抖阴社区

Troublemaker

By xxakanexx

1.1M 59.6K 25.6K

Gabrielle Anne never had a formal boyfriend but she's been breaking up with a lot of people as a part of her... More

Troublemaker
Prologue
Challenge # 01
Challenge # 02
Challenge # 03
Challenge # 04
Challenge # 05
Challenge # 06
Challenge # 07
Challenge # 08
Challenge # 09
Challenge # 10
Challenge # 11
Challenge # 12
Challenge # 13
Challenge # 14
Challenge # 15
Challenge # 17
Epilogue

Challenge # 16

59.2K 3.5K 2.3K
By xxakanexx

Truth


Annie's

Pero... nagising ako.

I found myself looking at the wall of my room. My tears fell. Panaginip lang pala ang lahat. I was too sad to wake up from that dream. Sa panaginip ko, naroon si Adi, niyakap niya ako, sinubukan niya akong iligtas, naroon siya at totoong – totoo siya. Tahimik akong umiiyak. Ang sakit naman sa pakiramdam. Dinalaw nga niya ako sa panaginip ko, pero iyong panaginip ko naman, paasa. Tang inang buhay ito. I took a deep breath. Kailangan ko nang bumangon, pupunta ako sa office ngayon, may site inspection kami, kailangan naroon ako dahil ako raw ang gagawa ng documentation and such.

Gumalaw ako para tumayo pero natigilan agad ako kasi may naramdaman akong mga kamay na nakapalupot sa baywang ako. Ilang beses akong nag-blink, saka ko lang naintindihan na hindi ko pala kwarto iyong kwartong iyon, wala ako sa silid ko, at hindi ko kama ito. Napabangon ako. Tumingin ako upang sinuhin kung sinong yumayakap sa akin. Dahan – dahan pa ang paglingon, napuno ng pag-asa ang kaluluwa ko at sumunod ang kaligayahan nang makita kong nakahiga sa likod ko si Adriano Kaligayahan. Nakapikit pa siya, ako naman ay umiiyak na.

Totoo na ba ito? Kasi baka hindi, baka nasa endless dream ako, baka mamaya joke time na naman ito, ayokong masaktan. Kailangan kong masiguro na hindi panaginip ito kaya, buong puso ko siyang sinampal nang malakas sa mukha, nagising ang mokon, nalaglag pa sa kama at tila hindi alam kung nasaan siya, sobrang disoriented nang expression ng mukha niya.

My heart is beating so fast. Nasa ibaba na siya ng kutso, hawak niya iyong pisngi niyang sinampal ko. Napatingin siya sa akin, noong una, humihikbi lang ako tapos naging atungal na. Mabilis naman siyang kumilos para puntahan ako at yakapin nang mahigpit, lumayo ako tapos pinaghahampas ko ang dibdib niya.

"Ang dami kong iniyak! Tarantado kang gago ka! Akala ko iniwanan moa ko! Sabi mo hindi moa ko iiwanan tapos namatay kang ulol ka! Namatay ka! Nakita ko, namatay ka! Sabi ni Toni dead on arrival ka raw! Buhay ka naman pala! Buhay ka! Buhay ka!" Hindi ko alam kung nakailang hampas na ako sa dibdib niya, basta hampas lang nang hampas. Tumigil lang ako kasi hindi na ako makahinga sa sobrang iyak ko. Si Adi naman ay niyakap lang ako.

"I'm sorry, Annie. I really am."

"Bakit ka kasi namatay?" I sobbed so hard. Hinahaplos – haplos niya lang iyong likod ko. Iba ang hitsura ni Adi ngayon, hindi na siya makinis na rambutan – sabi ng ani Uncle Ido, may facial hair na siya tapos medyo humaba na iyong buhok niya. "Namatay ka, ang lungkot – lungkot ko. Hindi ako makakain kasi ang lungkot – lungkot ko."

Wala akong pakialam kung marinig kami ng kapitbahay basta iiyak ako. Nang makahuma ay sinuntok ko ulit siya pero sa braso naman. He cupped my face.

"I needed to do this, Annie. I'm so sorry. Akala ko kasi saglit lang, akala ko makakabalik agada ko, but Saide just won't budge,"

Natigilan ako at napatitig sa kanya.

"Ano?"

"Remember all the bad things that happened to you back then? The blood, the dead bird, iyong flat na gulong, iyong mga nangyayari sa'yo sa school mo, it was all her. General Domiguez was trying to scare you to leave me."

I wiped my tears. "Luh? Tinatakot pala ako, hindi naman kasi halata." I said. Adi laughed. Oh it was so good to hear him laugh like that again. Yumakap lang ako sa kanya nang sobrang higpit.

"H'wag mo nang uulitin ha. H'wag mo na akong iiwanan..."

xxxx

Adriano Kaligayahan's

"Hatinggabi na, Adi, ano bang emergency mo?"

Tinulak ko ang pinto ni Toni para makapasok ako sa bahay niya. Hindi ako mapakali. Gusto kong malaman kung ano ang nasa loob ng sd card sa singsing ni Daddy. Kabang – kaba ako. Umalis ako sa bahay nang hindi alam ni Mommy o ng mga kapatid ko. Hindi ko sasabihin kahit kanino ang tungkol rito maliban kay Andres at kay Toni. Tinawagan ko si Andres at sinabi kong puntahan kami sa bahay na ito. He's on his way.

Pumasok na rin si Toni. Hihikab – hikab pa siya.

"What the fuck is wrong?" Kinuha ko ang palad niya at nilagay roon ang sd card galing sa singsing ni Daddy. "Pre, ano ito, porn?"

"Hindi ko alam. Sinubukan kong buksan kanina pero maraming codes." Pagkasabi ko ng codes ay parang nagising na ang kaibigan ko, bigla siyang napangisi, wala nang naganap na usapan, agad kaming umakyat papunta sa work room niya. Sinalubong agada ko ng dilim, maliit na liwanag lang ang nasa silid na iyon, galing pa sa monitor ng pc ni Toni. Inilagay niya sa reader ang sd card, nag-ring ang phone ko, si Andres iyon at nagsabi siyang na-traffic lang raw siya.

"Sabihin mo, pre, mamili ng beer."

"Narinig mo ba? Mamili ka raw ng beer." Wika ko. Naupo na ako sa tabi ni Toni. May mga codes na kailangan ilagay, hindi ko maintindihan iyon kaya dinala ko sa kanya. Gumagalaw – galaw ang mga kamay niya sa keyboard. Nakangisi ang loko habang bumubulong ng basic lang raw ito. Basic na basic lang raw iyon.

Hindi naman nagtagal ay lumabas sa monitor ang isang window na nagsasabing ACCESS GRANTED. Hindi naglipat ang minuto ay may mga files na lumabas roon, marami. Hindi ko maintindihan ang mga pangalang naroon.

Mayan project.

Lumaban project.

Navarro project.

Sa dami ng mga apelyido roon ay isa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Apelyido Project. Tinuro ko iyon kay Toni, ni-click naman niya, napasinghap siya nang makita namin ang mga larawan ni Anne na pasakay sa kotse, pababa, may larawan pa siyang naka-uniporme pa, kuha siguro iyon noong nakaraang taon. Nag-scroll down si Toni, ang daming larawan ni Annie, may picture in noong natapunan siya ng dugo sa loob ng restroom. Ang dami.

"They were stalking her." Wika ko. Naalala ko ang mga pagkakataong nababanggit ni Anne sa akin na pakiramdam niya may sumusunod sa kanya but she was always shrugging it off because she said that she can take care of herself, wala namang duda roon. Kayang – kaya ni Anne ang sarili niya, pero ngayon, hindi pwedeng mag-isa siya. We maybe dealing with dangerous people, baka lalo lang niyang ikapahamak kung hahayaan ko siyang mag-isa.

Sa bandang ibaba ng folder na iyon ay may nakita kaming recording. Ako na mismo ang nag-navigate ng mouse para ma-click iyon. Tahimik na tahimik kami ni Toni, naghihintay kami ng kung anuman ang nagbabadyang malalaman namin roon, pero nanginig ako nang marinig ko ang boses ni Daddy.

"Transaksyon? Anong transakyon, Axel?"

"Axel? Iyong tatay ni Anne?" Nilingon ako ni Jestoni. I shhhed him.

"Marami iyan, Maximo. Pinagtuunan talaga ng pansin namin ni Ido iyan, maliban sa naiinip na kami kasi retired na at sobrang gwapo ng kaibigan ko, eh ayoko kasing mapahamak iyong jowa ng anak ko. Malapit sa kanya iyong anak ni Dominguez baka bumulagta iyang anak mo."

"Hindi ko inaasahan ito, Axel. Ang buong akala ko..."

"Ikaw nang bahala diyan – alam mo---" Naputol ang pag-uusap nila nang may mga putok ng baril na umalingawngaw sa paligid.

"Kaligayahan! Pre! Ido!"

Doon nawala ang pag-uusap nila.

Binalikan ko ang mga files. May mga papeles roon, mga transakyon na overpriced, mga drogang nakukumpiska pero ibinabalik pal ani General Dominguez sa mga sindikatong kakampi niya.

May larawan roon si General, kasama si Saide sa loob ng isang casino. Kilala ko ang kausap niya, isa iyon sa pinaka-notorious na Drug Lord na tinutugis ng batas. Mukhang masaya silang magkakasama. Hindi ako makapaniwala, ang buong akala ko...

"Tang ina." Sabi ni Toni. "Tama si Papa." I looked at him. "Matagal niya nang sinasabi sa akin na dapat mag-ingat ako kay General Dominguez. Kaya pala. Anong gagawin natin ngayon?"

Magulong – magulo ang isipan ko. Si Anne lang ang tanging malinaw na laman noon. Iniwanan ko si Toni, he's smart enough to know what to do with the SD Card. Sumakay ako sa motor ko at nagtungo sa City Jail. Alam kong disoras nang gabi pero kailangan kong marinig mula sa kanya iyon.

Nagulat ang mga on – duty na pulis sa City Jail nang makita ako. I demanded to see him. Ayaw pa nila noong una. Alam ko naman kung bakit. Mr. Apelyido is receiving special treatment, wala naman akong pakialam roon, gusto ko lang talaga siyang makausap.

Pinasunod nila ako. Sa infirmary ng City Jail kami nagpunta. May liwanag pa sa loob. Pumasok ako. Gising pa si Mr. Apelyido pero hindi siya nag-iisa – lima sila roon. Naroon ang mga Uncles ni Annie. Nakaupo sila sa kanya – kanyang mga infirmary bed.

"Oh putang ina! Anong ginagawa mo ditong kupal ka?!" Tumayo agad iyong Uncle Ido ni Annie. Iyong Uncle Jude niya ay nakasimangot na tumingin sa akin, iyong Uncle KD, naglabas ng pistol, kinasa iyon saka tumabi kay Mr. Apelyido, iyong Uncle Simoun kung tawagin ni Annie ay nakatingin lang sa akin, wala siyang ginagawa pero iyong mga tingin niyang iyon nakakapang-liit.

"Tahimik, Ido." Nagsalita si Mr. Apelyido. "Bata, anong ginagawa mo rito?" Nakangisi siya. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Ay, parang iiyak." Sabi noong Uncle KD ni Annie. "Iiyak ka ba? Haruuu! Iiyak na iyan!" Noong una iyong si Uncle KD lang ang gumaganoon, mayamaya ay sumali na rin si Ido. Dalawa na silang nagcha-chant ng: Iiyak na iyan! Iiyak na iyan!"

"Mr. Apelyido."

"Tang ina, bata, inaresto mo lang ako, nabobo ka na. Senyor Axel nga! Senyor Axel!" Napakamot ako nang ulo.

"Senyor po."

"Ayan... Very good. Ano bang ginagawa mo rito? Hatinggabi na. Nakakaistorbo ka sa bonding namin ng mga super friends ko."

"Iiyak na... ayyyyyeeee" Wika ni Uncle KD.

"Ang ingay mo, Kidong!" Sumigaw iyong Simoun. Natahimik silang dalawa noong Ido. Tumayo siya at lumapit sa akin. "Hindi mo alam kung gaano ako galit sa'yo."

"Kagalit – galit nga po akong ginawa ko." Sabi ko na lang.

"Pero naiintindihan kita." Nagulat ako sa sinabi niya. Napatingin ako kay Simoun. "If I were in your shoes, I'd do the same thing."

"Simoun, you did the same thing." Sabi ni Axel John. Napatingin ako. Hindi ko sila naiintindihan. "Ang kaibahan lang, hanggang ngayon tinutulungan mo iyong pamilya noong driver, tama ba?"

"Ano bang kailangan mo sa kapatid ko?" Tanong muli ni Simoun. I cleared my throat.

"Senyor..." Sabi ko. "Hindi ko ho alam kung mapapatawad ako ni Annie o ikaw man..."

"Lahat kami." Wika ni KD.

"Ay wow, tatay ka ni Anne?"

"Pamangkin ko pa rin iyon!"

"Hindi ko po alam kung mapapatawad ninyo ako, pero narito ako para humingi ng kapatawaran sa ginagawa ko. Sa ginawa ko, naging hindi ako deserving para sa pagmamahal ni Anne. Hindi ko po iyon sinasadya... it's just that..." I cried – I really did. Napapasigok – sigok pa ako. Ang tagal kong pinipigilan ang mga luhang ito.

"Tado ka, KD! Pinaiyak mo ang baby!"

"Tarantado!" Singhal noong Jude. "Para kayong mga bata!"

"Ay wow, kamusta naman noong nilalaklak mo iyong suka, Jude?! Mature bai yon?! Chemo raw pero vitamin c ang nasa swero! Wow! Mature!"

"Manahimik nga sabi kayo!" Sumigaw na naman iyong Simoun. I wiped my tears but I couldn't control myself anymore. Lumapit ako kay Mr. Apelyido. Nakaupo siya sa bed, ako naman ay lumuhod sa harapa niya. Humawak ako sa paa niya at idinantay roon ang noo ko.

"Patawarin ninyo po ako, Senyor Axel. Mahal na mahal ko si Anne. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag tuluyan siyang nawala sa akin." Humihikbi ako. Tuloy – tuloy lang ang pagpatak ng mga luha ko. "Galit siya sa akin, naiintindihan ko siya, gusto ko lang ng hustisya para sa tatay ko, gusto ko lang noon, hindi na ako makapag-isip, wala na akong Daddy, nawalan rin ang mga kapatid ko, hindi ko na alam. I'm so sorry..."

"Bata, tumayo ka diyan." Sabi ni Senyor Axel sa akin. "Tayo." Naramdaman kong inalalayan ako ng kung sino. Pinatayo ako. "Wipe your tears." He said. "Ano bang plano mo?"

"Iiyak, aruy!"

"Sasapakin na kita, King David." Sabi noong Jude.

"Anong plano mo?" He asked again. I shook my head. I have no concrete plan yet, but I know I will have to come up with one soon. "Kung wala pa, pwede ka naman naming tulungan."

"Bakit natin gagawin iyon?! Pinakulong ka niya?!" Sigaw ni Ido.

"Tang ina, Ido, kung ikaw natiis mong magngakngak si Aswell ng ilang tao bago makasama si Japet, ako hindi. Ayaw na ayaw kong umiiyak ang mga anak ko, lalo na si Anne. Baby ko iyon. Walang ibang makakapagsabi kung ano si Kaligayan para kay Anne kundi si Anne lang. Let her be the judge if this boy is worth of her love. Tatay lang ako, hindi ako ang magpapakasal rito. Tutulungan ko siya kasi gusto kong matapos na ito."

"Isa pa..." Wika ni Simoun. "Naging kaibigan mo yata iyong tatay niya."

"Oo. Saka iyong partner noon, SP. Si Jestoni."

"Putang ina ka, Axel!" Sumigaw bigla si Simoun. "Putang ina mo ha! Papabugbog kita sa mga tao rito! Gago!"

"Sorry na." Binalingan muli ako ni Senyor Axel. "Anong plano mo?"

"Ako na pong bahala roon." Sabi ko.

"Tutulungan ka naman namin. Pauwi na iyong Avery ko galing sa sapilitang bakasyon niya, she can help you with things." I shook my head.

"Kailangan ko pong gawin ito nang ako lang. Sana kahit paano mapatunayan ko iyong sarili ko. Maraming salamat po. Pasensya na ulit. Sisiguruhin kong makakalaya kayo." I sighed. "Iyong abogado namin, maaaring kasabwat siya ni General Dominguez, pero sa nakikita ko naman po, magaling ang abogado ninyo, ang problema iyong judge."

"Ako nang bahala roon." Sabi ni Senyor. "Last call, bata, tutulungan ka namin." Muli akong tumaggi. Nagpaalam na akong aalis. They all nodded at me. Bumalik ako sa bahay ni Toni. Doon, bumuo kami ng plano.

Si Jose Andres ang araw – araw bumubuntot kay General Dominguez, si Toni ay naglagay ng voice device sa opisina nito, sa bahay at sa kotse. Ako, araw – araw kong binabantayan si Annie, ayos na sa aking nasa malayo ako, ayos na sa aking nakikita ko siya at maayos siya. Ayos sa aking nakakauwi siya nang ligtas sa araw – araw.

Pero isang gabi, nahuli ko ang sumusunod sa kanya. Binugbog ko, saka ko dinala sa HQ namin nila Toni. Pagdating ko pa lang roon ay sinalubong na ako ni Toni ng balita.

"Sa Miyerkules, Adi, ipapapatay ni General Dominguez si Axel John Apelyido." Pinarinig niya sa akin ang recording na kinumpirma naman noon tauhang nahuli ko.

"Sa Miyerkules, our plan will be in motion. Andres, pagkatapos nito, h'wag mong titigilan si Saide. Sundan mo siya araw – araw. Toni, make sure you knoe Annie's every move and location after this."

"Sigurado ka na ba rito?"

"Oo. Naibigay ko na rin kay Chief Reyes ang resignation letter ko. This will be my two-week notice."

xxxx

"Good morning, Annie!"

Napangiti ako nang batiin ni Toni si Anne. Papasok kami sa HQ na ginawa namin para lang sa trabahong ito. Namumugto pa ang mga mata niya kasi ang tagal – tagal niyang tumigil sa kakaiyak. Mabuti noong nakapagpaliwanag na ako, tumigil na siya sa pag-iyak.

"Hello, mababang nilalang." Natawa kami ni Andres noong nagsalita si Anne. Napakamot naman ng ulo si Jestoni.

"Ang grabe ninyo sa aking magkapatid. Paano ko mapapapayag sa date, Si Avery?"

"Ewan. Bahala ka sa buhay mo, putang ina ka, alam mong buhay iyong jowa ko, hindi ka man lang nagsabi. Tang ina mo, may paiyak – iyak ka pa sa burol saka sa cremation, tang ina ka, tapos kagabi sa inuman natin, may papahid – pahid ka pa ng luhang kupal ka, gago, nakakabwisit ka! Hindi kita bati! Sana mabilaukan ka sa laway mo!"

"Huy!" Inakbayan ko siya. Nagsumiksik si Anne sa akin. I am just so happy she's here now. Si Ayen, pinauwi ko siya kagabi, iyak rin siya nang iyak. Ibinilin ko sa kanyang h'wag munang sabihin kay Mommy at Ayee. Si Ate Alona, alam niyang buhay ako. I needed to tell her to stage everything mula sa burol hanggang sa paglibing kuno sa akin.

"Nasaan si Tomas? Gising na ba?" Tanong ko kay Andres. Tinuro niya sa akin ang silid sa may gilid. Hawak ko ang kamay ni Anne ay nagpunta kaming dalawa roon. Gising si Tomas. May tatlong tama siya ng baril, sa kanang balikat, sa tagiliran at sa may tyan niya. Tinawagan ni Toni ang kapatid niyang Vet kagabi, siya ang gumamot kay Tomas.

Magaan ang pakiramdam ko ngayon, alam kong malapit na itong matapos.

"Ikaw na putang ina ka." Iyon agad ang bungad ni Annie kay Tomas. Pigil na pigil ang tawa ko. Lahat yata ng masasalubong namin, mumurahin niya, nagagalit pa raw kasi siya.

"Magsasalita ka na ba Tomas?" Tanong ko. Umupo si Annie sa monobloc chair sa gilid ng kama ni Tomas. He just sat in the bed, looking at me.

"Nasaan si Saide?"

"Pinauwi namin siya sa ngayon." Wika ko. "Kasama iyon sa plano. Ayaw naming magtaka si General."

"Pero nakita ka niya Adi."

"Nawalan siya nang malay bago niya maintindihang ako ang kaharap niya. Magsasalita ka na ba? Nakahanda na ang mga ebidensya para sa tatay mo, kailangan na lang ng witness para masigurong makukulong siya at hindi na makalalabas."

He just sighed. Tiningnan niya si Annie at saka ngumiti.

"Pasensya ka na. Noong araw na iyon, dapat pati iyong Papa mo, babarilin pero mabilis silang nakatunog. Hindi inasahan na may kasama pala siya." Hindi kumibo si Anne. "Hindi ako iyong gunman ng tatay mo, Adi. My father wanted him gone because he figured out the irregularities in my dad's division. I guess he sought for help and that's when your father came in the picture, Anne."

"Miss Apelyido iyon para sa'yo, Bwisit ka."

"Nalaman ko iyong plano ni Dad. Agad akong nagpunta roon. Huli na ako kasi pagdating ko, nabaril na si General Kaligayahan. Binaril ko iyong shooter pero nakatakas siya, hinabol ko naman pero natamaan ako ng bala, hindi ko alam kung sinong bumaril noon. Hindi ko na naabutan ang gunman, I confronted my father, nagalit siya. He said that he was doing it for Saide." Nalungkot ang boses ni Tomas. "Saide is sick, Adi. Gusto ko lang alagaan ang kapatid ko. Alam kong gusto lang rin ibigay ni Daddy sa kanya lahat ng gusto niya pero, hindi iyon tama. She wanted Adi..."

"Hindi ko gustong saktan ang kapatid mo, Tomas."

"Alam ko iyon. Kaya nga ginagawa ko lahat para mailayo siya sa'yo. But dad thinks otherwise. He wanted to give her everything. Nakita niya ang pagkakataong ito para ibigay pa rin kay Saide ang lahat. Pain ang dashcam video na iyon, although totoong kuha iyon mula sa kotse ng Dad mo. He made sure Toni will discover it, alam niyang unang – unang sasabihin ni Ambrosio sa'yo ang lahat. Kinausap niya ang Ninong mong judge, he knew that you'll come to him, pero alam ni Dad na hindi basta gagawa si Judge Umberto ng warrant of arrest dahil hindi sapat ang ebidensyang iyon, but Dad bribed him – he controlled everything. Kung hindi mo aarestuhin si Mr. Apelyido noon, nakahanda ang tao niya para gawin iyon."

Nakikinig lang ako. Nakita ko si Anne na nakakuyom na ang mga palad.

"He made sure about everything." He looked at Anne. "Sorry, Miss Apelyido. Si Saide rin ang sumagasa sa girlfriend mo."

"Alam ko." Wika ko. "Inayos ni Andres ang lahat. Nakalap na ni Toni lahat ng ebidensya laban sa kanya at sa Daddy mo. Ikaw na lang ang hinihintay namin. Are you with us on this, Tomas?"

Hindi siya sumasagot. Napabuntong – hininga lang ako. Hindi ako pwedeng lumabas hangga't hindi siya nagsasalita. Mapapahamak ang buong pamilya ko, inaalala ko si Mommy at ang mga kapatid ko, si Anne pati na rin ang pamilya niya, pati na rin sina Toni at Andres.

