抖阴社区

SWP Chapter 1

23 1 0
                                    

SWP Chapter 1

ALEIRA KEIL's Point of View

Sarap ng tulog ko eh. Ba't pa kailangan pa talagang sigawan at disturbuhin ang tulog ko. Letse! Buti na lang di nasira ang eardrum ko kundi baka binge na 'tong kabilang tenga ko.

(ò_óˇ)

"Di mo kailangang sumigaw, Eya," pagalit kung sabi sa kanya.

"Aba aba, Miss! May usapan tayo ngayong araw na 'to."

Iniralan ko ang hangin dahil sa inis ko kay Eya. Wala ngang kinalaman ang hangin sa inis ko pero ayan tuloy nadamay ko pa. Inosente pa naman yan.

"Alam ko. Di ko nakalimutan. Sunduin nyo na lang ako dito sa apartment."

Pumasok ako sa banyo at nagsipilyo, hawak ko pa rin ang cellphone ko sa kaliwang kamay ko, ang kanang kamay ko naman ay ginamit ko sa paghawak sa sipilyo.

"Ikaw pumunta dito sa bahay, 'day. Demanding mo!," sigaw na naman nya.

Nakakaasar din minsan ang isang 'to. Sila pa nga magyaya. Sila pa itong galit. Aba! Pasalamat sila at pumayag pa ko sa pag-shopping nila ni Yanth sa mall.

Eya Samarah Rodriguez, ang kaibigan kong mahinhin pero pagsumigaw talunin pa ba ang prinsesa ng sigawan dahil mas malakas pa ang boses n'yan..

At huli, si Bryanth Peterson (lalaking lalaki ang pangalan. Fil-Am pa), isang dating young male model na may pusong babae. Dating artista din 'yan nung bata pa sya. Kaso, nagquit sa showbiz.

Niluwa ko yung bula sa bibig ko.

"Kung ganyanan lang din naman. Eh di sana, di nyo na lang ako niyaya. Mas gustuhin ko pang magbasa ng libro dito sa bahay mag-isa. Mas mag-enjoy pa ko kaysa namang mag shopping. Mapapagod ako at di ko pa magastos ang pera ko," sagot ko sa kanya pabalik.

Pinakinggan ko lang ang sagot niya habang nagmugmog ng tubig.

"Gth, Alei."

Niluwa ko na ang tubig. Binigyan ko siya ng sarkastikong tawa. "Hahahahahaha. Bigyan kita ng piso. Salamat, Ey. Go to heaven? Wow."

Natatawa ako dahil alam kung asar na asar na ang babaeng 'to. Naimagine ko pa lang ang mukha niyang sobrang pula sa galit. Ah no! Crop that. Palitan ko ng dragon ang mukha niya. Shocks. Ang pangit.

≧∇≦

"Ano ang tinawa-tawa mo dyan?," inis niyang tanong. May narinig pa kong nabasag sa linya.

Asar na talaga siya.

"Well, because I'm an honest lady. Kaya sasabihin ko na." Tumikhim ako. "In-imagine ko ang mukha mo. Bale pinalitan ko ng mukha ng dragon pero ang katawan ay katawan mo kasi ikaw 'yon. Mukha mo lang talaga ang pinalitan," pang-aasar ko at tumawa.

"Bwisit ka. Maghintay ka lang dyan-"

"Oh ayan! Nasabi mo rin. Hehe. Sunduin nyo naman pala ako, eh. Nag-iinarte ka pa." Ngumisi ako. "Wala na iyang bawian. Hahahahaha."

Tangeks din ang babaeng 'yon. Ayan tuloy. *evil laugh*

"ALEIRA KEIL RA-" Di natuloy ang pagsigaw niyang sambit sa pangalan ko dahil binabaan ko na siya ng linya.

Tinapos ko na lang ang gawain ko. Naligo, nagbihis at saka kumain ng agahan na inihanda ni Kuya.

Nagtrabaho na si Kuya ngayon dahil sa malamang, nagtrabaho siya para may makain kami sa araw-araw. Inilock ko na lang ang pinto at gate ng bahay.

"Keil, ganda natin ah." Sumipol pa sya. Siya si Jorald. Kapitbahay naming tambay at nanligaw kuno sakin. Sinamaan ko siya ng tingin dahil nasira ang araw ko sa ikalawang pagkakataon. Una, yung paggising ni Eya sakin. Pangalawa, nakita ko ang pangit na mukha ng lalaking tambay na'to. Na akala mo nama'y gwapo.

Stealing with PermissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon