"Tara."
Sinundan ko lang siya. Medyo malayo-layo din ang nilakad namin. Mga sampung minutong paglalakad ay tumigil siya sa isang bahay na mukhang ancestral mansion.
Ano naman ang gagawin namin dito? Hayyy.
Kusang bumukas ang gate. Parang haunted house. May mga rosas na mga tanin sa palibot na kulay pula.
"Nasaan tayo?," tanong ko habang nilakbay ko ng tingin ang paligid. Ang ganda sana eh! Kaso mas creepy pa dito kesa garden na paborito kong spot sa AIS, idagdag mo pa ang medyo usok at ang lamig ng gabi.
Sinalubong kami ng matandang babae na nakaayos ng maid. Nakapusod ang puti nitong buhok at parang malditang tinitigan kami.
"Magandang gabi, Manang Alicia."
"Magandang gabi din, Marian. Sino itong kasama mo?," tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa.
"Siya po si Keil kaibigan ko po. Pinapunta po ako ni Master." Tumango-tango naman ang matandang babae pero ako nanatiling tahimik.
'Medyo nalalamigan nakooooo!!!!!!!'
Pinapasok kami ng matanda. Sobrang ancestral din ng nasa loob, mga gamit pa sa kapanahonan ng mga kastila.
May painting pa ni Anabelle. Bakit sinali nila ito dito? Pina creepy talaga ang bahay na'to. Kung sino mang may sakit sa puso ay bawal na dito at baka atakihin pa.
"Kaninong bahay ba 'to?" Pero walang sinagot si Marian. Naglakad kami pataas sa second floor.
"Bahay ito ng pinagtrabahuan ko, Keil."
"Akala ko ba waitress ka sa bar?"
Malungkot siyang tumango tapos umiling. "Sinisesante nila ako ng napag-alamang menor de edad pa ko." Huminto kami sa harap isang napakalaking pinto. "May matandang lalaking tumulong sa'kin at pinatrabaho niya ko dito," dagdag pa niya. Itinulak niya ang malaking pinto. "Pumasok ka na, Keil. Kanina ka pa hinintay ni Master."
"Okay." Pumasok ako. Sinara ni Marian ang malaking pinto. May mesa sa harap ko at ang swivel chair naman ay nakatalikod halatang may taong umupo doon.
Tahimik lang akong tinitigan ang nasa swevil chair. Maraming libro sa palibot ng opisina. May sofa sa gilid. Kung kanina may painting ni Anabelle sa salas ngayon naman painting ni Chucky.
'Ano bang trip ng mga tao ngayon?'
"Sa wakas," panimula ng baritonong boses. Malakas ang boses niya at nakakakilabot. Pamilyar ang boses niya actually.
Puro pamilyar ang mga sinasabi ko ngayon.
"Ano ba ang kailangan mo?"
Narinig ko ang halakhak nito. Gumalaw galaw ang swevil chair.
"Ikaw, Alei." Humarap ito sa akin.
Halos mahimatay ako sa taong nasa harapan ko. Naka-business suit siya at mas nakapaskil ng isang galak na ngiti. Umawang ang labi ko.
"How are you, my dearest Apo?"
"Lolo? P-pero bakit? D-diba?"
Dali-dali akong lumapit sa kanya at niyakap. "LOLOOOOOOOO. WHY IZ DAT?????? ANONG TRIP ANG GINAWA MO?????" Humahagolhol ako.
Namiss ko ang lolo ko. Akala namin patay na siya ng nabalitaan namin na nagcrash ang eroplanong sinakyan niya.
"Buhay ako, Lei."
He's not my really grandfather. Kapatid siya ng lola ko na mother ni mama.
Niyakap niya ko pabalik. Actually, 45 pa talaga ang edad ni lolo. Halos ilang taon lang ang agwat nila ni Papa.
Umagos pa rin ang aking mga luha. Maliban sa mga kapatid ko at kaibigan, isa si lolo sa mga kakampi ko.
"Don't cry, baby. Mahal ka ni Lolo." Hinagod niya ang aking likuran.
"K-kasi n-naman." I sob.
"Ipaliwanag ko sayo lahat." Hinarap niya ko at pinunasan ang mga luha ko sa mukha. I bit my lip to control my iyak.
Di pa rin nagbago ang kagwapuhan ni Lolo in fact mas lalo itong gumwapo. Ni wala nga syang wrinkles eh.
"Maupo ka muna, iha. Okay?"
Tumango naman ako sa kanya. Pero humikbi pa rin ako.
Kinuwento ni Lolo ang mga nangyari. Napaiyak na naman ako sa kwento nya.

BINABASA MO ANG
Stealing with Permission
Teen FictionWhat will you do if he steal something with your permission? Did actually even call it steal or borrow?
SWP Chapter 14
Magsimula sa umpisa