"Pag-isipan mo, Pre." Kinuha ko ang kamay ni Anne. Lumabas kami roon. "Iuuwi ko muna si Anne. Babalik ako mamaya." I am staying at Toni's house. Ginamit namin ang kotse ni Anne, ako ang nagmaneho. She was sighing. Hinawakan ko ang kamay niya para hagkan iyon.

"Nalulungkot naman ako para kay Tomas, akala ko masama siya, Tomas ang friends pala siya." Hindi ko napigil ang pagngiti matapos kong marinig ang sinabi niya. Hindi nagtagal ay nag-park kami ng sasakyan sa harap ng bahay nila. Anne was just looking at me. Napapalatak ako nang makitang umiiyak na naman siya.

"H'wag ka nang umiyak. Nandito na ako eh." I wiped her tears again and again. "Hindi na ako aalis. Malapit nang maayos ito, Anne. Okay?"

She nodded. "Bili moa ko ulit ng Big bite saka slurpee ha." Napangiti ako. I pulled her to me and kissed her forehead.

"I love you, Mahal. Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Miss na miss na kita."

"Kung miss mo ako bakit hindi tayo nag-sex kanina?" She innocently asked me. Napakamot ako ng ulo.

"Annie naman..."

"Okay na. Sige. Lika, my family knows how to keep a secret." Bumaba kaming dalawa ng kotse niya. Sinuot ko iyong cap ko at saka naglakad nang hawak pa rin ang kamay ni Annie. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako habang papasok kami pero kinakabahan talaga ako.

"I'm home!" Sumigaw si Anne.

"Anak, saan ka galing, bakit hindi ka umuwi kagabi?" Narinig ko si Senyor Axel. Hindi ko alam kung nasaan siya, bigla na lang siyang lumabas mula sa may living area, kasunod niya ang apat niyang kaibigan. "Oh, may bago ka nang jowa? Naka-move on ka na kay Adriano?"

"Tang ina, Anne! Hindi dapat pinapalitan ang mga gwapong tulad ni Adriano! He saved my life!" Sabi noong Uncle Ido niya. Hindi ko alam kung matatawa ako. "He deserves at least loyalty, Annie! Hoy, tang ina mo, lumayas ka rito, hindi ka namin kailangan! May boyfriend na si Anne!"

"Uncle kamo ang ingay mo." Sabi ni Annie. Inalis niya ang sombrero ko. Nag-wave ako sa kanila.

"Kamusta po."

"PUTANG INA BUHAY KA!" Sigaw noong Uncle Ido ni Anne. Sukat ba namang tinabig niya si Anne para yakapin ako at buhatin. Nag-aalala pa ako kasi baka rayumahin siya. "BUHAY KANG PUTANG INA KA! NAKAKATUWA! TANG INA BIBIGYAN KITA NG GINTONG GAGO KA! SALAMAT AT NILIGTAS MO ANG BUHAY KONG PUTANG INA KA!"

"Teka lang po, hindi ako makahinga." I said. Tawa nang tawa si Annie. Buti binaba na ako noong Uncle Ido niya. Nagulat ako nang yakapin ako ni Senyor Axel sabay bulong na:

"Buti buhay ka, hindi na iiyak ito. Inis na inis akong namatay ka, muntik na kitang patayin ulit. Welcome back, Bata."

"Salamat po." 

Continue Reading

You'll Also Like

6.3M 171K 51
(Game Series # 8) Adriadna Deanne Manjarrez, NBSB, promised herself na kapag pumasok na siya sa law school ay magkakaroon na siya ng boyfriend. Sabi...
Treacherous By Cher

General Fiction

2.8M 99.3K 25
Andromeda Consunji is living her life to the fullest. She wants to be happy, she wants to be carefree and she just wants to fuck. Her life is perfect...
92.8K 1.7K 10
Mahalaga kay Anise ang Liberty Hotel account na malaki ang maitutulong sa career niya bilang architect. What she did not expect was that once she got...
53.3K 2.6K 34
Nagmula sa mahirap na pamilya si Gabrielle kaya't matapos makapag aral agad syang nangibang bansa ng mabigyan ng pagkakataon. Doon nya nakilala si An...