SWP CHAPTER 10
ALEIRA KEIL's Point of View
Kinabukasan, kailangan na namin gawin ang duty as a classroom officer. (Di kahapon. Obvious naman siguro)
"Diba di mo gusto ang posisyong sekretarya, iha?," tanong ni Aling Fereminda sa'kin. Kumawala ako ng mababaw na hininga at pinagpatuloy ang pagkain ko. Dahil nauna na si Kuya sa trabaho ay nakiusap siya kay Aling Minda na siya muna ang bahala sa'kin.
Kaya ko naman ang sarili ko pero kailangan pa talaga akong ihabilin sa iba. Paano ako maging independent?
"No choice, Aling Minda eh. Kasi ang eskwelahang 'yon, pag di mo tatanggapin ang posisyon ay paparusahan kang maglinis at mag community service sa school hanggang matapos ang school year," mahaba kong paliwanag kay Aling Minda.
"Hala! Ang istrekto naman 'ata nyang eskwelahang yan."
Sumang-ayon ako kay Aling Minda. Sobrang istrekto. "Wala ng 'ata, Aling Minda. Talagang istrekto ang eskwelahang 'yon," inis kong sagot. Narinig ko ang mahinang tawa ni Aling Minda mula sa likod dahil hinuhugasan niya ang mga plato habang ako ay nakaupo lang at pinanood si Aling Minda. Di na kasi ako makatulong dahil nakabihis na'ko ng uniform.
Nagmuni-muni muna ako sandali sa mesa. Kinuha ko ang pocketbook ko sa bag katabi ko. Saka nagbasa. Sunduin din ako nina Eya ngayon. Dahil sa nangyari kahapon at ayaw ko na yong mangyari pa.
Palakilos akong babae kaya anu-ano na lang ang posisyon ko habang nagbabasa. Wala na si Aling Minda dahil nagpaalam na siyang umalis. Napakagat ako sa aking labi dahil sa kilig.
'Humaygas! Is this real?'
Binasa ko ang HELL UNIVERSITY by Knightinblack. Sobrang nakakatense na story. Kinakabahan ako kahit chapter 1 pa lang ako. Few chap pa lang pero may patayan na.
"Kadiri," sabi ko sa sarili ko. Paano naman? Nasa part ako na ko kung saan may nakita silang lalaking patay na may pako sa dila.
Inabangan ko kung kailan pa lalabas si Ace Craige. Nasa part na'ko kung saan nagkita na sina Zein at Ace ng may bumisinang sasakyan mula sa labas.
Halos mapunit ko na ang pocket book dahil sa nabitin ako sa story.
'Argh! Kung sino mang Poncio Pilato ang nasa labas ay talagang ihahampas ko sa kanya ang dala kong bato sa loob ng bag ko'
Dinala ko ang bag ko at padabog na sinara ang pinto ng bahay at gate.
Nakita ko ang sasakyan nina Eya. Lumabas pa si Yanth mula sa kotse saka kinuha ang bag ko. Ganyan talaga si Yanth, baklang gentleman. Kaya kahit bakla siya ay paniguradong may mga babaeng magkakagusto sa kanya. Kung di ko lang siya kaibigan baka ma turn on pa ko sa pagiging gentleman niya pero like duh! Incest lang. Di kami magkadugo pero pag nagkatuluyan ang magkaibigan ay incest 'yan samin.
Kahit tainted ang kotse, alam kong nasa passenger seat nakaupo si Eya. Pumasok ako at umupo sa backseat. Kinuha ko muna ang pocket book kong Hell U. Nagtama ang paningin namin ni Eya mukhang kanina pa ako tinitigan mula sa rare mirror.
Tinaas ko ang dalawa kong kilay, isang gesture upang maitanong kong 'ano ang problema niya' Umiling lang siya at binalik ang tingin sa harap.
Nagbabasa na lang ako ng pocket book. Tapos na din akong magreview para sa quiz namin mamaya. Isang LONG QUIZ, kaya todo review.
Ng makarating sa school ay pinarada ni Yanth ang kotse sa parking lot at sabay kaming pumasok.

BINABASA MO ANG
Stealing with Permission
Teen FictionWhat will you do if he steal something with your permission? Did actually even call it steal or borrow?