抖阴社区

Challenge # 06

Magsimula sa umpisa
                                    

"Am I not your favorite now, Popsi?"

"Lahat kayo paborito ko, basta hindi iiyak iyang mga dalaga ko. Ano, Adriano, kakain kami sa VIP room, sumunod kayo ng jowa mo."

"Oh, it's my birthday, but sure." Si Saide ang pumayag. Paano kami makakapag-usap ngayon?

"Aww, birthday." Wika ni Miss Bernice. "Reese, sabihin mo kay Leina, magdala ng cake."

"Sure, Momsi. Nasaan ba si Annie?" Wika noong panganay.

"Hi, diba ikaw po iyong sikat na Mommy sa teleserye, pa-picture po ako. Pinapanood ko iyong movies ninyo noong bata pa ako." Biglang lumapit si Saide sa mag-asawa. Naglabas siya ng phone. Lumakad sila papunta sa VIP room. Hindi naman ako mapakali. Mayamaya ay nakita ko na si Annie na paakyat. Parang tumigil ang mundo ko.

Ilang araw ko siyang hindi pinapansin, kasi gusto ko kapag nag-usap kami ay wala na si Saide sa buhay ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. She's wearing a pair of ankle boots, a plaid mini skirt and a dark blue crop top. Nasilip ko ang belly button piercings niya – pero ang mas nakakuha ng attention ko ay ang hawak niyang bulaklak. Mukhang nakita niya na rin ako. Huminto siya tapos ay ngumiti.

"Uy!" She waved at me. I waved back, pero dumating si Saide at hinawakan ang kamay ko.

"Sweetie, let's go." Hinatak niya ako papunta sa VIP room. Nilingon ko si Anne. Nakataas ang kilay niya, bahagyang nakangiwi at halatang asar na asar. Nakita kong tinapik siya noong bayaw niya. Pumasok na kami nang magkakasunod sa loob ng VIP room na iyon.

"There's the champion!" Sigaw ng Popsi niya nang pumasok na si Anne. Nagpalakpakan ang lahat. Tumayo si Mr. Apelyido para halikan si Anne sa gilid ng ulo nito. "Ang galing – galing, Soy! Nationals na tayo tapos Sokor!"

"Yes! Baby galingan mo sa Sokor! Sasama si Momsi!"

"Para kay Ji Chang Wook!" Sabi pa ni Mr. Apelyido.

"Lee Dong Wook!" Wika noong Heath. "Iyon bai yon, Baby o si Park Seo Joon?"

"Mag-order na tayo." Wika ni Mr. Apelyido. "Anak, baby bunsoy ko, maupo ka na. Pagod ang legs mo?"

"Hindi." She just said. Padaskol siyang naupo. Umayo ako. Wala naman kaming relasyon – pa. Isa pa, umiiwas nga ako sa kanya. Dumating ang kapatid ni Anne – si Leina, may kasama itong lalaking mahaba ang buhok. May dala silang cake.

"Oh, is the cake for me? You're too kind, Miss Bernice." Sabi bigla ni Saide. Tumingin si Anne sa kanya.

"Bakit ka may cake, anak ka ba nila saka nanalo ka ba ng gold medal?" Inis na tanong niya. Gusto kong tumawa. Minsan kasi medyo epal itong si Saide.

"Oo nga naman!" Sabi ko bigla. "I mean, may cake ka na kanina. Okay na iyon. Congrats, Anne."

"I-congrats mo iyong lolo mong panot." Inis na wika niya.

"Ay, si Jorge nga pala, Adi." Nagsalita si Mr. Apelyido. "Manugang ko rin. Tatlo na silang may mga asawa, pero si Leina, sa bahay pa rin umuuwi."

"Sorry, Popsi, hindi pa kasi gawa iyong bahay namin." Sabi noong Jorge.

"Ayos lang, Jorge! Kumain na tayo."

"Kanino itong sunflower?" Napatingin ako. Nagsalita iyong Leina. Bumukas iyong pinto at pumasok si Aelise kasama ang asawa nito. Tumayo si Annie.

TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon