抖阴社区

Challenge # 15

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nak, papasok ka na ba sa work? Your Kuya Heath is asking, kung hindi mo pa raw kaya, kakausapin niya iyong boss mo sa trabaho."

"Papasok na po ako bukas. Sobra naman na baka po sabihin noong mga katrabaho ko masyado na akong napapaboran, si Kuya Heath ang kamag-anak natin hindi naman si Sir Uriel." Mahinang wika ko.

"Soy, gusto mo mag-resign ka. Magtravel na lang kayo ni Avery abroad. Akong bahala." Nakangiti si Popsi noon. Alam ko namang pinasasaya niya lang ako.

"Sama kami!" Sabi ni Ate Leina.

"Bawal magbyahe, Leina, ang buntis." Wika ni Momsi. "Matatagtag ka, baka hindi mabuo iyang apo ko."

"After kong manganak, Popsi, mag-travel ako ha!"

"Oo. Iwanan ninyo iyang bata tapos h'wag na kayong bumalik ni Jorge." Tumawa si Momsi at Popsi, ako naman ay nakayuko lang. Ang saya nila, alam kong pinakikita nila sa aking masaya sila para mahawa ako, pero hindi ko pa kaya. Napakalungkot ng buhay ko.

"Barang! Kumain ka nang kumain! Baka abutan mo pa iyong steak na iluluto ko sa lunch mamaya!"

"Meduim rare sa akin ha." Sagot pa ni Avery. "Soy, oh, gusto mo pa ng hotdog?"

"Okay na ako... Ayoko na po." Tumayo akong muli at lumabas ng bahay. Ayoko rin namang bumalik sa silid ko. Nagpunta ako ng garahe at kinuha ang Hilux ko. Umalis ako. Kailangan ko rin siguro ng sariwang hangin, pero, ayun, napadpad ako sa Eternal Park kung nasaan si Adi. Naupo ako sa harapan ng puntod niya. Wala na namang humpay ang mga luha ko. Hinahaplos – haplos ko iyong pangalan niya.

"Sorry, Mahal..." Iyon lang una kong nasambit. "Totoo pala iyong nasa huli iyong pagsisisi. Sana pala noong mga araw na niyayakag mo akong kausapin ka pumayag ako. If I had only known that was the last time, dapat niyakap kita at saka hinalikan, dapat sinabi ko nang paulit – ulit kung gaano kita kamahal, kasi mahal kita, mahal kita kahit nagalit ako, naiintindihan kita at mahal kita kahit nangyari iyon sa atin nila Popsi. I know you're just doing your duty as the General's son... Ang sakit – sakit, Adi... Sorry... Sorry..."

I stayed in there for the whole day. Iyak lang ako nang iyak. Miss na miss ko na siya. Paulit – ulit kong sinasabi iyon sa kanya. Nahinto lang ako sa pag-iyak nang bumukas iyong gate ng museleyo at pumasok si Popsi kasama si Uncle Jude, at Uncle Ido.

Hindi ko alam kung paano nila ako nahanap. Uncle Jude sat beside me. Ngumiti pa siya.

"Soy, h'wag ka nang umiyak." Sabi ni Popsi sa akin.

"Annie, I know it hurts." Uncle Jude said. Hindi pa rin naman ako tumitigil sa pagluha. "I've been there and it's too dark." Hinawakan niya pa ang kamay ko. "Hindi ko sasabihing umalis ka agad diyan, kasi alam kong mahirap, but whatever it is, Anne, don't stay there for too long. Adi wouldn't want you to be sad for a long time. He would want you to move on and be happy."

"Napakagwapo ni Adi, Annie." Sabi ni Uncle Ido. "Sayang at hindi nadagdagan ang lahi niyang gwapo – pero ams gwapo pa rin ako. He saved my life, sobrang gwapo niya."

"Hayaan mo iyang si Uncle Ido mo." Sabi ni Uncle Jude. "Sa akin ka makinig. Don't stay there for too long, Annie. He's not here, but he will always be with you... he's your angel now."

"Uuwi na tayo, Soy." Hinawakan ni Popsi ang kamay ko at tinayo ako. "Bukas na lang siya babalik, Adi ha. Dalawin mo naman sa panaginip ang bunsoy ko." Malumanay na wika ni Popsi. Nauna na kaming lumabas pero huminto ako kasi nagpaiwan si Uncle Ido. Nakatayo siya sa tapat ng puntod ni Adi. He sighed.

"Salamat, Pre. Kung nandyan ka na, pakihanap iyong panganay ko. Amarah. Pakisabi, miss na miss ko siya." Nag-antanda siya sabay alis.

Makakayanan ko naman ito, hindi naman ako mag-isa. Nandito ang buong pamilya ko. I looked back again.

TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon