Truth
Annie's
Pero... nagising ako.
I found myself looking at the wall of my room. My tears fell. Panaginip lang pala ang lahat. I was too sad to wake up from that dream. Sa panaginip ko, naroon si Adi, niyakap niya ako, sinubukan niya akong iligtas, naroon siya at totoong – totoo siya. Tahimik akong umiiyak. Ang sakit naman sa pakiramdam. Dinalaw nga niya ako sa panaginip ko, pero iyong panaginip ko naman, paasa. Tang inang buhay ito. I took a deep breath. Kailangan ko nang bumangon, pupunta ako sa office ngayon, may site inspection kami, kailangan naroon ako dahil ako raw ang gagawa ng documentation and such.
Gumalaw ako para tumayo pero natigilan agad ako kasi may naramdaman akong mga kamay na nakapalupot sa baywang ako. Ilang beses akong nag-blink, saka ko lang naintindihan na hindi ko pala kwarto iyong kwartong iyon, wala ako sa silid ko, at hindi ko kama ito. Napabangon ako. Tumingin ako upang sinuhin kung sinong yumayakap sa akin. Dahan – dahan pa ang paglingon, napuno ng pag-asa ang kaluluwa ko at sumunod ang kaligayahan nang makita kong nakahiga sa likod ko si Adriano Kaligayahan. Nakapikit pa siya, ako naman ay umiiyak na.
Totoo na ba ito? Kasi baka hindi, baka nasa endless dream ako, baka mamaya joke time na naman ito, ayokong masaktan. Kailangan kong masiguro na hindi panaginip ito kaya, buong puso ko siyang sinampal nang malakas sa mukha, nagising ang mokon, nalaglag pa sa kama at tila hindi alam kung nasaan siya, sobrang disoriented nang expression ng mukha niya.
My heart is beating so fast. Nasa ibaba na siya ng kutso, hawak niya iyong pisngi niyang sinampal ko. Napatingin siya sa akin, noong una, humihikbi lang ako tapos naging atungal na. Mabilis naman siyang kumilos para puntahan ako at yakapin nang mahigpit, lumayo ako tapos pinaghahampas ko ang dibdib niya.
"Ang dami kong iniyak! Tarantado kang gago ka! Akala ko iniwanan moa ko! Sabi mo hindi moa ko iiwanan tapos namatay kang ulol ka! Namatay ka! Nakita ko, namatay ka! Sabi ni Toni dead on arrival ka raw! Buhay ka naman pala! Buhay ka! Buhay ka!" Hindi ko alam kung nakailang hampas na ako sa dibdib niya, basta hampas lang nang hampas. Tumigil lang ako kasi hindi na ako makahinga sa sobrang iyak ko. Si Adi naman ay niyakap lang ako.
"I'm sorry, Annie. I really am."
"Bakit ka kasi namatay?" I sobbed so hard. Hinahaplos – haplos niya lang iyong likod ko. Iba ang hitsura ni Adi ngayon, hindi na siya makinis na rambutan – sabi ng ani Uncle Ido, may facial hair na siya tapos medyo humaba na iyong buhok niya. "Namatay ka, ang lungkot – lungkot ko. Hindi ako makakain kasi ang lungkot – lungkot ko."
Wala akong pakialam kung marinig kami ng kapitbahay basta iiyak ako. Nang makahuma ay sinuntok ko ulit siya pero sa braso naman. He cupped my face.
"I needed to do this, Annie. I'm so sorry. Akala ko kasi saglit lang, akala ko makakabalik agada ko, but Saide just won't budge,"
Natigilan ako at napatitig sa kanya.
"Ano?"
"Remember all the bad things that happened to you back then? The blood, the dead bird, iyong flat na gulong, iyong mga nangyayari sa'yo sa school mo, it was all her. General Domiguez was trying to scare you to leave me."
I wiped my tears. "Luh? Tinatakot pala ako, hindi naman kasi halata." I said. Adi laughed. Oh it was so good to hear him laugh like that again. Yumakap lang ako sa kanya nang sobrang higpit.
"H'wag mo nang uulitin ha. H'wag mo na akong iiwanan..."
xxxx
Adriano Kaligayahan's
"Hatinggabi na, Adi, ano bang emergency mo?"

BINABASA MO ANG
Troublemaker
General FictionGabrielle Anne never had a formal boyfriend but she's been breaking up with a lot of people as a part of her business. Sa negosyong iyon niya nakilala si Adriano Kaligayahan, kahit na ayaw nito, ay nagising suki niya. She never thought that after t...