¶¶ÒõÉçÇø

PROJECT: Runaway [PROJECT SER...

By LunaToMySol

2.8K 186 95

FOR MATURE AUDIENCES. READER DISCRETION IS ADVISED 🔞 Hope you enjoy! • Grieving is such a hellish feeling b... More

SYNOPSIS
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XV
XVI
XVII
SPECIAL ANNOUNCEMENT

XIV

75 5 11
By LunaToMySol

Dilaw by Maki is featured in this chapter! A whole Spotify playlist for PROJECT: Runaway can be found in the story description and synopsis. Thank you so much!

"You look breathtaking in that little yellow dress of yours" ani ni Vinxer kay Ayra habang inihahanda niyang i-garahe ang sasakyan

"Thank you, love" ani ni Ayra na saglit lamang tinapunan ng tingin si Vinxer at muling ibinalik ang paningin sa tanawing nasa kanyang harapan

Ngiting-ngiti si Ayra at para itong batang nawiwili sa tanawin ng malawak na lupain. Habang abala ang kanyang paningin sa pagkamangha ay dahan-dahan naman siyang lumabas mula sa sasakyan nang pagbuksan siya ni Vinxer ng pinto

"Ang ganda dito, Vinoe. First time ko rito" ani ni Ayra habang sumusunod lamang ang kanyang mga hakbang sa kung saan siya dinadala ng pag gabay ni Vinxer

"I'm glad that you're loving it so far. We only have 24 hours here so I'll make sure na masusulit mo lahat" ani ni Vinxer sabay halik sa gilid ng ulo ni Ayra

"24 hours? Hala wala akong damit. Kahit underwear wala" ani ni Ayra nang mapukaw sa pagtanaw ng paligid

"It's okay. We will shop for them" sagot naman ni Vinxer. Nagsisimula na silang maglakad ngayon papunta sa tutuluyan nilang airbnb

"Vinoe, alam ko naman na may pera ka pero kung sinabihan mo lang sana ako nang maaga instead na surprise edi sana nakapag impake nalang ako para bawas gastos" mahabang sabi ni Ayra nang makapasok sila sa unit

"Love" nilapitan siya ni Vinxer at hinawakan ang magkabila niyang braso,"it's okay. Relax, alright? Pagbigyan mo na ako kasi ito ang gusto 'kong gawin for my birthday. Spoiling you and having fun with you"

Masuyong sabi ni Vinxer kaya naman kahit na hindi parin hundred percent na okay ang ideya na iyon para kay Ayra ay tumango na lamang siya bilang pagsang ayon

Hindi nagtagal ay lumabas sila upang pumunta sa isang boutique para doon mamili ng mga underwear at pajama set na siyang gagamitin nila sa magdamag

"Ay, ang cute!" ani ni Ayra nang makita ang isang kulay brown na pajama set na labubu ang disenyo

"Ay, Ma'am bagay po yan sa inyo" ani ng saleslady na nasa tabi lamang niya, "ito po may kapartner po 'yan na pang lalaki color beige pero labubu rin ang design" dugtong pa nito

"Ay perfect. Sige wait lang po, Ate" tugon ni Ayra sa babae bago niya tinanaw ang kinaroroonan ni Vinxer

"Vinoe! Look oh" ani ni Ayra at ipinakita ang mga pajama set na hawak niya sa magkabilang kamay ang mga hanger, "ito nalang bilhin natin. Uso to ngayon tapos cute pa" dugtong niya pa

Naglakad naman pabalika sa kinaroroonan ni Ayra si Vinxer na kanina lamang ay abala sa pag tingin ng mga bagay sa kabilang parte ng boutique. Pinagmasdan nito ang mga pajama set

"Sure, love. These are cute plus it looks very comfy. You have such a great taste, Avie" ani ni Vinxer at bahagyang pinisil ang pisngi ni Ayra

"Yey! Sige po Ate kukuhanin po namin pati na rin po itong nasa basket" ani ni Ayra sa saleslady at binigay na dito ang lahat ng mga bagay na kinuha nila sa shelves upang bilhin

Nang makapagbayad sa cashier ay hawak-kamay na lumabas ang dalawa mula sa boutique. Inilagay ni Vinxer ang kanilang mga pinamili sa backseat ng kotse bago pinagbuksan ng pintuan sa shotgun seat si Ayra. Nang makasakay ang dalawa at makapag seat belt ay nagmaneho nang muli si Vinxer

"Where to next?" tanong ni Ayra habang nagmamasid masid siya sa paligid

"Well, now that we got all of what we need for later, it's finally time to go to Sky Ranch but we will eat there first bago sa most exciting part for you, the rides" may ngiti sa mga labing tugon ni Vinxer. Hinalikan niya rin ang likod ng kamay ni Ayra at nanatiling hawak iyon

"Yeyyyy! Alright, food first before anything else" buong tuwa na ani ni Ayra

Nang makarating sila sa Sky Ranch park ay kumain muna sila sa isang sikat na kainan doon. Chicken inasal, pork sisig, at beef pares ang pinagsaluhan ng dalawa. Alas tres na ng hapon noong mga sandaling iyon ngunit yun pa lamang ang kanilang pananghalian

"Vinoe first time ko makakain nitong pares. Masarap pala" ani ni Ayra habang abala sa paghigop ng sabaw ng pares

"Really? Si Xenon lang din ang nag influence sa akin at kay Danner na kumain nito, eh. After school before, well after ka namin bantayan mula sa malayo, nag memeryenda kami nito sa daan bago magkanya-kanya ng uwi" pagke-kwento ng binata

"Oo. Lagi ko nakikita noon pero dinadaanan ko lang...pero wait, binabantayan niyo talaga ako nila Xenon noong start palang ng classes?"

