抖阴社区

Chapter 26

24 0 0
                                    

Chapter 26

Kung Tayo, Tayo Talaga

"Engage na si Ron." Pambabasag ko sa katahimikan na bumalot sa'min ni Mama.

Hindi ko alam pero tuwing sasabihin ko yan ay may kung anong tumutusok sa dibdib ko at nasasaktan ako.

Nasasaktan ako sa katotohanan na ayaw sa akin ng nanay niya. Ayaw sa'kin ng mga taong malalapit sa kanya. Ayaw nila sa katulad ko na isang hampaslupa.

"Ha? Hindi ko maintindihan 'nak."

"Ako rin ma...hindi..hindi ko din alam kung bakit....kung papano...." Humihikbing sabi ko.

"Kinausap mo na ba si Ron tungkol dito?"

Umiling ako dahil hindi ko kayang sumagot. Gulong-gulo ng isipan ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Ang alam ko lang ay nasasaktan ako ngayon.

"Pag-usapan niyo 'nak. Alamin mo ang side ni Ron baka may explanation siya."

"Ayoko muna ma...masakit pa eh... nasasaktan ako....ang sakit sakit ma..."

"Tahan na 'nak. Nandito lang si Mama. Handang makinig at tulungan ka."

Nahiga ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata. Pagod na siguro ang mga ito sa kakaiyak. Habang si Mama naman ay hinahaplos ang aking buhok. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Kinabukasan ay late na akong nagising. Okay lang naman dahil wala naman ng pasok pero may practice.

Nag-ayos na ako papuntang school at pagkatapos ay nagpaalam na kina Mama na aalis na ako. Kahit medyo nahihilo at masama ang pakiramdam ko ay pinilit ko pa ring pumasok kasi ako yung mago-opening ng program.

Pinagalitan pa 'ko ni Mr. Luciano  dahil na-late nga ako dumating. Isang oras tuloy silang nakatunganga.

Tinignan ko ang mga estudyante na sa tingin ko ay kanina pa nakatingin sa akin. Nakita ko si Issa na nakatingin sa akin habang nakangisi. Si Ron naman ay naka-upo lang sa gilid. Hindi ko na muna yun pinansin dahil nagsimula na ang practice.

"Ano ba Daniz!!! Sa susunod na linggo na 'to! Hindi mo pa rin kabisado ang mga sasabihin mo?! Jusko naman!!!!! Water break nga muna!" Galit na sigaw ni Mr. Luciano.

Kanina pa kasi ako nagkakamali dahil hindi ako maka-focus dahil feeling ko anong oras ay matutumba ako sa stage dahil hilong-hilo na talaga ako.

"Daniz, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Lenne.

Tumango lang ako sa kanya. Halos dalawang oras na kasi kaming nagp-practice kaya mas lalong sumakit yung ulo ko.

Between You and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon