抖阴社区

Chapter 16

64 1 0
                                    

Chapter 16

All Ears

Warning: Strong words are used in this chapter and there are some scenes that involves harassments, so if you're not comfortable reading this chapter, you can proceed to the next chap. Thank you! =))

"Palagi ka na lang lasing! Hindi ka na nahiya!"

"Wala kang pake! Pera ko ang pinang-iinom ko! Naiintindihan mo?! Pera ko!"

Pag-uwi ko galing sa paglalaba ay yan agad ang nadatnan ko sa bahay. Sigawan, at bangayan. Hindi pa ako nakapasok sa bahay ay may narinig akong nabasag na kung ano.

Dali-dali akong pumasok at nagulat ako sa aking nadatnan.

"Pa!" Sigaw ko.

Hawak niya si Mama sa leeg gamit ang kanang kamay niya at sa kaliwa naman ay isang basag na bote ng beer na nakatutok kay Mama.

"Bitiwan mo si Mama!" Sigaw ko sabay tanggal ng kamay niya sa leeg ni Mama.

"Okay ka lang Ma?" Puno ng pag-aalala ang aking tinig.

"Umalis ka dyan, Daniz!" Dinig kong sigaw ni Papa. "Sinabing umalis ka dyan!"

Hinatak niya ako rason ng aking pagkatumba. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, tumayo ako at sumigaw.

"Tama na!!!!!!"

Matinding katahimikan ang bumalot sa loob ng bahay matapos kong sumigaw. Tumingin silang dalawa sa'kin tila naguluhan at nagtataka sa aking ginawa.

"Tuwing uuwi ba ako ng bahay ito ang madadatnan ko?! Away? Away puro na lang away! Tangina nakakasawa na!" Sabi ko habang humahagulgol.

"Ma, Pa may mga anak kayo! Hindi na kayo nahiya!" Sabi ko pa.

"Ikaw hindi ka ba nahiya na sagutin kami?" Sabi ni Papa sa galit na tono.

Tinignan ko siya at ngumisi. Pinalis ko ang mga luha ko na sunod-sunod na pumapatak.

"Ikaw Pa, hindi ka ba nahiya sa ginagawa mong kataksilan?" Tanong ko ng buong tapang.

Nagulat si Papa sa aking tanong kaya lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kwelyo ng mahigpit.

"Bastos ka! Anong pinagsasabi mo?" Galit pa rin niyang sigaw.

Mas humigpit pa ang hawak niya sa aking kwelyo at medyo masakit at nahihirapan na akong huminga pero hindi ko ito ipinakita sa kanya.

"Nakita kita kanina Pa. May kasama ka, maganda at bata. Mukha kayong masaya. Kamusta halik? Mas masarap ba labi niya kesa k--" Hindi ko natapos yung dapat kung sasabihin ng sampalin ako ni Papa.

Between You and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon