"Sabello oh, bigay mo sa nanay mo pag – uwi mo ng Bulacan."
"Kay Mama? Bakit?"
"Ba't ba nagtatanong ka basta bigay mo, pektusan kita!"
"Tama na, kumain na tayo!" Sabi ni Mr. Apelyido. Irap nang irap si Anne sa akin. Iyong buong thigh part ng manok, sinubo niya habang nakatingin sa akin. Nilapag niya iyong buto. Dumampot siya ng shanghai, hinati iyon sa gitna saka kinain habang natitig pa rin sa akin.
"Annie!" Sigaw ni Leina. "Kainin mo iyong dulo ng shanghai."
"Tsk, ayaw niya noon, matigas kasi, akin na lang, Soy."
"Abnoy talaga."
Sa madaling sabi, hindi ako nakakain masyado dahil sa irap ni Anne. Hindi ko alam kung nahahalata ni mr. Apelyido kasi tatawa – tawa siya pero nakikita ko iyon.
Muli na namang bumukas ang pinto, may dalawang lalaking pumasok, iyong isa tinawag ni Leina ng Mcbeth. Si Mcbeth tinawag nang pinsan si Sabello, iyong isa ang pangalan ay R3.
"Si Adi kapitbahay namin. Fiancée niya, si Saide."
"Ay oh my god." Hindi pa naman.
"Teka diba ikaw iyong may-ari noong Korean resto na kinakain natin, diba Annie?" Sabi noong R3.
"Oo. Siya iyon."
Ako naman ang tumingin nang masama kay Anne. Nagde-date sila ng R3 na iyon? Tapos parang nakalimutan niya ako, nag-uusap silang dalawa tungkol sa TWICE. Ano ba iyong TWICE na iyan? Nagulat pa ako noong bigla na lang silang nagpatugtog at sumayaw pa silang dalawa. Nagtatawanan sila, iyong lalaki bigay na bigay. Si Anne tuwang – tuwa.
"You make me feel special!" Kumanta pa sila.
Nabad-trip na ako. Buti na lang nagyaya nang umuwi si Saide. Inihatid ko siya, pero sa sasakyan ay hindi maalis sa isipan ko ang lalaking iyon at si Anne. Bakit sila kumakain sa resto ni Saide nang magkasama? Magkaano – ano ba sila?
"Sweetie, lumagpas na tayo." Sabi ni Saide. Bumalik naman ako. Bumaba siya, naiwan ako sa sasakyan pero kumatok siya kaya napilitan akong bumaba rin. "Thanks, Sweetie. I love you."
"Break na tayo, Saide." Bigla kong nasabi. Wala nang bawiian. Natigilan naman siya. I gave her the ring. "I'm sorry, wala akong excuse. May gusto kong iba, Saide. Mali na ipagpatuloy ko ito, mas masasaktan ka lang. I'm so sorry." I kissed her forehead and then I left. I didn't look back. Napakagago ko siguro, pero mas magiging gago ako kung hindi ko tinapos.
Iba na. Nagseselos ako. Lalo na iyong sumasayaw silang dalawa noong R3 kanina. Hinahawakan niya si Anne, si Anne tumatawa. Bakit ganoon? Gusto ko ako lang ang gusto niya.
Dumating ako sa village. Ipinasok ko ang sasakyan sa parking lot, sakto naman, nakita ko si Anne na nagsasara ng gate ng garahe nila. Inirapan niya ako, ako naman ay lumakad papunta sa kanya.
"Ano?" Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin.
"You told me to get a tattoo."
"Hindi ako iyon, baka iyong fiancée mo iyon."
"You told me to get a Ducati."
"I did?"
"I did all of that. Unconsciously, I wanted to please you kahit na hindi ko alam kung magkikita ba tayo sa normal na paraan."

BINABASA MO ANG
Troublemaker
General FictionGabrielle Anne never had a formal boyfriend but she's been breaking up with a lot of people as a part of her business. Sa negosyong iyon niya nakilala si Adriano Kaligayahan, kahit na ayaw nito, ay nagising suki niya. She never thought that after t...
Challenge # 06
Magsimula sa umpisa