ko ng maka labas ako sa room namin.

Ano bang ginawa ko? May nagawa ba akong mali? May nasabi? Anong nangyayare kay Fin?

Ito ang mahirap sakin eh, sa oras na iwasan ako ng isang taong mahalaga sa akim nag oover think ako hanggang sa bumaba na ang paningin ko sa sarili ko.

Naka yuko lang ako habang nag lalakad, may ilang studyante akong nadadaanan at nababangga. Ayokong makita nila ako na umiiyak. Ayokong ipakita ang weak side ko.

Patuloy parin ako sa pag iisip kung saan ako nag kamali ng may mabangga ako. This time napa angat na ko ng tingin dahil sobrang sakit ng pagkaka bangga ko.

Nag tama ang paningin naming dalawa ni Creed. Ang malamig niyang expression ay napalitan ng malumanay na mukha. Akmang dadaan ako sa gilid niya ng harangan niya ko muli. Tinignan ko siya.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya. Umiling ako at ngumiti.

"Napuwing lang ako."sabi ko.

"Liar." Sabi niya at hinawakan ang wrist ko saka hinila papunta sa kung saan 'man. Nag patangay nalang ako at tahimik na sumama sa kanya.

dinala niya ako sa corridor papunta sa library kung saan walang masyadong nadaan na estudyante.

"Tell me." Sabi niya. Ngumiti lang ako.

"Wala talaga promise." Sabi ko at natawa.

"Pulang pula ang mata mo. Ngayun sabihin mong epekto yan ng puwing." huminga ako ng malalim.

"May namiss lang ako." Pag sisinungaling ko. Pinagmasdan niya ako sa mata.

"Na miss ko si lolo."patuloy parin ako sa pag sisinungaling.

Akmang mag sasalita siya ng may tumawag sakin.

"Clementine." Napa tingin kami sa tumawag sa akin. Si Chairman Jo.

Madilim ang awra nito at naka tingin sa akin ng deretso.

Kinabahan ako.

Bagay na di naman dapat mangyare, anong meron at kinakabahan ako?

"Follow me at my office. May pag uusapan tayo." Napa tingin sa akin si Creed. Nanatili ang pagkaka hawak niya sa aking wrist.

"Sasama ako." Napa tingin si Chairman Jo kay Creed.

"I insist, you can't do anything." Malamig na sabi ni Creed kay Chairman Jo ng akmang tututol si Chairman.

Huminga ng malalim si Chairman saka tumango at nag simulang mag lakad. agad kaming sumunod sa kanya.

Ano bang nangyare?

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Vampire HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon