"E di wow." Tuluyan na sana niyang isasara iyong gate pero hinawakan ko siya sa braso para hapitin papunta sa akin. Parang slow motion iyong pagharap niya sa akin, tumama pa nga iyong mukha niya sa dibdib ko. I held her chin up to make her look at me. I will kiss her.
"Wait." Sabi niya. "Ang cliché mong gago ka, hahalikan mo ako pero may jowa ka."
"I broke up with her."
"Birthday niya ngayon!" She seemed appalled. "Gago ka!"
"Ikaw ang gusto ko." Nagtitigan kaming dalawa. "Gusto kita Anne Apelyido." She made a face.
"Iki-kiss mo ba dapat ako?" Parang batang tanong niya. Tumango ako. "Ay wait, kakain muna akong candy, lasang fried chic---"
"Wala naman akong pakialam." Hinapit ko siya at saka hinalikan na. She has the sweetest lips ever. Ang sarap – sarap niyang halikan. Bahagya akong napadilat kasi narinig ko ang pagsara ng gate, nakita ko si Mr. Apelyido – pero hindi ko alam kung nakita niya kami, sinara niya kasi iyong gate nang wala man lang sinasabi.
After the kiss, I looked at Anne. She is flushed.
"Girlfriend na kita?" Nakatikim ako ng sampal. Nagulat ako.
"Tang inang ito, manligaw ka muna, ulol!" Tinalikuran niya ako. Bago siya pumasok ng gate ay itinaas niya ang dalawang gitnang daliri niya. "Hindi ako easy, men. Pakyu!"
I found myself laughing. She is really crazy, but I like it.
xxxx
"Tatlong linggo na, Toni, parang nagsasayang lang tayo ng oras sa ginagawa nating ito."
Nasa office kami ng NBI, Monday morning. Nakaupo kami sa kanya – kanya naming mga table. Si Birada ay nakangisi lang sa amin habang nakikinig. Wala talaga kaming makuhang impormasyon sa Apelyido. Sinubok rin naming pumasok sa bahay ng iba niyang kaibigan pero wala kaming masabing dahilan. Minsan ay isinama ako ni Mr. Apelyido sa bahay ng kapatid niyang si King David. I was able to plant a tapping device there, pero wala kaming nakuha kundi iyak ng bata.
Sa bahay naman ng mga Emilio ay nakapaglagay rin ako nang minsang imbitahan kami ni Mr. Apelyido na makipag-inuman sa kanila ni Ido. May inilabas na alak si Ido na may sawa yata sa loob, buti bago ko nainom iyon ay nakapaglagay na ako ng tapping device sa sala, sa kusina at sa loob ng opisina ni Thaddeus Emilio kung saan kami umiinom – tang ina, dalawang araw akong nahihilo dahil sa alak na iyon, hindi ko nga alam kung paano kami nakauwi ni Toni.
Ayos naman, nakakuha kami nga access sa loob, pero wala rin akong nasagap kundi ang walang humpay na:
Good morning, napakagwapo ko pa rin!
Sobrang gwapo ko, Panginoon, noong nagpaulan ka ng kagwapuhan, binagyo ako!
At hindi lang si Ido ang ganoon, pati iyong mga anak niya at apo niya.
Counted namang inamin nila ang trabaho nila, pero tama si Daddy, walang maikakabit na ebidensya sa kanila – kahit kanino sa kanila. Malinis silang trumabaho, nakakatakot.
"Isang linggo na lang." Sabi ni Toni. "Pack up na tayo noon. E di matutuloy mo na ang panliligaw mo kay Anne?'
"Nililigawan ko naman ngayon. Susundo nga ako mamaya." I said. Maayos naman kami ni Anne. Nakakatuwa nga kasi parang ayos lang kay Mr. Apelyido na magkasama kaming dalawa ni Anne. Sa umaga ay ihahatid ko siya sa school, sa hapon ay susunduin ko. Nag-eenjoy talaga akong kasama siya, simple lang siya, kapag kakain kami, dinadala ko siyang pilit sa mga mamahaling restaurant, gusto ko kasing magpa-impress pero ayaw niya ng fine dining talaga, may restaurant naman raw kasi si Leina, gusto raw niya sa mga pang middle class – wag lang daw sa poorest of the poor.
Ewan ko, everyday she amazes me. Hindi ko masasabing malalim na ang nararamdaman ko para sa kanya, pero alam kong espesyal siya sa akin, palagi kaming magka-text, sa gabi ay nakakatulugan niyang kausap ako sa facetime. Pinapanood ko siya, kahit kasi nakanganga siya kapag tulog, napakaganda niya pa rin. I really like her.
Wala na rin akong balita kay Saide pero minsan ay nakasalubong ko si Tomas, nakatikim ako ng suntok. Alam ko namang kagalit – galit ang ginawa ko, pero kung pinatagal ko pa, mas magiging gago ako. Sinubukan kong ipaintindi iyon kay Tomas pero lalo lang siyang nagalit, lalo akong nasuntok.