"Yup. I mean, we just wanted you to be safe. Til now, we want you to always be safe and well" ani ni Vinxer habang abala sa pagkain ngunit paminsa'y sumusulyap kay Ayra

"Why? I mean, hindi niyo naman kailangang gawin yun. Well, I understand na friends tayo but...realizing it now. Parang dini-dedicate niyo na yung mga buhay niyo sa pagbabantay sa akin eh" tanong ni Ayra na nagbiro pa sa huli

"Well. That's what we do...that's what I do" seryosong ani ni Vinxer. Nakatitig na ito ng taimtim ngayon sa mga mata ni Ayra

"Do what?" tanong ng dalaga habang pinipilit na salubungin ang mga titig ni Vinxer

"Dedicate my life in protecting you" tugon naman ng huli habang hindi parin pinuputol ang pagtitig, "good thing you're my girlfriend now" dugtong pa ni Vinxer

"What do you mean?"

"Wel-"

"Excuse me, Ma'am and Sir. Here's your bill po" putol ng isang service crew sa sasabihin ng binata

Nang makapagbayad sila ay sabay na rin silang lumabas ng restaurant upang makapagbihis saglit si Ayra sa loob ng kotse. Nakasuot na siya ngayon ng malaking kulay itim na hoodie na pag aari ni Vinxer dahil tinablan na siya ng lamig. Hindi na rin siya nakatiis at sinuot niya na ang pants na kasama sa Labubu pajama set na binili nila kanina sa boutique

"Okay, I'm ready!" ani ni Ayra kay Vinxer

Nagsimula silang mag ikot-ikot sa lugar. Sumakay sila ng carousel, kumain ng mga street food sa helera ng mga vendors, at sumakay sa kung tawagin ay Sky Eye. Ang pinakamataas na ferris wheel sa buong Pilipinas

Sa kalagitnaan ng kanilang pagsasaya ay nag vibrate ang phone ni Vinxer na nasa kanyang bulsa. Nang tingnan niya iyon ay may tumatawag gamit ang hindi niya kilalang numero

"Baby, I'll just take this call. Saglit lang 'to" paalam ni Vinxer kay Ayra na sinagot lang naman ng tango ng dalagang abala sa pagmamasid sa bumper cars sa di kalayuan

"Hello? Who's this?" ani ni Vinxer sa caller nang makalayo sa kinaroroonan ni Ayra

"Vinxer, Lyzza 'to. Okay na ang lahat" ani ng tao sa kabilang linya

"Phew. Ikaw lang pala. Akala ko naman kung sino" tugon ni Vinxer nang makahinga nang maluwag, "Alright. We'll see you tomorrow. I'll text you the number of our driver para masundo kayo nila Danner nang sabay-sabay" dugtong niya pa

"Okay! Enjoy, lovebirds! Kita-kits!" ani ni Lyzza sa kabilang linya. Bahagya pa itong napapahagikhik

"Alright. See you. Ingat kayo" tugon ni Vinxer at pinatay na ang tawag. Ibinalik niya ang kanyang phone sa bulsa bago binalikan ang kinaroroonan ni Ayra

Nakita niya ang kasintahan na bumibili ng popcorn at mango shake sa di kalayuan

"Your appetite never fails to surprise me, my Avie" ani ni Vinxer at siya na ang nagbitbit ng mga binili ni Ayra

"Hati naman tayo dito kaya kumuha ka lang hangga't gusto mo" natatawang ani ng dalaga

"Alright then" tugon na lamang ni Vinxer

Tahimik silang naglakad lakad pa sa lugar. Nang pumatak ang alas otso ng gabi ay nagpasya na rin silang bumalik sa unit na tinutuluyan

Payapa silang dalawa lalo na si Ayra. Masaya siya na nagkaroon sila ng pagkakataon na ganito ni Vinxer

Si Vinxer naman ay masaya rin ngunit sa kabila niyon ay kanina niya pa iniinda ang tibok ng puso niya dahil sa kaba

I really hope everything goes as planned tomorrow...

-
LunaToMySol

Kamusta everyone? Merry Christmas and Happy Holidays sainyo! Advance happy new year na rin! Thank you po sa lahat ng sumusubaybay dito sa story nila Vinxer at Ayra. Sana po ay patuloy niyo silang mahalin <333 Kamusta naman ang chapter na to para sa inyo? Hoping na makakita ako ng comments para mas sipagin po ako sa pag update. Thank you! See you next chapter!

Continue Reading

You'll Also Like

53.6M 1.7M 48
PUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Save yourself from stress. Started: 10/07/2...
164K 6.1K 48
PUBLISHED UNDER POPFICTION CLOAK RETROGRADE 2025. Taglish. 18+ I thought I'd feel at least a bit awkward, but her eyes glowed when she looked at me...
303 2 41
Long time ago or should I say past fifteen years ago, in bright starry night, there was a girl standing in the middle of the midst. Her long black ha...
1M 61.2K 49
Longing for his father's love and recognition, Hector accidentally lives with his father's family by posing as his twin brother, Frankus. But when hi...