"You turn me on, Alei."
"Talaga?," painosente kong sabi. "Eh di magcold shower ka. Kasalanan ko ba 'yon."
Napanganga siyang tumingin sa akin papalayo.
Nakaka LAUGH TRIP ah. *take note the sarcasm*
"Keil, sali ka sa'ming dito," alok ni Marian. Isa siya sa kaibigan kong babae pero sayang di nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa hirap ng buhay, nagkasakit ang ina niya at naghanap buhay ang ama. Kaya ang trabaho niya ay dancer sa bar pero hindi siya nagpapahipo.
Keil ang tawag nila sa'kin dito. Kasi tomboy daw ako (kahit di totoo) kaya ayun. Sa una tumutol ako pero kalauna'y nasanay din.
"Saan naman?," kunot noo kong tanong sa kanya pero nakayuko siya at kinagat ang ibabang labi. Di pa rin ako nakumbinse. "S-Sige n-na. P-Promise sandali l-lang." Kinakabahan siya at napansik ko 'yon sa kanya tapos nakakuyom pa ang kamao nito. Di nga makatingin sa'kin ng diretso.
Binalingan ko ang apartment namin. Patay ang lahat ng ilaw maliban sa paiba-ibang kulay na parang papalit palit. Nanonood ata si Kuya ng TV.
"Ano nga muna 'yon?"
"B-Basta. Please sumama ka. Ako p-pa ang malilintikan." Pahina ng pahina ang boses niya.
"Pag di ako sumama malilintikan ka?" Bigla siyang tumango. "Bakit pula ang mukha mo?"
Namula-mula siya ng kunti. Di naman halata pero kung titigang mabuti, mahahalata talaga.
"B-basta."
"P-Puro ka basta, Marian. Pag di maganda ang pagdadalhan mo sa'kin, ilampaso talaga kita," pagbabanta ko sa kanya at lumiwanag ang mukha niya. Ngumiti ito na parang nagtagumpay. Inirapan ko na lang siya.
"Ihatid ko muna ang mga pinamili ko. Mapagalitan pa ko ni Kuya at magpaalam na din ako."
"S-sige. Hintayin na lang kita dito sa labas." Nagkibit balikat ako at tuluyang pumasok ng bahay. Di naman naka lock ang pinto. Nanonood si Kuya ng tv. Aliw na aliw dahil basketball ang pinapanood.
"'Andito ka na pala."
"Ayyy. Hindi, kuya. Multo 'tong nasa harapan mo. Patay na kasi ang katawan kaya minulto kita. Awoooo," pamilosopo. Tinapunan niya ko ng unan.
"Lei, 'wag ka ngang magbiro ng ganyan. Di nakakatuwa."
Ginaya ko siya. "'Lei, 'wag ka ngang magbiro ng ganyan. Di nakakatuwa.' Duh~. Kuya, di ako nagbibiro okay? Namimilosopo lang."
"Aba't! Pero pagbibiro pa din 'yon," he state.
"Noooo! Di 'yon pagbibirooooo, Kuya. Magkaibang magkaiba ang pamimilosopo sa nagbibiro. Tingnan mo pa sa dictionary."
"Tss! Cumlaude ang kuya mo, Lei. Nag-aaral din ako. Synonym sila. Final," napatayo siya at pinatay ang TV.
Eh, di siya na magaling. Minsan mahirap ang may Kuya na matalino kasi palagi siyang panalo
Sana talaga malalampasan ko ang talino ni Kuya para ako naman ang panalo at di na niya ako malalampaso.
Hayyy. Talino ko talaga plus Pogi pa.
"Matulog ka na nga." Humikab na si kuya.
"Nah, may pupuntahan kami ni Marian." Inilapag ko ang mga binili ko. "Ikaw na mag-ayos, Kuya. Bye." Di ko na sya pinagsalita pa dahil lumabas na ako ng apartment. Ngumiti si Marian sa'kin. Natagalan ata ako sa convo namin ni Kuya.

BINABASA MO ANG
Stealing with Permission
Teen FictionWhat will you do if he steal something with your permission? Did actually even call it steal or borrow?
SWP Chapter 14
Magsimula sa umpisa