抖阴社区

Challenge # 03

52.9K 2.8K 1.2K
                                    


Adriano Kaligayahan's


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"What do you think? They seem like a normal family."

Pagpasok namin ni Toni ng bahay ay iyon agad ang tanong niya sa akin. Tama naman siya. Mukhang normal nga ang pamily Apelyido, mukhang masaya silang magkakasama, normal na normal rin ang magkakapatid, puro babae ang kapatid ko at madalas silang mag-away ng ganoon.

"He seemed like a good man too." Wika niya pa. Tahimik naman akong hinahanap ang file ng pamilya ni Axel Apelyido nang makita ko iyon ay agad kong binuksan para basahin ang information tungkol sa kanila. "But I know behind those smiles... but Buddy, they don't seem evil at all."

"Hindi natin alam iyon." Sabi ko sa kanya. "Some men seemed good pero deep inside." Hindi ko na itinuloy ang sinasabi ko. Nakita ko ang litrato ni Gabrielle Anne Apelyido. Pababa siya ng kotse sa larawang iyon, naka-uniporme siya, ang sumunod na litrato ay kay Gabrielle Reese, na binababa ang isang bata sa kotse, ang isa naman ay si Gabrielle Aelise, naka-public school teacher uniform ito, ang isa ay si Gabrielle Eleina, na papasok sa isang restaurant, may isang pangalan roon na walang picture, Gabrielle Avery. I took Anne's picture and looked at it intently.

Hindi ako makapaniwalang hindi niya ako natatandaan. Wala ba siyang pagpapahalaga sa gabing iyon? Most women value their first time but for her, it seems like...

"May security system sa bahay nila." Narinig ko si Toni. Nakaupo na siya sa harap ng computer. Siya ang nag-set up noon. He is very skilled when it comes to techy things. Tumabi ako sa kanya. May anim na flat screen tv sa harap naming dalawa na connected sa main pc niya.

"Can you crack it?"

"Pwede. Pero maraming algorithms dito. It will take sixteen hours to a day, not sure." Nag-stretching pa siya ng mga kamay bago siya tumipa nang tumipa sa keyboard niya. Tinapik ko na lang ang balikat niya at umakyat ako sa silid kung saan ako matutulog. Apat ang kwarto sa bahay na iyon, kinuha ko iyong pinakamalaki. Si Toni, siguro sa tabi siya ng pc niya matutulog, kung pwedeng pakasalan niya iyon, matagal na niyang ginawa.

I sat on the bed looking at Anne's picture. I wondered what's inside her head. Talaga nga bang hindi niya ako natatandaan o baka naman tinatanggi niya lang? But... I have a feeling she's not like most girls, it's not a feeling, I know for a fact that she's not like most girls. I couldn't sleep that night, I kept on thinking about her. Wala pa nga ay binibigay na niya ako ng sakit sa ulo, bakit kasi hindi siya maalis sa isipan ko?

Bandang madaling araw na ako nakatulog, naaninag ko na ang sikat ng araw pero nagtalukbong muli ako kaya lang nalaglag ako sa kama nang biglang may tumugtog nang malakas galing sa ibaba.

TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon