Tagay - tagay
Annie's
Nagising ako. Nagising akong umiiyak pa rin. Nagising ako sa gitna ng kadiliman sa aking silid. Nagising ako pero hindi noon mababago na wala na si Adi. Niyakap ko ang unang katabi ko. It's been two weeks and my heart feel so out of place.
Pitong – araw siyang ibinurol. Tulad ng Daddy niya, ni-cremate siya. It was a long, agonizing and painful thing for me. I was there when they were burning him. Iyak ako nang iyak – wala yatang araw na hindi ako umiiyak. Napakasakit nito para sa akin pero alam kong mas masakit ito para kay Tita Alyana at sa mga kapatid ni Adi. Hindi man lang raw niya nakausap sio Adi nang araw na iyon. Inaayan na raw niyang umuwi si Adi pagkatapos ng trial but Adi insisted that he'll talk to Popsi...
I sobbed. Nakalaya na si Popsi. Tulad ng inaasahan ni Ate Tel, hindi matibay ang ebidensya sa kanya. Lahat ng nakalap ay nagtuturo ng iba – hindi talaga si Popsi ang bumaril sa Daddy niya, pero wala na. Wala nang mangyayari roon, wala na si Adi, wala...
"Soy..." It was Popsi's voice. Anim na araw na ang lumipas mula nang makauwi siya. Masaya naman ako kaya lang hindi talaga mawala ang bigat ng kalooban ko. Hindi ako gumalaw, nanatili akong nakahiga roon, nakatagilid ako kay Popsi, yakap ko ang unan habang tahimik akong umiiyak. Naramdaman kong lumundo ang kama. Humawak si Popsi sa braso ko. "Kain na. May swift might hotdog akong binili para sa'yo..."
I slowly faced him. Siya na lang ang niyakap ko. Umayos naman siya nang higa para mayakap rin ako. Hinayaan niya akong umiyak nang umiyak roon. Hindi naman niya ako pinipigilan sa paghagulgol ko. Hindi ko alam kung kailan ako magiging okay. Gusto ko si Adi, gusto ko siyang makausap. Hinahaplos – haplos ni Popsi ang likod ko.
"Soy, times like this, I wish I really did shoot Adi's Dad. Mas gusto ko nang makulong kaysa makita kang ganito."
"Hindi naman eh." Wika ko habang humahagulgol. "Siyempre , tatay kita, sa kahit ano pa man, ikaw at ikaw ang una para sa akin. Kaya lang..." I sobbed again. "Bakit ganito? Bakit po ang sakit – sakit? Kailan ako magiging okay?"
"Hindi ko alam, anak. Pero nandito lagi si Popsi at si Momsi saka ang mga ate mo para sa'yo." Lalo akong napaiyak.
"Popsi, sana mahanap na iyong pumatay kay Adi at sa Papa niya." I was sobbing like a little girl who lost her candy. Hinalikan ako ni Popsi sa ulo.
"Is that what you want, Soy?"
"O-opo." Sagot kong umiiyak pa rin. "Hindi... hindi niya nakuha iyong para sa Daddy niya, sana ngayon, makuha iyon para sa kanilang dalawa." Humigpit ang yakap ni Popsi sa akin.
"Anything for my, Bunsoy. Pero kumain ka muna, please?" I slowly nodded. Tumayo si Popsi, inabot niya sa akin ang kanyang kamay, sabay kaming lumabas ng kwarto, nakaakbay siya sa akin habang naglalakad kami papunta sa dining area. Naroon si Leina at Kuya Jorge, si Momsi, si Avery, naka-Indian sit siya sa silya tulad ng palagi niyang pwesto.
"Bunsoy, gising ka na pala." Sabi ni Momsi sa akin. "Good morning." I just nodded. Napatingin si Momsi kay Popsi.
"Kakain si Bunsoy, Momsi. Ilang hotdog ng gusto mo?"
"Ako na lang." Kinuha ko kay Popsi ang hotdog na may plato. Naglagay ako ng isa sa plate ko, si Leina ay nilagyan ako ng toasted bread, si Kuya Jorge ay inabutan ako ng coffee. Si Avery ay binigay sa akin ang glass of water niya. Sumubo ako. Noong gawin ko iyon ay para bang naligayahan ang mga magulang ko. Si Avery ay ngiti nang ngiti sa akin.
"Naks, dalawa na silang mabagal kumain ngayon." Sabi ni Ate Leina. Si Avery kasi talagang mabagal kumain, noong bata kami nakatulugan niyang kumain, bumagsak ung mukha niya sa plato ang ulam pa naman namin noon adobong pusit. Naalala ko iyon kasi si kinuhanan ng picture ni Popsi ang moment na iyon.

BINABASA MO ANG
Troublemaker
General FictionGabrielle Anne never had a formal boyfriend but she's been breaking up with a lot of people as a part of her business. Sa negosyong iyon niya nakilala si Adriano Kaligayahan, kahit na ayaw nito, ay nagising suki niya. She never thought that after t...