抖阴社区

Challenge # 15

Magsimula sa umpisa
                                    

"I love you, Adi..." I sobbed as I got to my car.

xxxx

Birthday ni Adi ngayon. Ngayon rin dapat ang ikaw 15th monthsary namin. Buong maghapon ay iniisip ko kung anong gagawin ko para sa birthday niya. Kaninang umaga bago ako pumasok sa trabaho ay dumaan muna ako sa puntod niya para bigyan siya ng bulaklak saka iyong paborito niyang wine. Nilapag ko iyon sa sahig, nagdasal ako tapos nakipagkwentuhan ako sa kanya nang saglit lang, kailangan ko kasing maagang pumasok dahil may presentation ang team namin sa mga boss namin.

Aligaga ang lahat ng tao sa office kasi raw darating si Sir Gabriel – ang tatay ni Sir Miguel at Uriel. Sa kanilang tatlo magpre-present ang team namin para sa nagong project namin. Kinakabahan ako, pero alam kong gagabayan ako ng bantay ko, hindi niya ako pababayaan kaya positive akong magiging maayos ang lahat.

Inaayos ko ang mga blueprint sa table ko nang may kumatok sa cubicle ko. I saw Sir Uriel. Tumayo ako. May dala siyang coffee cup. Ang aga niya ngayon, usually ten am siya pumasok.

"Miss...."

"Apelyido po." Pakilala ko.

"Right. Hipag ni Heath." He nodded. "Dumating na ba si Bertha?" He was talking about his secretary.

"Yes, Sir. Nasa conference room na po yata siya."

"Alright." Lumakad na siya paalis pero bumalik siya, napansin kong tinititigan niya ako.

"Bakit po, Sir?" Kinabahan ako, baka may muta pa ako, ang aga ko kasing umalis ng bahay para puntahan ang jowa ko sa sementeryo. Isang buwan na siyang nagbabakasyon sa Switzerland. Switzerland kasi minsang may pinapanood akong K-drama sa kanya, nagustuhan niya iyon at sinabi niyang isang raw sa mga araw na ito, pupunta kaming dalawa roon at susubukin naming mag-paraglide.

"I just can't help notice." He chuckled. Kapansin-pansing gumalaw iyong Adam's apple niya. Napapailing siya. "Wala... may kamukha ka lang kasi. Anyway, be there on time. Ayaw na ayaw ni Gabriel ang late. Goodluck on your team,"

"Thank you, Sir." Pero hindi pa rin siya umalis. Titig na titig siya sa akin, pero halatang nawiwirduhan siya sa sarili niya. Napakamot naman ako ng ulo. Nakahinga ako nang maluwag noong umalis na siya.

Bandang 9:30 nang umaga nagkagulo ang tao sa office. Dumating na raw si Sir Gabriel. Hindi ko pa siya nakikita kahit kailan, kahit iyong Sir Miguel namin, likod niya pa lang ang nakikita ko. Nakita kong parating na silang dalawa. Iyong mga katrabaho ko nagsitayo lahat. Mukhang mabait naman si Sir Gab. Binabati niya ang mga nakakasalubong niya, iyong Sir Miguel, busy sa cellphone niya.

"Anne, game ka na?" Tanong ng presenter namin. Siya ang magsasalita, ako naman ang naghanda ng lahat ng presentation, blueprint at ng halos lahat, it's okay. Ayaw na ayaw kong nagsasalita sa maraming tao kahit na sinasabi ni Popsi na kayang – kaya ko iyon, alam ko naman, kaya lang hindi pa ngayon.

The meeting went fine. Na-approve ang proposal design namin, magaling rin kasi talaga ang team namin at talagang matyaga sila. Pinaglamayan namin ito gabi – gabi, isang dahilan kung bakit kahit paano ay nakalimutan kong malungkot ako.

The day went on swiftly. Medyo magaan ang pakiramdam ko ngayon, may mga gabing nakakatulugan ko ang pag-iyak, kaya ang nangyayari, tinatabihan ako ni Avery sa pagtulog o kaya man, ako mismo ang nagpupunta sa kwarto ni Momsi at Popsi, tatabihan ko silang dalawa.

I still miss him, I miss him every day, every hour, every minute. Palagi kong pinanonood iyong mga videos naming dalawa lalo na kapag pakiramdam ko nakakalimutan ko na ang boses niya. Wala... mahal ko talaga.

Maaga akong nag-out sa work. Ni-text ko pa si Jestoni at Andres, silang dalawa ang kasama kong magse-celebrate ng birthday ni Adi ngayon, nag-text rin ako kay Ate Alona pero sabi niya susubukin raw niya kung makakarating siya. Dumaan muna ako sa bahay ni Tita Alyana, pinapunta niya kasi ako dahil nagluto siya ng spaghetti na paboritong- paborito ni Adriano.

TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon