Chapter 25
Betrayal
"Okay na ba yung itsura ko?" Tanong ko kay Celeste.
Nasa kwarto kami ngayon. Naghahanda kasi ako dahil anong oras ay susunduin na ako ni Ron. Ngayon na kasi yung birthday party ng Mommy niya. Nagtext siya kanina na susunduin niya ako bandang alas otso ng gabi.
"Oo ate! Bagay nga sa'yo ang kulay na yan." Sabi niya habang nagtutupi ng mga damit.
Sabi naman ni Ron kahit ano daw klaseng damit pwede na. Kaya napagdesisyunan ko na magsuot ng isang dress na kulay maroon at saka flat sandals. Hiniram ko pa ito kanina kay Tita.
Ilang minuto pa ang itinagal ng pag-aayos ko nang tawagin ako ni Bryant dahil naghihintay na raw si Ron sa baba. Dali-dali kong kinuha ang kulay silver na sling bag na siyang ibinigay ni Ron sa akin.
"Ganda naman!" Sabi ni Papa.
Ngumiti lang ako sa kanya. Nakita ko naman si Ron na nakaupo at naghihintay sa akin. Siya ay nakasuot ng tuxedo. Bigla naman akong nahiya sa suot ko.
Lumapit siya sa akin at inilahad ang kanyang kamay. Tinanggap ko naman ito. Narinig ko pa ang mahihinang tili ng aking pamilya.
"Alis na po kami Tito, Tita." Pagpapaalam ni Ron.
"Sige basta hanggang alas dies lang. Pagkatapos ihatid mo na siya dito sa bahay." Si Papa
"Yes po." Sagot ni Ron
"O, siya sige na at baka ma-late kayo." Si Mama
Pababa na sana kami nang bigla akong tawagin ni Celeste.
"Ate, sandali! Nakalimutan mo yung regalo ni Madam Nenita." Sabi niya sabay abot sa paper bag.
Kinuha ko ito at pinasalamatan siya. Nang makaalis na kami ay muli kong tinignan si Ron. Sobrang gwapo niya ngayon.
"Alam mo bagay sayo ang ganyang pormahan. Attorney na attorney ka diyan." Sabi ko
Nanatili ang tingin niya sa daan. "Stop fooling me, Love!"
"Hindi kita binobola ah. Totoong bagay sa'yo ang suot mo. Nahiya nga ako dahil..." Hindi ko na natapos ang dapat kong sasabihin ng bigla siyang nagsalita.
"You also look stunning tonight, Love." Pagpuputol niya sa sasabihin ko.
Agad naman akong napangiti sa kanyang sinabi. Kahit alam ko naman na hindi ganoon kagarbo o kaganda ang damot ko basta galing sa kanya ay sumasaya ako.
"Love...." Tawag ni Ron
"Hmm?"
"I love you."
"I love you too, Love." Sabi ko at hinawakan ang kanyang kamay.
Nanatili kaming tahimik sa buong byahe hanggang sa makarating na kami sa bahay nila. Namangha ako sa gate nila dahil sa sobrang taas nito, kulay itim tapos naka-ukit ang kanilang apelyido dito. . Agad naman kaming pinagbuksan ng mga gwardya na nakabantay.

BINABASA MO ANG
Between You and I
RomancePaano kung isang araw magising kana lang na kailangan mo na pa lang pumili. Pipiliin mo ba ang pag-ibig na matagal mo ng hinahangad o ang pag-ibig na kabutihan mo lang ang hangad ? Will you take the risk? Or Will you give up and just follow where f...