SWP Chapter 11
ALEIRA KEIL's Point of View
Nahulog ang panga ko sa presyo ng restaurant nina Yanth. First time kung mapadpad dito sa restaurant nila. Akalain mong dapat pala mga mayayaman lang ang makapasok sa ganitong klase ng lugar. Maganda ang ambiance ng lugar lalo na ang pang royalty ang peg at uniform ng mga waitress.
"Sigurado ka bang pagkain pa 'to?," di ko mapagilang magtanong. Nanlaki ang mga mata ko dahil di din ako makapaniwala. Muntik ng mawalan ng hininga. Sa presyo ng pagkain na 10, 950. Halos limang sako ng bigas ang mabili. Pero sa isang pagkain? What the!?
"Nag-iba na din pala ang tingin mo sa ganitong klaseng restaurant, Aleira?," tanong ni Eya.
"Oo, di ako makapani-paniwala. Matagal din kaya ako di nakatungtong ng ganitong klaseng lugar. Nasanay na'ko sa pagiging mahirap," buong loob kong sagot sa kanila.
Pinagmamalaki ko kaya ang pagiging mahirap. Mas mabuti pa ang buhay na 'to kaysa pagiging mayaman.
"Wala akong pera pambayad uy," bulong ko agad sa kanila. 100 lang kaya baon ko ngayon. 2 days na sa'kin yan. May baon ako araw araw kaya ang baon kong pera ay pamasahe ko minsan pero paghinatid ako ni kuya o susunduin, iipunin ko. Para worth it at may ipagmalaki kami sa pamilya namin sa pagiging independent. Hindi yong umaasa sa pera ng magulang.
Bumalik din kami sa upuan.
"Libre 'to," Yanth says na ikinatuwa namin ni Eya. Inakap namin sila saka hinalikan sa pisnge niya. Ako sa kaliwa, si Eya sa kanan. "Kadiri kayo." Ngumiwi pa ang mukha.
"We love you, too," sabay naming sagot ni Eya.
Umorder kami at agad din namang nabigay sa'min.
"Bring home kami." Napatingin silang dalawa sa sinabi ko. "If pwede?" Nagpeace sign ako.
"Babalik pa tayo sa klase," seryosong tugon ni Yanth. "Mangamoy pa yang bag mo o di kaya mapanis."
Nilabas ko ang tissue ko saka hinaplos sa labi ko at binato kay Yanth. "Sa Tupperware mo ilagay."
"Talagang ako pa ang maglagay?"
"Ano ba sa tingin mo. Ako? Baka ubusin ko pa yang nasa kusina."
"Patay gutom ka, Aleira," ngiwing sabat ni Eya. Sinipa niya ako sa ilalim ng mesa.
"Aba't—"
"Tsk! Bayarin mo," Yanth demand. Di na'ko nagpupumilit pa. Sumikip ang dibdib ko, nasaktan kasi ako sa ganun. Di nako umimik pa baka ma-offend ko pa sila. Sino nga ba naman ako? Kaibigan lang nila! Sobrang demanding at dini take advantage ko na ata ang pagkakaibigan namin.
"Tara na!," malumanay kong sabi sa kanila. Tiningnan nila ako ng matagal pero ngumiti na lang ako...... NG PILIT.
"Di ka na mag-bring home?," Yanth asked. Umiling na lang ako. Hinintay ko muna silang nag-ayos ng gamit. Ayaw kong magwalk out dahil baka mahalata nila ang naramdaman ko. Kilalang kilala pa naman nila ako.
Ganito kasi ako minsan, pagnasobrahan ako ng demand ay nakokonsensya ako at napaisip sa kinalalagyan ko ngayon. Di na ako katulad ng dati.
Umalis na din kami matapos ang kunting kwentuhan namin— I mean sila lang, nakikinig lang ako kanina kung tatanungin ako kunting tango, iling at ikling sagot lang. Minsan naisip ko kanina yung nangyari parang nakakainsulto din pala 'yon pero balewala na nga lang.

BINABASA MO ANG
Stealing with Permission
Teen FictionWhat will you do if he steal something with your permission? Did actually even call it steal or borrow?