Kinagabihan, nakita ako ni Anne, talagang galit na galit siya, gusto niya nga puntahan si Tomas pero buti na lang at napigilan ko siya. Ginamot na lang niya ang mga pasa ko pero nagbubunganga siya habang ginagawa iyon. Natutuwa naman ako, kinikilig ako.
"Ano, desisyunan ninyo iyang misyon ninyo." Sabi ni Birada. "Nagsasayang kayo ng pondo. Mukhang mahirap mabutasan iyan."
Napailing si Jestoni. "Wala nga akong nakukuha kundi puro pagpa-prank sa akin. Tang ina, kung hindi lang, naiisip ko talagang alam na nila o ng isa sa kanila at iyong lumoloko sa akin, ay isa sa kanila, pero kung alam nila, bakit naman mabait pa si Senyor Axel sa akin?"
"Mabait nga siya no?"
"Biased ka lang kasi nililigawan mo si Anne."
"Speaking of Anne, manunundo ako." Sabi ko. Five pm na. Out ko na at may practice siya. Gusto ko siyang mapanood, noong competition niya, pinanood ko siya. I was so proud of her. Gusto ko nga siyang lapitan noon, pero naroon kasi ang mga magulang niya, isa pa nagmamadali ako para kay Saide noon. Pero iba na ngayon, I can stay as long as I want.
Sumakay na ako sa kotse ko. Nagmamadali ako kasi baka mainip siya. Isa iyon sa napansin ko kay Anne, mainitin ang ulo niya at mainipin siya, pero nakakapag-adjust naman ako. Kapag wala naman siyang topak ay napaka-sweet niya sa akin kahit na hindi pa kami mag-boyfriend ay nakikipaghalikan na siya. Malandi raw talaga siya kaya ganoon. Tawa naman ako nang tawa sa kanya.
Nagdala ako ng sunflower – isang piraso lang naman iyon - para sa kanya. Mahirap makakuha ng bulaklak lalo na at hindi naman nito panahon, kaya minsan nagpi-print na lang ako ng larawan ng sunflower at lalagyan ko ng note, tuwang – tuwa na ang luka.
Nakarating naman ako agad – agad. Dumiretso ako sa may pool at nakita ko nga siya – naka-one piece na itim siya, na-stretching siya habang kausap noong coach niya. I sat on the bleacher and I quietly watched her.
Siya talaga iyong literal na ibig sabihin ng one with water – ang suave niya gumalaw sa tubig. Anim na laps yata ang ginawa niya – I lost count, umahon siya. Agad akong bumaba ng bleachers para maglakad papunta sa kanya. Kausap niya pa rin iyong coach niya. I looked around to find her towel, mukhang naintindihan noong ka-team ni Anne ang iniisip ko. Inginuso niya ang pulang towel. Sakto naman paglapit ko sa kanya ay tapos na silang mag-usap ng coach niya. I wrapped her in a towel – kahit basa siya, napakabango pa rin niya.
"Uy nandito ka na pala!" She giggled when she faced me. Binigay ko sa kanya ang pasalubong kong sunflower. "Ay, thank you."
"Na-miss kita." I said. Kinurot niya ako sa tagiliran.
"Tang ina, landi nito. Liligo lang ako, tapos kain tayo, lilibre kita."
"Sige, wait kita rito."
Anne waved at me as she walked towards the girl's shower room. Naupo naman ako sa isa sa mga monobloc chairs roon. Inaaliw ko ang sarili ko sa pagbabasa ng balita sa cellphone ko nang bigla akong nakarinig ng pagsigaw. Naglabasan ang mga babae sa girl's shower room, pero wala si Anne roon.
"What happened?" I asked one.
"May dugo! May dugo!"
Hindi ko naiintindihan ang nangyayari pero dahil wala si Anne ay pumasok ako, nilabas ko ang baril ko, hinahanap ko si Anne. Sinipa ko ang isang cubicle, wala sya roon, ganoon rin ang ginawa ko sa isa, hanggang sa bigla na lang siyang lumabas. Tinago ko agad ang baril ko. Gulat na gulat ako.
Hindi ko gaanong makita ang reaksyon ni Anne, pero alam kong hindi siya umiiyak.
Mula ulo hanggang paa, puro dugo si Anne. Hindi ko sigurado kung dugo ito, baka food color.
"What happened?"
"What happened is someone declared war to me and it is fucking on!" Gigil na gigil siya. Ako naman ay nag-aalala.

BINABASA MO ANG
Troublemaker
General FictionGabrielle Anne never had a formal boyfriend but she's been breaking up with a lot of people as a part of her business. Sa negosyong iyon niya nakilala si Adriano Kaligayahan, kahit na ayaw nito, ay nagising suki niya. She never thought that after t...
Challenge # 06
Magsimula sa umpisa