Gabrielle Anne never had a formal boyfriend but she's been breaking up with a lot of people as a part of her business. Sa negosyong iyon niya nakilala si Adriano Kaligayahan, kahit na ayaw nito, ay nagising suki niya.
She never thought that after t...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Adi's
"Kamustanaman ang surveillance ninyo?"
Nagreport ako sa office nang Martes ng umaga. Uuwi rin ako sa bahay ko mamaya. Si Toni ang nasa bahay ngayon at nagmamasid sa mga Apelyido. Nag-usap kami kagabi na kailangan naming mapasok ang bahay ng iba pang mga kasama ni Axel Apelyido. Kung wala kaming makuha sa kanya, baka sa iba mayroon. He has a brother, King David Sandoval. Iniisipan ko ng paraan kung paano ako makakapasok sa bahay na iyon.
"Boring, Andres." Wika ko habang umuupo sa loob ng cubicle ko. Magkaharap ang mga tables naming dalawa. Umiinom ako ng kape. Si Andres naman ay may binabasang report. "It's just like an everyday family. Kumakain sila, nag-uusap, iyong nangyayari sa bahay ninyo, ganoon lang."
"Sa amin? Si Tatay lang naman ang nasa bahay, minsan si Gero, pero mas madalas siya sa trabaho niya, si Joma ang madalas na kasama namin ni Tatay sa bahay, hindi masaya iyon."
"But you get the point right?" Tanong ko. "Plus, the daughters of Axel Apelyido are... distracting." Pag-amin ko. Tumawa naman si Andres.
"I know. Magaganda sila. I've met one. Si Aelise. She's an ex – o matatawag bang ex iyong naging girlfriend ko lang siya ng isang linggo." Napapailing ako. Nag-ring ang phone ko. Si Saide iyon. Hindi ko sinagot. Iniisip ko kasing tapusin na ang relasyon naming dalawa. Kailangan kong gawin iyon, kilala ko ang sarili ko, alam kong gusto ko si Anne at hindi ako iyong tipo ng tao na may karelasyon ako tapos bigla akong lilipat sa ibang bangka ng walang pasabi.
I need to end it before I pursue Anne, pero pati nga iyong pag-pursue ko sa kanya may problema pa rin. She won't like it if she finds out that we're spying on her home. Ikagagalit niya iyon, pero ayos na rin, kapag natapos ang operasyon – binigyan kami ni Chief Reyes ng isang buwan, kapag wala kaming nahanap, pack up, siguro naman pagkatapos ng isang buwan, pwede ko nang ligawan si Anne. I really like her.
Tumawag na naman si Saide. Kakausapin ko na lang siya mamaya or bukas, depende kung anong oras matatapos ang meeting namin mamaya. Si Andres ay bumalik na sa trabaho, ako naman ay inasikaso ko ang ilang pending cases na hindi pa napapsadahan. Kailangan ko silang gawan ng written report. Buong maghapon akong abala, at buong maghapon ring tawag nang tawag si Saide, pero hindi ko talaga sinasagot. Sa break ko, naisip kong i-text siya pero mas nanalig iyong pagbabakasakali kong may social media na si Anne kaya hinanap ko siya sa FB at IG – hindi naman ako nabigo, mayroon na pala talaga.
Mas active siya sa IG. Kakapost niya lang ng picture ng puno, siguro sa FEU ito – five minutes ago, I browsed, ang gaganda ng mga kuha niya, may nakasakay sa kabayo, may nakatayo sa may pinto, may kuha silang limang magkakapatid.