抖阴社区

Chapter 7

72 2 0
                                    

Chapter 7

Stalker

"Hirap naman ne'to!" Reklamo ni Jenny.

Gumagawa kasi kami ng homework namin sa Math. Napagdesisyunan nila na sa bahay na lang gumawa para maturuan ko raw sila.

"Ayan kasi puro daldal ang inaatupag pag nagdi-discuss si Miss." Pambubuko sa kanya ni Lenne.

Kinuha ko ang kanyang notebook at tignan Kung tama ba ang ginawa niya.

"Ganito kasi yan Jenny..." Saka ko siya tinuruan ng tamang proseso.

Matapos ng ilang oras ay natapos rin namin. Ginawan kami ni Mama ng meryenda. Pagkatapos ay nagpaalam ako na ihahatid ko lang sila.

Habang naglalakad ay nagkwentuhan kami ng mga bagay-bagay.

" Maiba ako. Uy girl!" Tinapik ako ni Jenny.

"Alam mo parang may something na kayo ni Ron. Kalat na kalat na nga sa school na mag-jowa na kayo. "

"Halaa! Wala! Magkaibigan lang kami ni Ron. Alam niyo namang hindi ako pwedeng magboyfriend kasi malilintikan ako kina Mama't Papa, diba?" Sabi ko.

"Tsaka di kami pwede 'no! Masyado siyang perfect. Crush ko lang siya, at hanggang dun lang talaga. I won't try to cross the line." Dagdag ko pa.

"Sus! Yan ang sinasabi ng utak mo pero kabaliktaran naman ang sinasabi ng puso mo. Naku Daniz! Alam mo ba na kapag pinipigilan mo ang iyong nararamdaman e lalo ka lang nahuhulog." Sabi naman ni Lenne.

"Tsaka wala naman ako'ng nakikitang masama sa nararamdaman mo ah. Nag-ooverthink ka lang." Sabat ni Lovely.

"Sabihin na nating wala kayong nakikitang masama pero ayaw ko madisappoint sina Mama't Papa sa'kin dahil mas pinili ko'ng sundin ang nararamdaman ko. Ayoko sirain ang tiwala nila sa'kin. Ayoko. " Sabi ko.

"Tsaka bata pa naman tayo. The right person will come at the right place and right moment." Dagdag ko pa.

"Sabagay, may point ka naman." Si Lenne. "O dito na bahay ko, pa'no mauna na ako ah. Bye girls!" Humalik siya sa'min bago kumaway.

Pagkatapos ko silang ihatid ay naglalakad na ako pauwi.

Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si Papa na nakaupo at nagkakape.

"Mano po." Sabi ko sa kanya saka nagmano.

"Kaawaan ka ng Diyos. Saan ka galing?" Binalingan niya ako ng tingin.

"Ah, hinatid ko lang po sina Lenne. Gumawa kasi kami ng homework namin. E nagpatulong po sila." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Ah ganon ba. Kamusta naman ang mga grado mo?" Tanong pa niya.

Ay oo nga pala, bigayan kanina ng grado. Tuwang tuwa nga ako kasi ako ang may pinakamataas na grado sa Math.

"Sandali lang po Pa! Kukunin ko lang po sa bag." Nae-excite ko'ng sabi.

Tumakbo ako patungo sa kwarto para kunin ang report card ko.

"Eto Pa 'o." Sabi ko at inabot sa kanya ang report card ko.

Pinasadahan niya ito ng tingin. Nakangiti ako'ng nag-aabang ng kanyang magiging reaction.

"Magaling. Sana mai-maintain mo ya'ng mga grado mo. Wag mo hahayaang maunahan ka ng iba. Dapat ikaw ang palaging nasa una, ikaw palagi ang mataas." Sabi ni Papa at ibinalik na sa akin ang report card. Tumayo siya at pumasok na ng kwarto nila.

Nawala ang mga ngiti ko sa mga sinabi ni Papa. Wala akong problema kay Papa sa katunayan nga proud na proud ako sa kanya. Pero kung may ayaw ako sa kanya, eh ang pagpe-pressure niya sa'kin. Ayoko kasi na pinepressure.

Tsaka tingin ko di siya satisfied sa mga nakuha kong grado. Tinignan ko ulit ang aking grado. Matataas naman ah. Hindi nga bumababa ng 95 to'ng mga 'to eh.

Hays, kailan kaya ako maging sapat kay Papa? Kailan niya kaya makikita lahat ng effort ko para hindi siya madisappoint?

Napailing na lang ako. Pumasok ako sa kwarto ko at umupo sa study table ko. Nakalatag na ang mga librong babasahin ko. Nagsimula na akong magbasa at magtake down ng notes. Ganito Ang routine ko. Pagkagaling ng skwela ay uuwi ng bahay para mag-aral ulit.

Minsan nga naisip ko na sana pala hindi nalang ako naging honor student. Siguro mas nae-enjoy ko ang kabataan ko.

Nang matapos na akong mag-aral ay nahiga muna ako sa kama ko at nagcellphone. Binuksan ko ang Facebook ko. Ginawan kasi ako ni Lenne nung isang araw. Ayoko nga sana pero sabi niya lahat daw may Facebook na ako na lang ang wala .

Kaonti pa lang ang mga friends ko. Halos mga kaklase at mga kamag-anak nga lang eh. Nagsoscroll lang ako ng mahagip ng aking mata ang isang pamilyar na pangalan.

Ron Vince Remualdez
Add Friend

Nacurios ako kaya pinindot ko ang profile niya. Nakapublic naman siya. Tinignan ko ang friends niya, 2,999 wowww! Grabe ang rami niyang friends, ilan kaya sa kanila ang totoo?

Nagtingin-tingin din ako ng mga pictures niya.

"Ang cuteeee!" Sabi ko ng makita ang baby picture niya.

Hindi ko namalayan na aksidente kong na like ito.

"Hala! Hala! Hala!" Sabi ko habang nagpapanic.

Pinindot ko ulit ang like button para mabawi ko. Sana hindi nag-notify sa kanya. Sana hindi siya online. Kundi mapapagkamalan akong stalker.

Eh sinu-stalk mo naman talaga siya Daniz ah.

Hindi ah. Nacurios lang ako.

Ano ba? 'Bat ko kinakausap sarili ko?!

Maya-maya ay nakita kong may nagmessage sa'kin. Baka si Lenne.

Dali-dali kong binuksan ang messages at nanlumo ako ng makita kung sino ang nagmessage.

From: Ron Vince Remualdez
Somebody just liked my photo that was uploaded 5years ago.
Hey there, stalker!

Ay nalintikan na! Hindi na ako nag-abala na magreply. Agad kong pinatay ang aking phone.

Isa na namang katangahan ang aking nagawa.

------------------------------------------------------------

Between You and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon