抖阴社区

Challenge # 03

Magsimula sa umpisa
                                    

"Toni!" Sigaw ko agad. Bumaba ako, mukhang tulad ko ay nahulog rin si Toni mula sa kinauupuan niya. "Napakalakas ng tugtog mo!"

"Hindi ako iyon!" Tumayo na rin siya.

Kung liligaya ka sa piling ng iba.

At kung ang langit mo ay ang pag-ibig niya

Tututol ba ako

"Putang ina!" Napasigaw si Toni. "It worked! I'm in! I'm in!"

"Where?"

"Inside the Apelyido's household. I cracked the codes. Now, I'm in." Hindi ko na siya inintindi. Umakyat akong muli sa silid ko. Balak ko pang matulog, Linggo ngayon, wala akong gagawin. Isasara ko ang bintana pero natigilan ako nang makita ko si Anne Apelyido na lumabas sa balcony ng silid niya. Nag-iinat – inat pa siya habang pupungas – pungas. Bigla ay hindi ko na naisara ang kurtina ng bintana. Nawala rin ang antok ko.

She was even yawning. Nakataas ang kamay niya. Suto niya lang ay isang maikling sando at napakailing shorts, may medyas pa siya sa paa. Ilang beses akong napalunok, she is the daughter of the enemy, pero hindi maitatangging napakaganda ng babaeng ito.

She has short hair now. Noon kasi, mahaba ang buhok niya. She has fair skin – and I remember clearly how smooth that was. I can still remember her scent. Hindi ko alam, hinahanap – hanap ko iyon sa mga babae. Amoy baby powder pero babaeng – babae. Pinakagusto ko sa kanya ay ang mga binti niyang kay haba talaga.

Titig na titig ako sa kanya, hindi ko napansing nakatitig na rin siya sa akin – nagulat pa ako nang kumaway siya. Agad kong sinara ang bintana.

"Tang ina!" I hissed. Napatingin ako sa harapan ng boxers shorts ko. "Maliligo na lang ako!" But even in the shower, all I can see is her face... and that's a bad thing. It is crossing the enemy lines.

xxxx

"Bakit ang hirap ninyong tawagang dalawa?"

Lunch time, lumabas kami ni Toni. Tinawagan ako ni Saide – my girlfriend – and asked us to come by her restaurant that afternoon. She runs a Korean restaurant, usong – uso ngayon dahil sa samgyupsal phenomenon.

"Ah, busy lang kami. Si Toni, puyat eh." Tatawa – tawa ako habang nagbabalot ng pork sa lettuce. Binigay ko iyon kay Saide. We've been dating for five months now. Hindi pa gaanong seryoso, ayokong maulit ang nangyari kay Cedley noong nakaraang taon. I want to take things slow now, and also, I told her that if she finds me boring or anything, dapat sabihin niya sa akin. Mas okay ang open kaming dalawa pagdating sa communication. Gusto ko sasabihin namin ang lahat sa isa't isa and she seems okay with that.

"May bago kayong mission o napuyat ka lang sa babae?" Biniro pa ni Saide si Toni. Tawang – tawa naman ako.

"Luh, Saids, alam mo namang kung mapupuyat iyan, nanonood lang ng porn iyan!"

"Ulol!" Binato niya ako ng lettuce. Nagkatawanan kaming tatlo. Umalis saglit si Saide para kumuha ng soju, it's Sunday and we're off duty, we can drink. We were busy eating when we suddenly heard the door opening. Bigla akong napatingin sa pinto dahil para bang may nakita akong familiar figure na pumasok at hindi naman ako nagkamali, naroon si Gabrielle Anne, may kasama siyang isang babae at isang lalaki. They were looking around.

"What is she doing here?" Tiningnan ko si Toni.

"Ang gaganda ng mga babaeng ito ano?" Sabi niya pa. Sinipa ko siya. Madalas nawawala si Toni sa focus. Madali siyang ma-distract at iyon ang pinakaayaw ko sa kanya. Nagagawa naman niya ang trabaho pero kapag may nakita siyang kung ano, madalas nakakalimutan niya ang dapat niyang gawin. Tulad ngayon, kinawayan niya si Anne. Iyong Anne tuloy, lumapit sa amin.

TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon