¶¶ÒõÉçÇø

One question. WHY?

By rqsica

303 126 0

Mistakes.. Pain... Regrets... Those are words and happenings in our life that we may encounter before we lear... More

ONE QUESTION. WHY?
Present Time
(2017)
Accidentally
Slow Motion
Rivals
Confession
Deceived
Betrayal
First Kiss
The Day You Said Goodbye
Boyfriend
Truth or Dare
Truth
Savior

Plan?

4 1 0
By rqsica

CHYN

Maaga akong nagising kaya bumangon na ako para tingnan kung kung anong nangyare sa kanila matapos akong maunang magpaalam sa kanila kagabi.

Pagbaba ko ay nadatan kongnakahiga si Jace sa sofa, si Thim naman ay nasa sahig na naghihilik pa. Yung dalawang lalake na kasama rin nila ay katabi ni Thim sa sahig. May latag naman sila at malinis na rin ang lamesa na pawang sleep over lang ang naganap at wala ng iba. Napansin kong kulang kaya nagtungo ako sa kwarto ni Jace at dun ko na nga nadatnan ang mahimbing na natutulog na si Jannah.

Kahit na kumpleto naman kami ay pakiramdam ko may kulang pa rin. Muli akong bumalik sa sala at dun na nga natagpuan ang isang sticky notes na nakadikit sa vase na naka patong doon.

To Chyn,
Umuwi na ako, hindi na ako nakapag paalam kase ayoko namang abalahin ang mahal ko. Btw, good morning.

-Zen

Napangiti na lang ako habang pabalik na naglakad sa kwarto ko at idinikit ang notes sa ding ding ng kwarto ko.

Agad kong tiningnan ang phone ko ng may nagtext sa akin. Si Papa.

Anak, kumusta kayo ng mga kapatid mo?

Kumain na ba ang mga anak ko?

Uuwi na si Papa. At sisiguraduhin kong aayusin ko ito.

Alam kong nagkausap na tayo pero alam ko rin na hindi ganon kadaling patawarin ako ng dahil sa naging kasalanan ko sa inyo.

Babawi si Papa sa inyo. Mahal ko kayo ng Mama mo.

Hindi ko mapigilang hindi maiyak sa sinabi ni Papa. Naniniwala ako na maaayos pa 'to. Hinding hindi ko hahayaan na tuluyang sirain ng Cyra na yan ang pamilya namin 

Pinahid ko ang mga luhang traydor at inayos ang aking sarili. Kalma lang. Kaya mo to, Chyn!

Muli akong bumaba para magluto ng makakain namin. Mabuti na lang nag iwan si Papa ng allowance namin at budget dito sa bahay kaya kahit papaano ay may panggastos kami sa araw araw.

Sa itsura ng mga batang ito ay paniguradong may hang over itong mga ito. Bumili muna ako sa malait na talipapa dito sa amin at bumili ng maluluto.Napag desisyunan kong sinigang na lang ulit ang lutuin para makahigop kami ng mainit na sabaw. Bumili na rin ako ng manok na puro thigh parts para iprito mamaya.

Nang makabili ay umuwi na rin ako agad at nagsimula ng magluto. Dahil duoble burner naman ay isinabay ko na rin ang pagsasaing. Nagsimula na rin akong mag marinade ng manok na ipiprito ko mamaya. Matapos iyon ay sinumulan ko ng magluto ng sinigang.

Nang matapos na akong magluto ng lahat ay ginising ko na silang lahat para makapag almusal. Di na rin naman masama kung gigisingin ko na sila dahil 7:30AM ja ng umaga.

Agad din naman silang bumangon kaya pinadiretso ko na sila sa kusina dahil nakahanda na ang pagkain.

"Pasensya ka na po ate sa abala." nahihiyang sambit ni Jannah.

"Nagpaalam ba kayo sa mga magulang nyo nakagabi?" tanong ko sa kanila at nagtanguan naman sila.

"Oo ate pinayagan ako!" masayang sagot ni Kael.

"Ako rin ate pinayagan." sagot naman ni Kiro.

"Don't worry ate, pinayagan din po ako." sagot naman ni Jannah ng dumapo ang tingin ko sa kanya.

"Hmm. Mabuti naman. Sige na at magsikain na kayo." ipinagpatulo na namin ang pag kain habang nagkekwentuhan.

"So, si Thim po pala ang pinaka pasaway sa inyong tatlo." natatawang sambit ni Jannah.

"Si ate talaga eh!" natawa nalang kami sa naging reaksyon ni Thim habang inaasar namin sya.

"Tas yang si Jace, sya yung pinakamatalino sa amin sa math. bakas ang pagkamangha nila sa sinabi ko.

"Naks! Patutor idol! biro ni Kael kay Jace.

Ilang minuto ay natapos na rin kaming kumain. Si Jace na ang nagpresinta na sya na raw ang maghuhugas ng mga kinainan kaya naman umakyat na ako sa kwarto ko at ginawa ang mga activities na kailangang gawin at tapusin.

Natapos ko na lahat ng mga activities ko kaya lumabas muna ako para maglakad lakad pero pagbaba ko ay wala na ang mga bata. May nites na iniwan at nakasulat doon  " Ate hatid na muna namin sila, lab uu!" Napailing na lang ako ng mabasa iyon kaya agad ko ng isinara ang pinto at iniwan ang susi sa secret place kung saan kami lang magkakapatid ang nakakaalam pati na rin si Papa.


Alas nuebe pa lang naman ng umaga kaya naisip kong pumunta muna sa court ng barangay namin. Ilang minutong lakarin lang naman iyon kaya dumiretso na ako. Bukod kase sa laba day, naglalakad lakad din ako dito para makapagpapawis o makalanghap ng sariwang hangin.

Umupo ako sandali ng may makitang bakanteng upuan. May mga dayo kaya naman pala maraming mga naglalaro. Nanood muna ako sa mga naglalaro at hindi ko maitatanggi na may kagwapuhan ang mga ito. Omg! Kasalanan.

Tatayo na sana ako ng may malakas na pito ang narinig kaya ng lumingon ako ay isang lumilipad na bola na ang tatama sakin anytime. Hindi na ako nakakilos at pagpikit na lang ng mata ang aking nagawa. Tanging sigaw na lang ang aking narinig mula sa mga manonood at ibang players na inaasahan na rin ang direktang pagtama ng bola sa akin.

Ilang segundo kong hinintay ang pagtama ng bola sa akin pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong sakit na nararamdaman. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at doon ko na nga nakita ang malapad na likod ng isang lalake habang nakahawak ang isang kamay sa bola na tatama sana sa akin kanina.

Humarap ito at laking gulat ng tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Owen. Naka suot ito ng dilaw na jersey, gulo ang buhok at naliligo na rin sa sariling pawis.

Nagliwanag naman ang mukha ko ng makita na isa pala sya sa dumayo rito sa court namin para maglaro.

"Kung san san kase nakatingin." saad nya habang dinidribble ang bola bago ibinato sa isa nitong kasama.

"Aba malay kong basketball ring ang tingin nyo sakin!" sinamaan ko sya ng tingin.

"Kalma!" ginulo nya ang buhok ko bago bahagyang tumawa.

"Layo ng dayo ah, bored na ba?" tanong ko. Naglakad naman kami palayo at baka mamaya ay may lumipad na namang ligaw na bola papunta sa akin.

"Actually, niyaya lang ako nina Paulo. Wala rin naman akong lakad kaya sumama na ako. Imemessage sana kita kagabi kaso naisip ko na baka ikaw naman yung may lakad ngayon kaya hindi na lang." paliwanag nito.

"Ahh kala ko namiss mo kakyutan ko." biro ko dito.

"Nasan ng cute dyan?" ipinaling nya kaliwa at kanan ang mukha ko. Bwiset lakas mang asar parang di nangopya sakin nung jh kami ah!

"Whatever, Owenggg!" nakarating kami sa isang tindahan kaya naupo muna kami.

Bumili sya ng dalawang softdrinks at naupo na rin sya.

"Nagka- usap na ba kayo ni tito?" nasamid naman ako sa iniinom ko ng bigla nyang banggitin iyon.

Lingid sa kaalaman ng lahat ay nakausap ko na si Papa at nagkaayos naman na kami pero hindi naman ganon kadaling kalimutan yung mga nangyare kaya medyo naiilang pa rin talaga ako kapag yun yung nagiging topic. I know to my self na hindi ko pa sya totally napapatawad at alam kong alam nya rin yon. Pero I'm still hoping na papatunayan nyang babawi sya sa amin.

"Hoy! Natahimik ang langaw!" pang aasar pa nya.

"Well honestly, hindi pa ulit kami nagkakausap ni Papa  Pero I'm working on it naman. We're working on it." sabay lagok sa softdrink na hawak ko.

"Matatapos din yan." sambit nya habang tinatapik ang braso ko.

"Eh si Tita? Kumusta?" tanong ko ng mabalitaan na na hospital daw pala ito nung nakaraang araw lang.

"Okay naman na si Mama. Kailangan nya lang mainom yung mga gamot na inireseta ng doktor sa kanya. " nakahinga naman ako ng maluwag sa ibinalita nya.

"Kaya natin to." pagpapalakas ko ng loob sa kanya ganon na rin sa sarili ko. Matatapos din lahat ng to.

"Ahh... May sasabihin nga pala ako." biglang nagbago ang mukha nito at kit mo ang lungkot sa mga mata nya.

Napakunot nalang ang noo ko at hinintay na sabihin nya yung gusto nyang sabihin.

"Baka dun na ako mag aral. Kailangan na rin kase ng mag aalaga kay Mama. At mas magagawa ko yung bagay na yun kung mas malapit ako sa kanya." paliwanag nito. Nakaramdam ako ng lungkot ng sabihin niya iyon. Pakiramdam ko ay mababawasan na naman ako ng mabuti at totoong kaibigan.

"B-babalik ka pa ba?" para akong maiiyak sa nalaman ko.

"Hindi sigurado. Alam mo namang malayo ang bahay namin dito e. Ayoko namang magstay kina Tita Laurie tapos si Mama nandon sa probinsya at walang nagaalaga. " Hindi ko na mapigilang hindi maiyak sa sitwasyon nya.

"Kelan ka aalis?" tanong ko habang pinupunasan ang luhang patuloy na kumakawala sa mga mata ko.

"Next Sunday. Abot pa naman ako e kaya magtatransfer dun ko na ipagpapatuloy ang pag aaral ko. Shhh tahan na. Hanggang ngayon iyakin ka pa rin." biro pa nito.

"Mag iingat ka dun...K-kung wala kang makitang maganda... Tawagan mo lang ako..." putol putol kong sambit dahil sa pag iyak.

"Syempre! Don't worry, kapag nagkita tayo ulit, ililibre kita ng paburito mong pizza! Plus Milktea na matcha flavor." kahit papaano ay kumalma naman ako. Alam ko namang sinasabi nya lang yan para di na ako umiyak e.

"Promise yan ha!" paniniguro ko sabay tawa namin pareho.

"So pano? Umuwi ka na kase mainit na. Babalik na ako sa court baka kase hinihintay na nila ako. Babyahe pa kami pauwi." paalam nito bago yumakap sa akin.

"Ingat ka. 1 week ko pang makikita yang maasim mong mukha." biro ko at tumawa naman ito bago tuluyang maglakad papalayo.

Ano ba naman yan? Sumaya lang ako ng konti tapos ganito naman yung kapalit.

Nakarating na ako sa bahay at agad na nagtungo sa aking kwarto. Iniisip ko pa rin yung sinabi ni Owen na aalis na sya next week. Hayss, hindi pa nga kami nakakapag bonding ulit tas aalis na agad sya. Pero hoping na aging okay na si Tita Elisa.

CYRA

Mula ng maghiwalay kami ni Zen ay muling naging okay sila ng Chyn na yun. Oo, inaamin ko at first na hindi ko naman talaga gusto si Zen. I'm just using him para saktan si Chyn. Matagal ko na syang kilala bago pa man ako mag aral sa School na to. Palagi syang bukambibig ni Dad na kapatid ko raw. Nakakainis lang kase kami yung kasama nya pero yung Chyn at yung mga kapatid nya ang bukambibig nya.

Kaya nung nalaman ko na magkaklase pala kami, palagi ko nalang syang kinokontra. But you know kung ano yung pinaka nakakainis?  May mga taong palagi syang ipinagtatanggol in front of me! Hanggang sa school ba naman sya pa rin ang bida? At nung mapansin ko na interested sa kanya si Zen, pinlano ko na talaga na gumawa ng move. Mukha namang gumana yung plano ko pero bakit hindi manlang nya ako kumprontahin? Wala syang ginawa dahilan para mas lalo lang akong mapikon.

I really hate her! Madali nya lang nakukuha yung mga bagay ng hindi manlang sya gumagawa ng efforts. Never nag please for love and attention. And the fact na pagkakamali lang ako ng mga magulang ko, is really soffucating.

Bakit kailangang ako yung mag suffer sa mga pagkakamali nila? Bakit ako yung kailangang manghingi ng sobrang pagmamahal aat attention sa mga taong gumawa sakin diba? Ginusto ko ba 'to? Hindi naman diba? Pero bakit? Ang daming bakit pero minsan kahit given na yung sagot di ko pa rin maiwasang mapatanong.

Kase mas gusto kong sila yung magbibigay ng sagot na hinihingi ko. Am I bad para maranasan ko lahat ng mga ito? I am actually a good daughter, a good friend and a good student before our paths crossed. Pero mula nung nagkita na kami, nagbago ang lahat.

Puro nalang insecurities at galit ang nararamdaman ko sa kanya. Gusto kong agawin lahat ng makapagpapasaya sa kanya, gusto kong sirain ang buhay nya. At higit sa lahat, gusto kong makita nya kung pano ko kunin ang lalakeng mahal nya. Isn't it satisfying na makita syang nasasaktan? Kaya gagawin ko ang lahat para lang hindi sya maging masaya.

Kinuha ko ang litrato nya na nakasipit sa libro ko at pinunit iyon ng maraming beses. You'll suffer! Hindi ako papayag na ako lang yung nahihirapan sa buhay n to. Mamatay ka na Chyn!

Sigaw ko sa utak ko sabay hagis sa pira-pirasong larawan nya sa kwarto ko. Nagkahiwahiwalay ang bawat piraso ng larawan na ikinatawa ko. I have a plan. At alam kong gagana to. Sa ngayon, wala muna akong ibang gagawin kundi panoorin silang dalawang magmahalan.

ZEN

"Napapadalas yata yang mga ngiti na yan ah." nagulat ako ng may magsalita sa likod ko habang  ako ay nagdidilig ng mga halaman ni Mommy.

"P-po?" tanong ko kay Mommy na masayang nanonood sa ginagawa ko.

"This is your first time na humawak ng hose para magdilig ng mga halaman ko, anak. Masaya ako kase masaya ka." binitawan ko ang hose na hawak ko bago pinatay ang gripi. Lumapit ako kay Mommy at humarap dito.

"Thanks, Mom." i hugged her at niyakap nya naman ako pabalik bago muling nagsalita.

''So kelan mo nga sya balak ipakilala sa'min?" tanong ni Mom at tinaasan naman ako ng kilay.

"Uhm.. soon!" masayang sagot ko bago kami nagsimulang maglakad papasok sa bahay.

Naghanda na si Mom ng almusal kaya naupo na kami ni Ate Ana. Tatlo lang kase kami ngayon kase may duty si Ate Kia. Nagsimula na kaming kumain at hindi maiwasan ang kwentuhan at pang aasar ni Mom and Ate sa akin about Chyn.

"I can say, you're deeply,trul, madly, crazy in love with her!" saad ni Ate in her very exaggerating expression.

"OA mo talaga ate!" biro ko pa. Natawa naman si Mom habang pinapanood kami ni Ate na nagkukulitan.

"Binata na talaga ang unico ijo ko." sambit ni Mommy.

"Mom, ngayon mo lang ba narealize?" natatawang tanong ko.

Nang matapos na kaming kumain ay nagtungo na ako sa kwarto ko para ayusin ang mga gamit ko. Inayos ko na rin ang bedsheets, kumot at unan ko dahil last time na natulog ako dito ay hindi ko naayos. It's not totally messed naman kaya di ako nahirapang maglinis.

Naupo ako sa gilid ng kama ko ng makaramdam ng pagod at tiningnan ang phone ko. Nagmessage pala sakin si JC at nagyayaya na mag The Bliss Bar mamaya kase may problema raw ito. Kaya naman pumayag akong samahan muna sya dahil wala namang ganap mamaya.

Nagmessage ako kay Chyn na may lakad kami ni JC mamaya. She just replied "Sana all." maybe because she never experienced to go in that kind of place.

Sabado ngayon kaya buong araw na naman ako dito sa bahay. I don't have errands now but later I have. Madalas kase kapag walang pasok ay nandito lang ako sa bahay o kung minsan naman ay nakatambay kina JC. And if you'll ask me kung ano yung ginagawa namin sa kanila, minsan naglalaro ng online games at kung minsan naman ay umiinom ng alak.

Continue Reading

You'll Also Like

69 2 1
* Loving for the 2nd time around is not easy, but anyone cant deny that to love and be love is one of the sweetest and happiest thing in this world...
493 12 16
Kung pwede lang maibalik ang nakaraan.Kung pwede lang ulit tayong maging magkaibigan.Kung saan tayong dalawa ay masaya at laging nagtatawanan.Kung ka...
199 0 22
Second chances? Yung iba sabi, "Kung nagawa nya nung una, maaring magawa nya ulit sa pangalawa." Yung iba naman ang sabi, "Pwedeng magbago ang lahat...
1.1K 43 22
Alam mo ba kung ano ang nagagawa ng salitang "mahal kita" sa isang tao? Short Story // Romance // Angst [Cover by @doubleAngel_]