抖阴社区

Challenge # 11

44.3K 2.9K 1.9K
                                    

Taking sides 

Adi's

Dinala sa krame si Mr. Apelyido. Sa lahat ng pangyayaring iyon ay tahimik lang ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos nito. Gulong – gulo ako pero iisa lang ang gusto kong gawin at iyon ay bigyan ng hustisya ang tatay ko. Ang tagal kong pinag-isipan ito. Paulit – ulit kong pinanood ang video sa dashcam na iyon, apat na video experts ang nilapitan ko buong araw just to confirmed if the video is authentic and they all said the same thing. It is real. He killed my father. He shot him.

"Kaligayahan." Napalingon ako nang marinig ko si Chief Reyes. Kararating lang niya. Hatinggabi na kaya hindi na siya naka-uniporme lumapit ako para sumaludo pero hinampas niya ako ng white folder sa mukha. "Anong kagaguhan ang pinagagawa mo?! You arrested the man?!"

"I have an evidence, Sir." Mariing wika ko.

"Andoon na tayo! But this is bullshit! You have personal feelings in this case. I never approved of you joining the TF Kaligayahan because the Genera; is your father! Hinayaan kong maging bukas sa'yo ang imbestigasyon pero hindi ganito, Adriano! You know the rules!"

"But what do you expect me to do, Sir?"

"Step aside because I think you now better." Sabi niya sa akin sabay nilahpasan ako. Sinundan ko si Chief. I felt so frustrated. Sa inis ko ay nasipa ko ang mesa sa harapan ko. Noon naman dumating si Tomas at si General Dominguez. Agad nila akong pinuntahan.

"Are you alright, anak?"

"I'm not, Tito." Wika ko. "I arrested him kasi may evidence. Pero alam kong tama rin si Chief Reyes, I should've stepped aside. I knew better but my..." Hindi ko maituloy ang sinasabi ko. Tinapik ni General Dominguez ang balikat ko.

"Don't worry, Adi. Akong bahala. I want to give justice to your dad too, akong bahala." Napatingin ako kay Tomas. Tinapik niya rin ang balikat ko at pumasok na siya sa loob. Sumunod siya kay General Dominguez. Kanina pa rin dapat ako sa loob, kinukunan na kasi ng fingerprints at kinukunan ng larawan si Mr. Apelyido pero hinihintay ko pa si Jose Andres. Hindi naman nagtagal ay dumating na siya.

"Anong nangyari?" I asked him. May binigay siya sa aking mga larawan.

"Walang plate number ang kotseng bumangga kay Anne. Nakita iyong kotse palabas ng Ortigas pero pagdating namin sa pinag-park-an ng sasakyan, abandunado na ito, wala ring fingerprints na nakita roon. Pero ini-report ko na iyon insidente. Mag-iimbestiga sila. Pupuntahan nila iyong building bukas at magtatanong – tanong. Tinawagan mo na ba siya?"

"Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya." Mahinang wika ko. "Who took her to the hospital?"

"According sa guard, iyong boss raw. Tinulungan niya si Anne." Tinitingnan ko iyong larawan ng kotse. Hindi ko alam kung bakit may sense ng familiarity sa akin.

"Andres, please h'wag mong bibitawan ito. I need to know who did this to her."

"Tawagan mo kasi." Sabi niya. Kung ganoon lang sana kadali. Tinalikuran ko si Jose at pumasok na ako sa loob kung nasaan si Axel John Apelyido. Tapos na ang preliminaries sa kanya. Naroon si Chief, si Tomas, si Toni at si General Dominguez.

"Nasaan?" I asked Toni. Tinuro niya iyong selda. Ang alam ko may anim na detainee roon. Marahan akong lumakad para tingnan siya, akala ko namamalik – mata lang ako pero nasa loob naman talaga siya, iyong nga lang, iyong anim na detainee mukhang tanga. Nakaupo si Mr. Apelidyo sa isang monobloc chair, iyong dalawang detainee ay nasa tabi niya, pinapaypayan siya, iyong dalawa pa, nasa magkabilang paa niya, minamasahe siya iyong isa, nasa likod niya, nagmamasahe rin, iyong isa naman pinapagpagan na iyong higaan.

TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon