Chapter 8
Valentine's
Kasalukuyan akong naglalakad papuntang school. Maaga pa masyado kaya kaonti pa lang ang makikita mong naglalakad na estudyante.
Pagpasok ko sa gate ay namangha ako sa itsura ng eskwelahan. Napapalibutan ito ng mga ginupit na pulang puso na isinabit sa hallway. Valentine's day kasi ngayon. Ito ang naisip na pakulo ng student council.
Mamaya ay magkakaroon din ng freedom wall na kung saan pwede kang maglagay ng confession, qoutes, at message. Pwede ka ring magrequest ng kanta. May mga booths rin. Karamihan sa mga estudyante ngayon ay naka-civillian.
Yung iba ay naka-pula kasi simbolo daw iyon na inlove ka. Mayroon ding naka-kulay black simbolo daw na broken ka. Yung mga tulad ko naman na walang pake at study first, e naka-complete uniform.
Nagkaroon lang kami ng konting discussion tapos ay wala ng klase at oras na sa pagliliwaliw.
"Punta muna tayo sa freedom wall. Tignan na'tin yung mga nakasulat dun!" Excited na sabi ni Lovely.
Pumayag naman kami sa gusto niya. Pagdating namin sa freedom wall ay marami-rami na din ang naka dikit. Nagbasa-basa ako ng mga iilang mensahe na mostly eh para sa mga crush at sa mga jowa nila.
Dear Ian,
Sana mapansin mo ako. Halos isang taon na kitang crush. Halos araw-araw rin akong palihim na nagpapadala ng love letter sayo. Sana nababasa mo. <3
From: BabyPink143To: Blaster Samaniego
Hi babe! Happy Valentine's day! I love you since the day I met you. Stay strong to us. I love you.
From: Katelyn Vargas"LoVe iS sWeeT wHeN iT's nEw, bUt iT iS sWeEteR wHeN it'S tRuE."
"Ang pag-ibig ay hindi hinahanap kasi kusang dadating yan."
Iilan lang yan sa mga nakasulat dito.
"Maglagay din tayo!" Sabi ni Lovely.
Itong babaeng to! Ang daming alam.
Binigyan niya ako ng papel na ginupit na hugis puso. Tinitignan ko muna ito saka ko inabot pabalik sa kanya.
"Kayo na lang." Sabi ko.
"Daniz naman! Wag ka ngang kill joy!" Asik ni Lovely.
"Ngayon lang to Daniz." Sabi ni Jenny na nagsusulat na.
"Oo nga! Gan'to na lang. Kapag nagsulat ka, ililibre kita sa lahat ng booth na pupuntahan na'tin. Ano? Sige na!" Sabi ni Lenne.
Libre? Nakarinig ako ng libre!
Kahit labag sa kalooban ko ay dali-dali kong kinuha ang papel sa kamay ni Lovely. Para sa libre, bes!

BINABASA MO ANG
Between You and I
RomancePaano kung isang araw magising kana lang na kailangan mo na pa lang pumili. Pipiliin mo ba ang pag-ibig na matagal mo ng hinahangad o ang pag-ibig na kabutihan mo lang ang hangad ? Will you take the risk? Or Will you give up and just follow where f...