抖阴社区

SWP Chapter 7

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkatapos ng movie ay siya may sumulpot sa pintuan ng kwarto.

"'Buti nakapunta ka, Bakla." Eya.

"Ako pa, Ey. Di ko 'to palalampasin, no. Gusto kong makita uli si Tita Fou. Sobrang miss ko na siya."

"Bahala ka nga. Dali na maglaro tayo ng Truth or Dare, using this," pakita ni Eya ng bote ng wine.

"Yow, Alei."

"Yow, Bryanth." Nagbrother hug kami. Wala lang trip lang namin. Haha!

Umupo siya. Sinimulan kong inikot ang bote at tinuro nito si.......

"EYA!!," sabay naming sabi ni Yanth.

"Truth or dare?," I questioned.

Natagalan kami ng ilang segundo bago sumagot. "Truth."

Si Yanth ang nagtanong. "Sino ang crush mo ngayon?."

Namula naman ang pisnge ng gaga. Excited kaming malaman ni Yanth dahil baka akalain mong sila rin ang magkatuluyan. Kinilig tuloy ako. Yieee!

"Si ano—. Taga-kabilang school. Sayang nasa Zeus High nga lang siya," kinilig niyang sagot. Binatukan ko siya. "Ouch. Ano ba naman 'yan, Aleira."

"Diretsahan tayo, Eya. Wala ng paligoy ligoy." Sabi ko.

Tahimik lang sa isang tabi si Yanth at nakikinig. Mukhang nag-eenjoy pa nga sa  away namin.

"Si Ruchent Martin. Isang gwapong taga-Zeus. Bago pa siya umuwi dito sa pinas mula  sa State. Yieee. Kambal siya ni Rude, 'yong nasa mall."

'What the?! Ba't ang liit ng mundo? Sa dinami dami ng taong maging crush ng babaeng 'to ay ang kambal pa ni Dinokey'

Napa-face palm kami ni Yanth. "Di namin tinanong kung saan siya nag-aaral o kung ano siya, 'day. Pangalan lang niya hiningi namin," sabi ni Yanth.

"Tama ka, Yanth. Gaga na nga pinalala pa," pagsang-ayon ko kay Yanth at dumiretsong humiga sa kama.

Pinikit ko na ang dalawa kong mga mata. Inaantok na talaga ako. Narinig ko pa ang reklamo ni Eya. "Aleira, ang daya mo talaga! Ako pa 'yong naturo, eh. Bumalik ka dito." Nagpanggap akong natutulog. Di na'ko umimik pa baka mabuko pa 'ko nito.

"Hoy, Aleira bumalik ka dito." No respond.

Maya't maya at naramdaman kong may nakadagan na sa kama. Pinitik pitik nito ang noo but still, no respond.

"Aish."

"Tama na 'yan, Eya. Matulog na tayo. Magbonding na lang tayo ulit tomorrow," kalmado ngunit seryosong pangaral sa kanya ni Yanth.

"P-pero—"

"Sige na."

"Marami pa naman sana akong plano para sa sleep over natin." Tumadyak tadyak ang puwet niya sa kama.

'Isip-bata as ever.'

Tumigil rin kakareklamo si Eya. Ilang sandali ay minulat ko ang dalawa kong mata. Pinagigitnaan ako nina Eya at Yanth. Napangiti na lang ako. Niyakap ako ni Eya at ang mga paa niya ay nakapatong sa paa ko tapos si Yanth, pormal na natulog at nasa dibdib ang mga palad nito na animo'y patay.

Ngayon lang uli kami nakapag sleep over. Pinagpatuloy ko na lang ang tulog ko.

EYA SAMARAH's Point of View


"Sabri, I told 'ya. Lagyan mo ng pagmamahal ang pagkaing inihanda mo sa kanya," sabi ko kay Sabri sa kabilang linya.

Napatitig ako sa poster ni Ruch. 'Oh my handsome, Ruchent. Magkasama din tayo! Kaya maghintay ka lang at magkrus din ang landas natin."

(♥u♥)~

Ang lalaking gusto kong makasama habang buhay.

"Hey, Eya. Are you listening?"

"Oww. Sorry, Sabri. May inisip lang ako." Mahinang tumawa si Sabri sa kabilang linya. Bawal kasi siyang mag-ingay dahil surpresahin niya ang aking pinsan. Nagluto siya at tinawagan ako dahil kung ano ang maaaring ilagay sa pagluluto.

"Sorry, Sabri," paumanhin ko. Nakakahiya.

"Nah, it's okay. I understand because of Ruch, huh? Hahahaha. Bye, Eya."

Natapos ang tawag ay pinuntahan ko sina Aleira at Bakla sa kwarto ko. And they are already for arrive.

"Ready, Girls? Humaygas! I'm excited." Tumili ang bakla. Face palm na naman si Aleira. Seryoso na lang siya palagi. Magspa kami ngayon dahil girls bonding.

Si Aleira na naman ang naiiba sa'min. As her usual outfit. Loose T-shirt, jeans and rubber shoes.

Pinagdrive kami ng drivee namin na magpahatid sa mall. Until here we are. "Thank you, Manong. Tawagan ka na lang namin. Ahkay?," I said.

"Okay, Ma'am." Sumaludo pa siya bago umalis. Pumasok kami sa mall. Napatigil ako sa isang lalaking pumasok sa isang chinese restaurant. 'Oh my! si Ruch'
Nagtaka sina Alei kung ba't ako napatigil.

"Why is it, Eya?," Yanth asked.

"A-ah. Mauna na kayo, mga bessy. May pupuntahan lang ako. I'll text you if ever na magtanong ako kung nasaan kayo. Okay lang ba 'yon?," paliwanag ko sa kanila. Muntik pa 'kong mautal. Mamaya ko na lang sa kanila ipaliwanag.

"Are you sure of that, Eya Samarah? Baka naman ay may gagawin kang kalokohan." Kumikilatis na naman si Aleira.

"Oo nga." Tipid akong ngumiti to assure them to agreed with me.

"Fine."

"Thanks, guys." I hugged them. "Promise,I'll be right back." I kissed them both on their check.

Pumasok ako sa pinasukan kanina. I saw him, eating. Nag-order din ako at sinadya kong umupo sa mesa na malapit sa kanya. May inilagay akong magazine para di makita ang mukha ko sa kanya.

"Oh yeah, Mat. No. I'm not...... Wala pa 'yan sa plano ko..... Gusto ko lang magkagirlfriend pag college na'ko....... You know, study first."

'Ayyy!' Pero maniniwala akong maging kami din. Sana talaga...

"Ako na lang," bulong ko.

Napatigil si Ruch at bumaling ng tingin sa pwesto ko. "Is there something wrong, Miss?," he asked.

'Tinanong n'ya ba ako? Oh my gash! Kinausap niya ko. Ang sexy ng boses niya.'

Dali-dali kong hinalukat ang cellphone ko at nilagay sa tainga ko para kunwaring may katawag.

Binaba ko ang magazine. At tiningnan siya. 'Oh he's handsome angelic face'

I wore my serious face. Bawal magpahalatang kinilig ako at may gusto sa kanya. "Noh, Mister," pagtataray ko sa kanya. "You're the one I asking that? Is there any problem with you?"

Push lang ang pagtataray. Pinagtitinginan kami ng mga tao sa restaurant.

Stealing with PermissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon