抖阴社区

Chapter 34

21 0 0
                                    

Chapter 34

Body Shot

Warning: R-18

"Sorry."

Sabi ni Architect Samuel habang nandito kami sa opisina ko. Nag-file na kasi kami ng case laban sa kanya at nandito lang siya para kunin iyong mga natira niyang gamit. He's fired. Nagpa-interview na din kami at nilinis namin ang pangalan ng kompanya. Halos isang linggo rin siyang wala kaya isang linggo rin akong naghintay ng magiging rason niya kung bakit niya iyon ginawa.

Ang buong akala ko ay worth it iyong paghihintay ko dahil ang akala ko may sense yung rason niya kung bakit niya nagawa yun. But after hearing his reason, I really want him to be imprison.

"You're not. Alam mo, napaka-immature ng rason mo! Dahil lang sa nagpaligaw ako?! Nagawa mong sirain yung pangalan ko at ng kompanya? Shame on you, Architect Samuel! Una pa lang sinabi ko na sa iyo noon na hindi kita gusto at hanggang kaibigan lang talaga! You're unbelievable!"

"But you also said that you won't accept suitors- "

"That time, yes. That was 5 years ago! And I made it clear with you Architect Samuel. Hanggang kaibigan lang kasi hindi ko nakikita yung sarili ko sa iba. Hindi mo ba yun naintindihan? O bobo ka lang talaga? You topped the boards for architecture pero ang hina mo sa hearing comprehension! Gad!!!! Whatever verdict you'll get, you must accept it. Face the consequences for making stupid actions!"

Galit na galit talaga ako. Simula kanina ng makita ko siya parang gusto ko na siyang sampalin eh pero naisip ko na hindi ako ganoong tao.

Gusto niya pa sanang magsalita pero agad ko siyang pinutol at sinabi ko na ayoko na marinig yung mga walang kwenta niyang rason. Nanghingi siya ng tawad pero hindi ko iyon tinanggap. Maraming nadamay at pangalan na nasira dahil sa kagaguhan niya.

"Ang bobo literal!"

Bakit ba hanggang ngayon na nasa 21st century na tayo marami pa ring tanga? Nakakairita! Nakakahiyang isipin na kung sino pa yung mga may pinag-aralan minsan sila pa yung mga tanga. Sana huwag nilang ipamana sa magiging anak nila dahil nakakahiya talaga.

Ang katangahan ay hindi vitamins kaya 'wag araw-arawin.

Pilit kong ikinakalma ang aking sarili. Hindi tulad ng mga nakaraang araw na sobrang gulo ng company dahil sa issue, ngayon ay tahimik na at balik sa dati yung trabaho. Wala ng mga media na nakaabang tuwing lalabas kami.

"Engineer, excuse me po." Tawag ni Liz.

Iyong panandaliang pumalit kay Clara bilang secretary ko. Naka leave kasi siya ng dalawang buwan dahil inaasikaso niya ang burol ng nanay niya. Unfortunately, her mom passed away after being at the hospital for a week.

Nang tumawag si Clara sa akin para ibalita na patay na yung nanay niya ay agad akong pumunta sa kanya kahit marami rin akong inaasikaso that time. I felt that she needs me. That she needs somebody to be her crying shoulder.

Nung una ay hindi niya talaga matanggap pero ng inexplain ko sa kanya na mabuti na yun at nakapag-pahinga na yung nanay niya at pati na rin siya ay medyo naging okay na rin.

"Yes, Liz?"

"May naghahanap po sa inyo."

"Papasukin mo." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Liz is younger that Clara. She's still studying while working. Minsan nga nahuhuli ko siyang nare-review kahit na oras ng trabaho pero hinahayaan ko na lang dahil maayos naman siyang magtrabaho.

Tumango siya at umalis para siguro tawagin kung sinuman yun. Narinig kong bumukas yung pinto kaya tinignan ko. At laking gulat ko ng makita si Ron na may dala-dalang isang box ng pizza.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

? Huling update: Jun 07, 2021 ?

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Between You and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon