Meeting the Fam
"Hindi talaga pwede, Ms. Suason!"
"Sige na po. Gipit lang po talaga kami ngayon."
"Pasensya na. Talagang hindi pwede dahil nung last exam e, hindi ka rin nakapagbayad ng miscellaneous fee. Alam mo naman ang rule ng school diba?"
Tumango na lang ako. Fourth quarter examination kasi namin ngayon pero parang hindi ako makakakuha nito dahil hindi ako nakapagbayad ng aking miscellaneous fee na siyang required.
Wala akong nagawa kung hindi ang maupo na lang sa bench sa harapan ng room namin. Wala akong pambayad ngayon dahil lubog kami ngayon sa utang. Binayaran namin ang mga utang ni Papa. Hindi naman namin inakala na aabot sa 50,000 yung utang niya sa apartment na tinuluyan niya at yung iba eh sa tindahan na. Pati ipon ko na sana ay pangbayad ko sa entrance exam fee ko ay nagamit na.
Kung hindi ako maka-kakuha ng exam ngayon ay hindi ako ga-graduate. Pano na yung mga pangarap ko? Pano na yun?
Hindi ko naman pwedeng hingan ang mga kaibigan ko at si Ron dahil ayoko din silang istorbohin. Tsaka hindi nila ako responsibilidad.
Umiyak ako ng umiyak. Hanggang sa narinig ko na nagbell na. Hudyat na magsisimula na ang exam. Nawalan na ako ng pag-asa.
"Love."
Nag-angat ako ng tingin sa pinanggalingan ng boses na yun. Nakita ko si Ron na nakatayo sa harapan ko.
"H-hey"
Agad kong pinalis ang aking mga luha at pekeng ngumiti sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan niya ang aking mga kamay.
"Let's go. Magsisimula na ang exam."
"S-sige mauna kana."
"I-i already paid your fee."
Nagulat ako sa kanyang sinabi. Tinignan ko siya sa kanyang mata. Ayokong may ibang tao na namomoblema sa problema ko. Ayokong mandamay.
Magsasalita na sana ako ng bigla siyang magsalita.
"Don't argue. It's fine. Its my money by the way."
Bigla ko siyang niyakap. "Salamat...walang-wala talaga ako ngayon. Babayaran kita 'pag may pera na ako." Humihikbi kong sabi.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. "It's okay, Love." Sabi niya at saka ako hinalikan sa noo.
Nung araw na yun ay nakapag-exam ako. Kinalimutan ko muna lahat ng problema ko at nag-focus sa exam. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para sagutan lahat ng tanong.
Pagkatapos din naming mag-exam ay nag-aya si Lenne sa isang restaurant. Ayaw ko sanang sumama dahil wala akong pera pero sabi niya ay sagot niya lahat at advance celebration na din daw yun namin dahil magtatapos na kami. Inaya din nila si Ron na sumama.

BINABASA MO ANG
Between You and I
RomancePaano kung isang araw magising kana lang na kailangan mo na pa lang pumili. Pipiliin mo ba ang pag-ibig na matagal mo ng hinahangad o ang pag-ibig na kabutihan mo lang ang hangad ? Will you take the risk? Or Will you give up and just follow where f...