抖阴社区

SWP Chapter 2

23 1 0
                                    

SWP Chapter 2

ALEIRA KEIL's Point of View

Nagpupumiglas ako sa hawak nila sa'kin. Paano ako makakatawag kina Eya kung ang cellphone ko ay kinuha ng lalaking abnormal na yun. 'Walang'ya!'

Pilit akong pinasok ng mga security sa kotse nila. "ANO BA? DI KO NGA NINAKAW 'YON. CELLPHONE KO 'YON, EH. PERA KO PANGGASTOS NUN!," ulit kong sigaw sa loob ng kotse pero hanggang sa presento ay di pa rin nila ako pinakinggan. Paulit-ulit ko lang yong sigaw sa loob.

"Salamat naman at nakarating na din." Nilanghap ng mukhang unggoy na security ng mall ang hangin sa labas. Nakalabas na kasi siya sa kotse. Lumabas na lang din ako keysa nama'y tumambay dito sa sobrang polluted ng hangin.

Pumasok kami sa presento at pinaupo ako. Ininterview pa nila ako.

"Pangalan mo?," tanong sa'kin ng isang matandang pulis.

"Aleira Keil Ramos," sagot ko naman sa kanya.

"Edad?"

"16 years of existence in this world."

Nagulat na lang ako ng kinuha ng isang pulis ang cup ko saka shades. 'Walang'ya'

"Samin muna to, Miss Ramos. Kailangan naming tawagan ang guardian o parents mo dito. Kung wala kang guardian ay kailangan kang dalhin sa DSWD. Menor de edad ka pa para makulong," pahayag ng mamang pulis ng ikinasakit ng ilong ko sa mesa dahil sinubsob ko ang mukha ko dun.

"Ba't mo ninakaw ang cellphone ni Mr Martin?,"

'Ouch! Sakit naman'

"Di ko talaga ninakaw ang cellphone niya," irita kong sagot sa kanila. "Cellphone ko yun, FYI. Sana chineck nyo yung phone kung sa kanya talaga yun. Saka maraming magkaparehong product ng cellphone at di nyo man lang kinilitasin? Ano ba naman kayong pulis."

Di ko na kaya ang pagtitimpi ko kaya nasabi ko 'yan.

"Miss, 'wag mo kaming insultuhin ng ganyan?," inis na sagot ng isang middle age police.

"Why? Am I telling the truth? Oh well, truth hurts nga naman. Di ko kayo ininsulto. I'm just telling the truth. That's what I have observed."

Tumahimik lang 'yong matandang pulis. 'Wow Majik'

"Number ng guardian mo," kalmadong sabi ng matandang pulis. Kaya tumango na lang ako.

"Okay. " Sinulat ko sa isang papel ang cellphone number ni kuya. Ngumuso na lang ako sa sobrang kaba dahil ayaw kong mapunta sa DSWD dahil baka iwanan pa ko nina mama na di na natagpuan ang maganda nilang prinsesa ng mga RAMOS.

Di nga ko nagkakamali at tinawagan nga nila ang number ni Kuya Jed habang ako'y tahimik na lang kaysa mag-ingay dahil di din naman sila maniniwala sa'kin. Ihanda ko na lang ang tenga ko sa sermon mamaya ni Kuya pero ang mas nakakaba ay baka malaman nina Mama at Papa ang balitang ang anak nila ay nagnakaw ng cellphone sa ez-emm mall, kahit di naman talaga totoo. Niyuko ko na lang ang ulo ko.

'Relax, Keil. Di man nila alam ang katotohanan pero may isang nakatingin sa'yo sa lahat ng oras. At siya lang ang may alam sa buong katotohanan sa pambibintang nila sa'yong wala talagang may alam'

Naiiyak nako dahil baka ma disappoint sila sa'kin pag nangyari 'to. Tama nga sina Eya at Yanth na inaresto nga ko. Di nga lang shoplift kundi pagnanakaw ng cellphone.

Mas lalong kumabog ang puso ko sa sigaw ni Kuya sa pangalan ko. Agad kong nilingon si Kuya at umagos na ang mga luha ko dahil di maipinta ang mukha ni Kuya.

"K-kuya," banggit ko kay kuya pero di niya ko pinansin.

"Mr Jedua Ramos?," tawag ng matandang pulis kay kuya.

Stealing with PermissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon