抖阴社区

Prologue

83K 2.9K 514
                                        

Troublemaker

Men Challenge Junior Book # 13 

a novel by: 

xxakanexx

Job

March 05, 2017

"Siya iyon! Siya iyon! Dali, lapitan mo na!"

Naglalakad ako papunta sa kotse ko nang marinig ko ang mga bulungang iyon. Wala naman akong pakialam kung sinong tinuturo nila, ako ba o iyong nakakasalubong ko. Pinaglalaruan ko sa mga daliri ko ang susi ng Toyota Hilux ko. I need to go home. Thursday ngayon, may family dinner kami.

"Gabrielle Anne!" I stopped walking. Sabi ko na. Ako ang tinatawag. Someone needs my services. Maaskad akong humarap sa tumawag sa akin. I am chewing a gum and I made it too obvious while I was waiting for those bunch of nursing students to come near me. Hindi sila lumalapit. Lahat sila nakatingin lang sa akin.

"Kayo may kailangan, diba? Kayo ang lumapit." Inis na wika ko. Nagkatinginan pa sila habang palapit sa akin. Parang kinakabahan pa sila pero lumapit na rin sila at nang ilang inches na lang ang layo namin ay nagbuntong – hininga pa sila.

Tatlo silang nursing students. Alam ko mas ahead sila sa akin. Second year college pa lang ako, mukhang third year o fourth year na sila. Pinamaywangan ko sila. Mukhang natatakot sila at mas lalong natakot nang makita ang studs sa belt na suot ko.

Engineering ang course ko, magaling ako sa math at sciences saka naisip ko madali lang ang course na papasukin ko. My Popsi is so proud. He's always proud of whatever I do kaya nga noong mapili akong varsity swimmer – sobrang proud pa rin niya.

"Ano kasi..." Napalunok ang nagsasalitang babae nang mapatingin sa suot kong combat boot. Ganoon ang pormahan ko, shirt, baggy jeans, boots and I wrapped an oversized flannel around my waist for added accessories.

"Five thousand pesos per person. Wala akong discount. Kapag may kasamang personal note, add ka ng five hundred. Give me the picture, the date and time, and I will do the job for you, bitch. Ilan ba?"

"Isa lang naman," May binigay siya sa aking litrato.

"Reason?"

"He's too dull."

"Huh?"

"Boring. Para akong nakikipag-date sa kawayan."

"Ahh." Wala naman akong pakialam. Basta ako gagawin ko ang trabaho ko. "Fifty per cent ngayon, fifty per cent after ng trabaho."

"Ay, wait, may personal message ako." Wika niya at inabot sa akin ang isang note. Nakakunot ang noo ko. Tiningnan ko iyon. Napapatango – tango ako. "Bukas, sa may PICC. 8am. I wll be there too, watching."

"Nasaan ang 2,500?" Inilahad ko ang kamay ko. Binigay naman niya.

"Consider it done." I even winked at her. Sinaluduhan ko siya tapos ay tinalikuran ko na. Sumakay ako ng kotse ko at umuwi na. Itinabi ko ang perang galing sa babaeng iyon. Ni hindi ko pala naitanong ang pangalan niya, wala naman akong pakialam, kapag hindi niya ako binayaran, ha-hunting-in ko siya.

I arrived home, lahat sila ay papunta na sa bahay ni Uncle Ido for the dinner. Sumama na ako kay Avery, pinilit na naman kasi siyang lumabas ni Popsi. Sa lahat sa aming magkakapatid, si Avery ang ayaw na ayaw na lumalabas ng bahay, I get it naman, she's allergic to heat and it could kill her of she stays outside for a long while. Three hours lang ang maximum niya kapag lumagpas siya roon ay mangangapal na ang buong katawan niya.

We have this thing that every Thursday magkakasama ang mga pamilya namin na kakain ng hapunan sa bahay ni Uncle Ido. Sabi ni Ninong KD, binata pa lang raw sila noong pasimulan ni Tita Leira iyon and it kind of got stuck to us – lahat kami, we need to report to our uncles and aunties every Thursday.

The next morning, I woke up early for that job. Nag-ayos rin ako. I am nineteen years old and thanks to my sister Leina, natuto akong mag-ayos ng sarili ko. This is a special event, people are going to be so I decided to wear a dress today. I need to be extra pretty – just like Mom in all her movies.

Saktong eight am ay nagpa-park na ako sa PICC. Graduation ng mga Criminology students roon at maraming tao. I sighed when I saw a policewoman walk passed by me. That's one dream I cannot grasp. Ayaw ni Popsi na magpulis ako. Delikado raw kasi, pero alam ko naman talaga kung bakit.

Inilabas ko mula sa bag ko ang litrato ng lalaking hahanapin ko ngayon. I twitched my lips. Sa likod ng picture at nakasulat ang pangalan niya.

Adriano Elmo Kaligayahan.

Napangisi ako. Sobrang saya ko naman.

Lumakad ako. I was wearing a four inches heel stiletto. Nakalugay ang mahaba kong buhok, I walked like I am in a movie and people are all looking at me. Pakiramdam ko ay nag-slow motion ako – lalo nang makita ko si Adriano Elmo Kaligayan. Nasa pinakagitna siya. Kasalukuyang inaayos ng nanay niya ang uniporme niya. He turned his back on me. I stopped right behind him. Kinalabit ko siya kaya bigla siyang humarap sa akin.

"Yes?"

He was a tall man. Good thing I wore heels today. He has a body of a trained policeman, lean but buff, he's kind of cute but that's just it. He's just another job for me. I smiled. Pinagapang ko ang kanang kamay ko papunta sa may balikat niya, papunta sa batok niya and then, I pulled him closer to me – I gave him a kiss – a torrid one, a kiss he will never forget. Nagpalakpakan ang mga miron. Matapos ang ilang minuto ay bumitiw ako sa kanya. Nakanganga siya.

"It's not you, it's me, Adi. I cannot be in a relationship with you anymore. Hindi na kita mahal. I'm so sorry. Cherry."

I tossed him the card where Cherry – his now ex – girlfriend – wrote. I cleared my throat.

"Break na kayo, Adriano. Good luck sa life." Tinapik ko ang balikat niya. "And oh, congratulations. Sana all, pulis." I even winked at him. I turned around and walked away.

This is what I do. I break apart couples. Kapag wala silang lakas ng loob para makipag-break, they come to me. I am well known in what I do. I smiled at myself as I get inside my car. Another job well done for me – Gabrielle Anne Bulabog – Apelyido. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon