SWP Chapter 8
ALEIRA KEIL's Point of View
"Ang tagal naman ni Eya. Di man lang nagtext," reklamo na naman ni Yanth. Panay ang reklamo niya mula kanina dahil magdadalawang oras na ay di man lang nagtext at di din naman macontact kung tatawagan.
"Nagring ba kahit isa?," tanong ko. Umiling lang ulit siya at nagpapadyak sa reklamo. Medyo lumayo ako sa pwesto niya.
"Bakit andyan ka na?," nagtataka niyang tanong. Di ako sumagot. Pinagtinginan pa siya kanina ng mga tao kaya lumayo na'ko. Kahit baduy akong manamit as they've said. Mas okay na ang mapahiya ako ng dahil sa damit kong baduy kesa naman mapahiya sa reklamo ng baklang ito.
Nag-earphone na lang ako at nilakasan ang volume nun para di marinig ang reklamo ng bakla.
Ilang oras din kaming nakatayo ng may naalala ako......
"Bakla."
"Oh?"
"Sama ka?"
"Saan?"
"Kay Kuya." Ngumiwi ang mukha niya. "Why with that face?," I asked.
"Nothin'. Let's go 'ya. BWAHAHAHAHAHAHA!," with his witch laugh.
Ngumiti na lang ako. Naglakad lakad kami at tumigil kami sa Greenwich. "Bili lang ako."
"Okay, hintayin na lang kita dito," sabi niya habang nagse-cellphone.
Pumasok nga ako sa greenwich at nagtungo sa counter. Bumungad ang ngiti ng isang cashier.
"Good morning ma'am. What's your order?," bati at tanong nito sa'kin.
Umisip ako kung ano ang bibilhin ko and I found Kuya's favorite. "Good morning din,"bati ko pabalik at sinabi ang mga order ko.
Ngumiwi ang itsura ko sa presyo. 'Sobrang mahal naman 'tong paborito mo, Kuya. 'Yong akin nga adobong sitaw lang tapos ikaw halos dalawang ulam ang maaring maluto sa presyo ng isang pagkain'
'Paano ba 'yan. Ikaw nagdesisyong dalhan mo siya ng pagkain?'
Tama nga naman. "Take out, Miss." Sabi ko. Ngumiti ito at inabot ang inorder ko.
May tumapik -tapik sa balikat ko, di ko muna nilingon pero di pa rin talaga tumigil kaya nilingon ko na. Nagulat ako kung sino ang nakita kong tumapik sa balikat ko at natatawa.
"Miss Nikka," I called her out. She smile widely and hugged me instant.
"Hahahaha. Di ko akalaing makikita kita dito. I thought, it's not your stuff to go shopping in the mall," she said.
"Nah. Inaya lang po ako ng mga kaibigan ko, Miss."
Humanga ang mukha niya sa sagot ko. "Ohh. So, I can asked you to go shop with me?."
"Of course, Miss. Hehe." Tinampal ko siya ng mahina sa balikat.
"Then visit our house, you can?."
"It's up to you." Tumawa lang kami na animo'y joke ang pinag-uusapan namin. Lumingon-lingon siya pero ng makita ako umiling siya saka nagsalita ulit.
"Aleira," tawag niya sa pangalan ko.
"'Nu yon?"
"Saan ka pupunta right now? And please, drop that Miss. Change it with Ate Niks or Niks," she asked.

BINABASA MO ANG
Stealing with Permission
Teen FictionWhat will you do if he steal something with your permission? Did actually even call it steal or borrow?