Mr Vaughn
~~~~
Clementine POV
Ilang araw na ang lumipas at hindi parin nag kakaayus sila Fin at Creed, idamay na din ang dalawang mga kambal. Hindi ko alam kung bakit sila nag aaway. Ang alam ko lang galit silang lahat kay Fin.
Tuwing umaga nakikita ko si Fin sa tapat ng room namin, hinihintay ako habang may dalang mga pulang rosas. Minsan naiisip ko kung kumain na ba siya o hindi pa kasi sobrang aga niya doon kaya sa tuwing nakikita ko siya ay pinapapasok ko siya sa loob ng room namin at pinapakain kahit na bawal at labag iyon sa room rules.
Naiisip ko nga kung baka nag sasawa na ba si Fin o masaya siya sa ginagawa niyang pag suyo sa akin. Aaminin ko na may gusto ako sa kanya pero ayoko pa iyong ipaalam kay Fin dahil natatakot ako na baka pinag lalaruan niya lang ang damdamin ko.
May mga kumalat kasi na balita na... Isang dakilang Play boy si Fin bago ako maka pasok sa Vampire High. Ang sabi pa nga ay may limang studyante ng vampire high ang nagpakamatay dahil pinag laruan ni Fin ang damdamin nila.
Natatakot ako na baka matulad ako sa limang iyon.
Kasalukuyan akong naka tayo sa tapat ng statue ng Vampire High kung saan nasa likod ko ang pinto palabas ng Vampire High. Pinag mamasdan ko kung paano at gaano katagal nilang ginawa ang statue na ito. Isa iyong Statue ng Isang lalaki na may pangil, naka yuko siya habang nasa likod niya ang isang babae na may hawak na kutsilyo at naka posisyon na isasaksak iyon sa lalaki.
Naguguluhan ako sa statue na ito. Anong koneksyon nito sa Vampire High?
"Excited na akong makita ang mga bata." Napa lingon ako sa likod ko ng may marinig akong pumasok mula sa pinto. Napa kunot ang nuo ko ng makita ko ang isang magandang babae na naka hawak sa braso ni Fin?
Napa lingon sa akin yung dalawa at pinag masdan ako mula ulo hanggang paa.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong sa akin nong babae. Nanatili ang paningin ko kay Fin na naka ngiti sa akin.
Sino yung babaeng kasama niya? Last time i check ako ang kinababaliwan nya. Sabi ko na nga tama ang mga bulong bulongan dito.
"Papa." Dahan dahan akong napa lingon sa likod ko at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Fin na naka tayo sa hagdan habang naka tingin sa likod ko. Muli kong binalik yung paningin ko sa likod ko at halos mawala ako sa katinuan ng makita ko ang dalawang Fin.
Naramdaman ko ang pag hawak ni Fin sa kamay ko. Napa tingin yung kamukha ni Fin sa kamay ni Fin na naka hawak sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Napa lingon ako sa katabi kong Fin ng marinig ko ang napaka lamig niyang tinig. Naka tingin siya don sa kamukha niya.
"Nandito ako para bisitahin ang mga anak ko? Fin, don't be so rude." Sabi ng kamukha niya. So ibig sabihin... Tatay niya yung kamukha niya?
"Last time i check sinabi mong di ka babalik dito hanggat wala kaming napapatunayan sa sarili namin right?" napatingin ako kay Fin na bakas ang galit sa boses.
"i change my mind son, by the way I'm here to say--"
"nasa taas ang mga anak mo. Don mo nalang sabihin." Sabi ni Fin at tumingin sa akin.
"Tara na." Sabi niya at sapilitan akong pinatalikod mula sa ama niya.
"Is she your girl?" Napatigil kami ni Fin sa tanong ng ama nya.
"You don't care." Sabi ni Fin at akmang mag lalakad na ng mag salita ulit yung tatay niya.
"gusto kong makilala siya. Isama mo siya sa dinner mamaya. I eexcuse ko nalang kayo." Sabi nito kaya napa lunok ako.
Naramdaman kong lumingon si Fin sa likod niya kaya napa lingon din ako.
"Pupunta ako pag wala yang kabit mo." sabi ni Fin habang naka tingin sa babaeng kasama ng papa niya. Nakita ko kung pano ma offend yung kasama ng papa ni Fin sa sinabi niya.
Nag taas ang perpekto nitong kilay saka ngumisi.
"Ganyan mo ba pinalaki ang bunso mo Joseph? I can't believe na ganito ang trato ng bunso mo." Sabi nito sa ama ni Fin habang naka tingin kay Fin. Nilipat niya ang paningin sa akin. Para bang sinusuri niya ako. Kung nag ooverthink ako ay baka naisip ko nang hinahalungkat niya ang nakaraan ko sa paraan ng pag titig niya.
"Isa kang tao." Sabi nito kaya napatigil ako. Naramdaman ko ang pag diin ng hawak ni Fin sa kamay ko.
"Na may dugong bampira." Dagdag niya kaya napa lunok ako. Napa tingin si Fin sa kasama ng papa niya.
"Isa siyang tao, purong tao. Walang halong dugo ng bampira." Sabi nito sa kasama ng papa niya. Napa ngiti yung babae saka tumingin kay Fin.
"Defensive huh. Napag hahalataan." Sabi nito dahilan para umakyat lahat ng takot sa katawan ko.
"Tama na ang usapan."singit ng papa ni Fin saka tumingin kay Fin.
"Dalhin mo siya sa Dinner mamaya. Gusto kong makilala ang babaeng kinabaliwan ng anak ko. Sa ayaw at sa gusto mo dadalo ka sa dinner kasama siya." Maawturidad na sabi nito kay Fin saka tumingin sa akin.
"Nice to see you young lady."sabi ng papa ni Fin sa akin saka sila nag lakad ng kasama niya palagpas sa amin. Nakita ko pa ang nakakalokong tingin ng babaeng kasama niya. Naka tingin ito sa akin na para bang may nalaman na sekreto.
Nakakatakot.
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

BINABASA MO ANG
Vampire High
VampireVaughn Series 1 FIN FLYNN VAUGHN |COMPLETE| She's a Half human and a half Vampire, but she didn't know about it. She only know that she's a pure human. He's a Half Vampire and a Half Elementalist. He can't control his power, he can't control his exp...