抖阴社区

Chapter 22

43 0 0
                                    

Chapter 22

Happiest Day

"San tayo?" Tanong ko kay Ron

Nagd-drive siya ngayon. Sinundo niya ako sa bahay dahil may pupuntahan daw kami. Gusto niya kasi akong makasama ngayong weekend, ngayon lang din kasi ako nagka-time na mag-gala dahil wala naman akong gagawin. Nagpaalam ako kay Mama kagabi, hindi naman niya tinanong kung saan ako pupunta at sinong kasama kaya okay na rin yun.

Nang mga nakaraan kasi eh, marami akong labada kaya medyo naging busy. Naintindihan din naman ni Ron iyon kaya okay lang sa kanya. Alam naman kasi niya na kailangan kong magtrabaho para matustusan ang pag-aaral at ang mga bagay na kailangan ko.

Minsan nga pinuntahan niya 'ko sa bahay ng pinaglalabadahan ko at tinulungan. Nang tanungin ko siya kung paano niya nalaman kung saan ako nagtatrabaho, ang sagot niya ay tinanong daw niya si Celeste na siyang naiwan sa bahay.

Kahit hindi siya marunong nagawa niya pa rin akong tulungan. Natawa nga ako dahil ultimo pagsampay ay hindi niya alam.

Nakasuot ako ng high waisted jeans at naka kulay red na off shoulder lang ako. Naglagay din ako kanina ng konting make up. Si Ron naman ay naka maroon na shirt at jeans.

Wow, it looks like that we planned to have matching outfits huh!

"Somewhere I know you would love and enjoy." Sabi niya at kumindat pa.

Nakahinto kasi kami ngayon dahil sa stop light. Ang aga-aga pero traffic na agad dito sa syudad.

Ron held my hand. Nasanay na ako na palagi niyang hinahawakan ang aking kamay. Hindi na ako naiilang o kinakabahan tuwing gagawin niya ito.

Tatlong buwan na ang nakalipas matapos ang napakagandang pangyayari ng gabing iyon. Tatlong buwan na din kaming magkarelasyon ni Ron at masaya naman kami.

Hindi pa alam ng aking mga magulang ang tungkol sa relasyon namin ni Ron. Hindi naman sa ayaw ko ipaalam pero naghahanap lang ako ng tamang oras para sabihin sa kanila.

At isa pa hindi pa rin kasi umuuwi si Papa sa amin. Hindi ko alam kung may balak pa ba siya o ano. Wala na kasi akong balita tungkol sa kanya. Si mama siguro meron pero hindi naman siya nagku-kwento at ayaw ko rin naman siyang tanungin.

"What's wrong, Love? Are you alright? Are you sick?" Sunod-sunod na tanong ni Ron

"Wala, iniisip ko lang kung kamusta na si Papa at kung may balak pa ba siyang umuwi sa bahay para ayusin ang gulo sa aming pamilya." Sagot ko.

"Everything will be okay, Love. Maybe not now but it'll be okay soon. If you want, I can look for him."

Gustuhin ko man na hanapin si Papa pero naisip ko na kung gusto niyang ayusin lahat ng gulo ay siya mismo ang pupunta sa bahay para mapag-usapan ito. At ayoko rin naman na magpatulong kay Ron baka kasi sabihin ng mga tao eh, jinowa ko lang siya dahil may pakinabang siya.

Between You and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon