Alay
Annie's
"Wow, four days straight nang may pa-big bite. Kinakain mo man lang ba?"
Tawang – tawa si Ate Leina habang umuupo ako sa dining chair. Si Kuya Jorge ay ngumiti rin sa akin. Silang dalawa ang nabubungaran ko sa nakalipas na ilang araw tuwing kakain ako ng breakfast bago pumasok sa work, kaya lang kahit anong masarap na luto ni Ate Leina ay hindi ko naman makain, I always end up eating the Big bit from him – galing kay Adi. Ilanga raw siyang palaging nag-aabang sa may gate namin. Hindi ko siya papansinin, hindi naman siya gagawa ng paraan para kausapin ako, pero palagi siyang nakasunod sa akin papasok ng opisina, sa gabi ay naroon rin siya, susundan niya rin ako hanggang sa makauwi ako. He'd stay in front of our home for a while, the he'll leave kapag nagpatay na ako ng ilaw.
Hindi ko alam kung bakit niya pa ito ginagawa. Sinabi ko sa kanyang h'wag na h'wag na siyang magpapakita sa akin, ayoko siyang makita, nasasaktan pa rin ako.
Inirapan ko muna si Ate Leina bago ko kinuha iyong paper bag at nilabas iyong Big bite. Kinain ko naman. Ngayong araw, hindi ako papasok sa work, ito ang unang hearing ng kasi ni Popsi. Ang sabi ni Ate Tel, confident siya na ito ang una at sa susunod na hearing ang huli dahil magdedesisyon raw agad ng judge. She is that confident. Si Momsi, magbibigay siya ng pahayag sa oras na lumaya si Popsi, ipapamukha niya raw sa mga bashers niya na innocent man si Axel John at lalamunin nila lahat ng sinabi nila laban kay Popsi.
Ako... ako hindi ko alam kung anong gagawin ko pagkatapos nito. Hindi ko alam kung kakausapin ko pa si Adi. Hindi ko alam kung maaayos namin ito kasi para sa akin may lamat na kaming dalawa.
"Good morning." Nakita namin si Momsi, nilapag niya ang red na Birkin bag niya – regalo ni Popsi iyon noong last birthday niya, tapos ay naupo siya sa kabisera. Fully made – up siya ngayon.
"Ma, masyado kang maganda." Wika ko.
"Of course, anak. Ipapakita ko lang sa media na unbothered queen ako." Na hindi naman totoo. Mula noong makulong si Popsi last week, isang linggo na ring umiiyak si Momsi hanggang sa makatulog siya. Hindi raw siya makatulog nang wala si Popsi. Trip na trip kasi niya na kayakap ang tatay ko at malaking adjustment ito sa kanya kasi kahit na may taping siya or shooting sa malayo, sinasama niya si Popsi para sa gabi, magkatabi pa rin sila.
"Kumain na, Momsi." Wika ni Kuya Jorge. "Mamaya – maya po aalis na tayo."
"Oh, big bite na naman?" Sabi ni Momsi sa akin. She shook her head. "Gabi – gabi iyang si Adi sa labas, nilalamok na."
"E di ma-dengue sana siya." Walang abog na wika ko. Tumawa si Momsi.
"Ikaw, kamukha na kita, kasing tigas pa kita. Ganyan rin ako sa tatay ninyo noon. Araw – araw siya sa bahay namin ni Tita Badet ninyo, akala ko nandoon siya dahil nililigawan niya na si Badet or may relasyon na sila, iyon pala, nagpapa-cute ang loko. Nagalit siya nang husto nang magsimula kaming lumabas ni Judas."
"You dated Uncle Jude?!" I said.
"Hindi no. He just missed Arruba. Iyang si Judas parang baby brother ko na iyan, tapos ako iyong cool Ate, si Yella iyong kinatatakutan niyang Ate, tapos si Leira iyong mapag-alalang Ate niya and then si Gina iyong sosyalera. Ohh, those were the days. Anyway, may mga press mamamaya, you need to dress properly. Sinabihan ko na rin si Reese na tigilan muna iyong style niyang pang – action star. Nakakaputang ina iyang ate ninyo, ang yaman – yaman ni Heath hindi man lang bumili ng international brands na damit. Talo pa si ni Avery!"

BINABASA MO ANG
Troublemaker
General FictionGabrielle Anne never had a formal boyfriend but she's been breaking up with a lot of people as a part of her business. Sa negosyong iyon niya nakilala si Adriano Kaligayahan, kahit na ayaw nito, ay nagising suki niya. She never thought that after t...