抖阴社区

SWP Chapter 11

Magsimula sa umpisa
                                    

Ligtas naman kaming nakabalik ng campus at dumiretso sa kanya-kanya naming classroom. Halos na late kami 'buti at sabay kami ng teacher namin ngayon. Di na malala ang ingay ng mga kaklase ko dahil sa R&R namin. Rules&Regulation.

Wala ako sa mood makinig kay Mr. Brent, isang gwapong guro ng eskwelahang ito. Sobrang nakakatamad! Pero heto para may matutunan at sobrang tamad ding mag-aral kaya pilitin na lang makinig.

Inikot-ikot ko ang ballpen o di kaya pinipisil pisil ko ito habang nakikinig. Di yong nakatutok talaga ang mga mata ko dahil baka mag-iba ang paningin ko. Napahikab pa talaga ako at wala sa oras na napataas ang dalawa kong kamay na parang nagstretch.

"Yes, Miss Ramos?," tanong ni Mr. Brent. Pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko.

"P-po?"

"Tinaas mo ang kamay mo, so tinanong kita."

"Ng ano po?"


"You're physically absent but mentally absent. Who is Hitler?"


Sa dinami-dami ng tanong yan pa? Abah! Tinanong niya sino si Hitler. Dahil pinag-aralan ko na'to sa history noon ay sinagot ko. Di lang full info.

"Si Hitler ang President ng Germany. Sobrang nakakatakot, at pinalakad ang Nazi noong kasagsagan ng World War 2. Dahil sa Treat of Versailles kaya sobrang halimaw niya. Bilang kaparusahan kasi sa Germany noong sa World War 1 kaya may treat of Versailles. Pinatigil ang mga paggawa ng sandatahan. Napahiya sila doon. Nilisan ang Legue of Nation Marami siyang ginawang gulo kaya nangyari ang World War 2 na iniiwasan ng mga myembro ng Legue of Nation. Sumanib sa Germany ang Japan at Austria. Nagpakamatay si Hitler dahil mas gugustuhin nya pa yon kesa makulong. Di ko na lahat pinaliwanag, Mr. Brent."  Napanganga lang si Mr. Brent. May mga mali mali pa kong pinagsasabi sa paliwanag ko. Oo, alam ko. Hayst!

Naalala ko tuloy si Rude at di ko mapigilang tingnan ang gawi niya. 'Tulog'

Takaw niya sa tulog. Mukhang nagpupuyat siya pero napansin kong palagi siyang tulog sa klase pero nakikinig lang pag nasa mood. Kung nagpupuyat man siya kaya siya palaging tulog, wala naman siyang panda eyes. Panda eyes kasi tawag ko sa eyebugs. Kadiri kasi ng eyeBUGS. May bugs pa. Di naman maihalintulad ang bugs sa isang eyebugs. Okay pa ang panda eyes kasi maihanlintulad talaga. Sobrang proud pa ko sa pagpaliwanag.

"You may take your sit."

Sinunod ko naman siya, masunurin kaya ako. Halos pare-pareho ang subject ng iba't ibang strand sa eskwelahang ito.

Dismissal na din pagkatapos. Nagpaalam na mauna na sina Yanth dahil may gagawin pa raw sila ni Eya, humingi ng tulong si Eya dahil sa project 'kuno' nila at si Yanth lang ang makakatulong sa kanila. Groupings kasi!


Dali-dali akong naglakad sa hallway nang may nabangga akong babae. Kaya ang mga makapal niyang mga libro at forms ay nakahandusay sa sahig.


"Sorry, miss," paumanhin ko at tinulungan siya sa gamit niya.

"Okay lang. Pasensya na din." Kinapa at kinuha niya din ang ibang gamit.

"Tulungan na kita," aya ko. Tutal wala naman ako masyadong dala dahil ang ibang gamit ko ay nasa locker at dinala lang ang mga importanteng gamit.

"Nakakahiya."

"I insist, Miss. Saan ba natin 'to dadalhin?"

Ngumiti siya bago sumagot. "Sa SSG Office."

Sinundan ko naman siya patungo sa SSG office. Sobrang ganda din pala pero di kalakihan. May mga mesa, nadaan mga mata ko sa pangalan 'SHEKAINA CHOI'



'Ang pangalan ng ex ni Kuya to, ah'

"Humaygas" di ko mapigilang bulong. Bulong lang ayokong mapahiya sa magandang babae na nasa tabi ko. Maganda siya, mukhang siya na ang 'girl crush' ko. Ayyy! Tomboy na ata ako.

"Bakit?" Tiningnan niya ko ng may pagtataka dahil sa reaksyon ko ngayon lang.

"A-ah, wala lang." Ayaw kong mapansin niya 'yon no. "Ilagay mo lang sa table na 'yon" sabay nguso sa table ni Shekaina.

Nilagay ko nga dun ang mga pinalagay niya. Binasa ko yong name na nakalagay sa table.

**Shekaina T. Choi**
**SSG President**

Humaygas! Di ko nabasa 'to kanina. SSG President pala siya dito.

"By the way," panimula niya kaya nilingon ko siya. Ngumiti siya sa'kin kaya ngumiti din ako pabalik. Di naman ako bastos saka mukha naman siyang friendly. "I'm Shekaina Choi. Aina for short. You know the SSG President," medyo nahihiya pa siya ng pakilala siya dahil siguro sa posisyon niya. Inabot niya ang right hand niya.

Medyo nagdalawang isip ako kung i mention ko ba ang apelyido ko. Baka ma-awkward siya sa'kin dahil pareho kami ng apelyido ni Kuya o di kaya maalala niya. Pero unfair naman ata kung di ko ipakilala ang apelyido ko at ang name ko lang, diba? Pero marami namang Ramos sa mundo kaya di naman siguro niya mahalata. Bahala na si Kuya Jed! (Paano ko ba siya nasali dito?)

"Aleira Keil—," medyo na awkward ako. "Ramos. Alei or Leira."

Ang ngiti kong galak ay napalitan ng awkward smile. "I bet yong Leira."

"Ikaw bahala. Mostly kasi sa mga kilala ko ay Alei lang dahil tomboy daw ako. Eh, di naman totoo. Sadyang ganito lang talaga ako manamit pero kilos babae kaya ako."

Tumawa naman siya ng mahina. "Bulag lang sila. You're beautiful actually."

"Thank you."

"You're a Ramos," she state. "May kilala ka bang—," di niya natuloy ang sasabihin niya sana dahil may tumunog na ringtone ng cellphone. Di naman 'yon sakin dahil ang ringtone ko ay ang 'whistle' ng blackpink. Yeah, kpop lover ako. Paki nyo ba? "Excuse me."

"Take your time, Aina. Saka aalis na din ako."

"Sige"

Tumango na lang ako at naglakad palabas ng campus. Di ko na lang pala napansin na dumaan pa 'ko sa parking lot. Naningkit ako sa taong nakita ko. 


"Hey," bati niya sabay ngiti.

May gana pa pala 'tong humarap sa'kin matapos ang mga nangyari. "Ano ang ginagawa mo dito?," Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Ayaw kong magmukhang pikon sa lalaking 'to.


"Sinundo ka. Inutusan ako ng Kuya mo."

"Ang kapal din ng apog mong gamitin si Kuya para mauto mo ko. Abah, mister. Di nako magtitiwala pa sayo." Dali dali akong naglakad pero sinundan niya pa rin ako. Tamang tama naman na may dumaan na jeep kaya sumakay ako at kumaway pa ng nakangiti ang lalaking 'yon.


'May saltik nga sa utak. Psycho'

Stealing with PermissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon