抖阴社区

Challenge # 13

Magsimula sa umpisa
                                        

Tawa nang tawa si Leina habang nagsasalita si Momsi. Kumakain na rin siya. Ako naman ay inuubos iyong hotdog na bigay ni Adi sa akin. Ewan ko kung bakit masarap ito, siguro dahil galing sa kanya.

Bandang eight am ay lumabas na kami ng bahay sa back door kami dumaan. May apat na dalawang kotse na roon, si Uncle Ido at Uncle Azul ang laman noong isa, si Ninong KD naman at si Uncle Jude ang sa isa. Dala rin namin ang sasakyan namin. Paalis na kami noong may nagpark na taxi sa harapan naming lahat.

Bumaba mula roon si Barang. Napatalon ako.

"Avery!" Sigaw ko sabay takbo. She hugged me. Na-miss ko talaga siya. Lumapit rin si Leina sa kanya para yumakap. Nag-kiss siya kay Momsi at yumakap rin tapos pati si Kuya Jorge ay dinamay na niya.

"Anak, darating ka pala ngayon, bakit hindi ka nagpasundo. I could've called Aelise and Sabello."

"Okay lang, Momsi. Diba po trial ni Popsi, sasama po ako. Ipapasok ko lang sa loob itong luggage ko."

"Ako na lang." Nag-volunteer si Kuya Jorge. Hawak ko ang kamay ni Avery at sabay kaming lumapit sa mga Uncles. Nagmano siya kay Uncle KD at yumakap, tapos ganoon rin sng ginawa niya kay Uncle Simoun – ninong niya kasi, pati kay Uncle Jude pero noong lalapit na siya kay Uncle Ido, biglang kumunot iyong noo nito.

"Luh? Pabebe ka na naman ay, Uncle!" Sabi ko pa. Nakatitig lang siya tapos nagpalingon – lingon.

"Ano bang problema ng gwapo kong ilong? May naamoy na naman akong hindi naman dapat. Tang ina. Nakakabawas ng kagwapuhan itong sitwasyon na ito! Lumarga na nga tayo ay nang malalaya na si Hotdog boy!"

Sumakay na kami sa kotse. I sat beside Avery. Humilig ako sa balikat niya.

"Break na kami." I said in a low tone. Naramdaman kong niyakap niya ako tapos humalik rin siya sa noo ko.

"Ayos lang iyan, kaysa naman magkasakitan pa kayo nang matagal. Sana talaga masagasaan siya." Siguro nagjo-joke siya pero ayoko namang mapahamak si Adi. Namatayan siya ng Daddy, malungkot siya, sana mahanap niya ang kasiyahan niya, kundi man sa akin, sana mahanap niya iyon." Naiiyak ako pero ayokong mag-alala si Momsi kaya pinigilan ko ang sarili ko. I looked at Barang.

"Ganyan rin iyong sinabi sa akin ni Kuya Rigor. Nagkita kasi kami sa Barcelona. Anyway, may pasalubong ako sa'yo. Mamaya ibibigay ko. Si Popsi muna sa ngayon."

Nakarating kami sa courthouse. Sakto pagbaba ni Momsi ay may mga media niya. Agad na tumapat sa kanya ang apat na nakaitim na lalaki. Nagtaka ako kung saan galing iyon, pero noong nakita ko si Kuya Heath na nakasandal sa kotse niya katabi sa Ate Reese ay hindi na ako nagtaka pa. Dumating rin si Aelise kasama si Sabello. Galing sila ng Bulacan. Nag-resign ang kapatid ko sa school na pinagtatrabahuhan niya at sa susunod na pasukan, sa Bulacan na raw siya magtuturo.

"Bernice, is your husband guilty? Siya ba talaga ang pumatay kay General Kaligayahan?"

"Anong masasabi mo sa statement ni General Dominguez tungkol sa asawa mo?"

"Sang-ayon ka ba kay General Dominguez? Sisiguruhin niya raw na makukulong ang Mister mo."

Akala ko hindi sasagot si Momsi, huminto siya at humarap sa camera. Inalis niya ang Chanel shades niya at saka ngumiti.

"Pakisabi kay General Domiguez, putang ina niya." Sinabi niya iyon nang nakangiti pero pagkalutong – lutong. Matapos iyon ay naglakad na muli siya at tuluyan na kaming pumasok sa loob ng courtroom. Naroon na ang pamilya ni Adi. Tumingin ako sa side nila, nakita ko si Ate Alona, ngumiti siya sa akin, si Ayen rin pati si Ate Ayee – si Ayen nga nag-te-text pa kami. Si Tita, tumingin lang siya pero hindi siya nagpakita ng kahit anong reaksyon sa akin at naiintindihan ko siya. Nasa tabi niya si Saidemonya, magkahawak pa sila ng kamay.

TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon